Liham Ng Pag Ibig ko
Isaac's letter...
(KI - 17 Sayang)To my tahanan
It's been four weeks since I woke up... and it's been four weeks since I've lost you, Hindi ko itatangi... Kahit alam kong kathang isip lang kita, hindi ko itatangi na minahal kita ng sobra hindi ko itatangi na namimiss kita, yung mga araw na masaya tayong dalawa? Hindi ko alam pero hindi talaga yun mawala sa isip ko, langga. Apat na linggo na kitang hindi kasama, apat na linggo ko na ring hinihiling sa bathala na sana totoo ka, kada matutulog ako netong nakaraang apat na linggo muka mo lagi ang nakikita ko...pero hindi mo ako kinakausap, sa mundo kung saan tayo nag kakilala parang saakin ay walang makakita, tila ba ako'y nag laho ng parang bula sainyong mga mata. Kita ko kayo tahanan ko, tinatawag ko kayo, pero kayo ang hindi ako makita, kayo ang tila ba nabingi dahil hindi nyo ko marinig kahit gano pa kalakas ang aking tinig. Sa mundo kung saan tayo nag kita? yun din ang mundong gusto ko muling makita at matirhan... Joah, langga, mahal... Pakibalik ako jan, pakibalik ako sa bisig mong punong puno ng pagmamahal... Pakiusap, ibalik moko sa mundong tayong dalawa ang magkasama hanggang sa pag tanda. Hindi ko talaga maitanggi na hinahanap hanap kita, ngunit... Kaya kong itangi na sakanila na hindi ako ayos kahit wala kana- Isla.
YOU ARE READING
Kathang Isip •|| JoKen ✓||•
FanficWe were living the dream without knowing that it was all really a dream.