Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 2

5.2K 441 89
                                    

SUMAMA KA SA AKIN SA MAYNILA!

Tama ba ang desisyon ko na isama ang isang estranghero kung saan ako nakatira sa Maynila? Ganito ba ang side effect ng pa-expire na dapat ang life, kaya lang ay biglang na-extend?

Katabi ko na ang lalaking asul ang mga mata. Naririto kami sa loob ng Grab pa-biyaheng Maynila. Tahimik lang siya, ni walang 'thank you'. Basta noong isinakay ko siya rito, sumakay lang siya na walang tanong o reklamo. Feeling ko tuloy ay isang manikin at hindi tao ang isinama ko ngayon. Pero may manikin bang ganito kalakas magdulot ng tensyon?

Kahit may suot pa akong damit ay ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya dahil magkadikit ang mga braso naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako na pausurin siya. Inisip ko na lang na baka nga katulad ko ay nilalamig siya.

Bakit hindi siya lalamigin, e hayan at naka-bold siya. Mabuti pa nga ako na kahit basa ang suot, at least ay may suot.

Nakisuyo na lang ako sa driver na hinaan ang aircon. Mabuti naman at hindi pumalag si Manong. Nakarating kami sa Cubao na walang aberya. Ang bilis lang ng biyahe dahil walang traffic, hindi tuloy ako ganoong nakapag-isip-isip. O sadyang barado pa ng tubig ang utak ko. Nakababa na kami sa Grab car. Napatingin ako sa lalaking kasama ko. Wala pa rin siyang imik, walang reaksyon, wala lahat.

Okay, bahala na talaga. Kung masama man siyang tao, e di masama. Mamamatay na rin naman ako dapat kung hindi niya lang ako iniligtas kanina.

Papuslit ko siyang ipinasok sa maliit kong apartment na nasa ibaba ng isang 4-floor building sa pusod ng Cubao. Mahirap na at baka may makitang kapitbahay, mapagkamalan pa akong nag-uwi ng callboy. Sa suot ng bitbit ko, hindi malayong mapag-isipan talaga ako ng malaswa ng mga makakakita.

Pagkapasok sa pinto ay ini-lock ko agad ang pinto. Sa pagbukas ng ilaw ay sandali pa akong napatanga sa kanya. Shit! Tao ba talaga ito? Bakit ganito kaperpekto?!

Napakaperpekto niya mula noo hanggang panga. Pati nga Adam's apple niya, wala kang maipipintas. At kahit pa siguro buong katawan. Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara siya sa aking ex na si Nero. Oo nga at guwapo rin si Nero, pero iba ang dating ng lalaking ito. Ibang-iba. Kumbaga sa bagyo, ibang signal ito.

Ano'ng sinabi ng ex kong walanghiya sa gandang lalaki niya? Wala!

Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ngayon kung guwapo? Hindi nakakain ang guwapo. Hindi rin naibabayad sa bills. Kumuha ako ng dalawang tuwalya at isinaklob sa kanya. Kumuha rin ako ng para sa akin.

"Dito ako nakatira," sabi ko sa sinikap na kaswal na tono. Tinungo ko ang closet. "Pasensiya ka na at maliit lang ito, pero mas mabuti na rito kaysa sa kalsada ka matulog." Bukas ko na pag-iisipan kung ano ang gagawin sa kanya.

May naiwang t-shirt ang ex kong walanghiya na hindi ko pa naitatapon. Mabuti at hindi ko pa nga natatapon o nasusunog iyon, may maipapagamit ako kay— Teka, ano nga palang pangalan niya?

"Dakila."

Napalingon ako sa kanya. Ano raw?

"Dak?" ulit ko sa sinabi niya. "Daks?" Ano iyon? Parang ang laswa!

Ang magagandang uri ng asul na mga mata ng lalaki ay nakakarahuyo nang siya'y muling magsalita. "Dakila ang itawag mo sa akin."

Napanganga ako sa kanya. Anak ng tinapa! Nakapagsasalita naman pala siya! At ang ganda ng boses niya, buong-buo! Pero hindi iyon, e. Nakakapag-Tagalog naman pala siya, kaya kahit ang guwapo niya ay nakakapikon bigla!

"Pinaglololoko mo ba ako?!" Binato ko sa kanya ang naiwang t-shirt ni Nero. "Hindi ka naman pala na-trauma, pinahirapan mo pa ako!"

Ibinaba niya ang t-shirt na napakadali niyang nasalo. Iginala niya ang kanyang asul na paningin sa kabuoan ng apartment ko. "Paumanhin."

The Unknown ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon