Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Chapter 4

2.8K 145 22
                                    

"DAKS?"

Kusa akong napangiwi. Ang halay naman niyon.

"Daki? Ducky?"

Salubong ang kilay niya habang nakatitig na naman sa akin. Ganito siya, mas gusto niya akong titigan kaysa simpleng tingnan lang. Sabi niya, doon daw sa isla ay walang katulad ko. Halos lahat daw kasi ng babae ro'n ay may edad na, kaya siguro naa-amaze pa rin siya hanggang ngayon sa youth ko. Whatever!

At least 'di ba may isang manghang-mangha sa itsura ko? Nakakataas ng self-esteem after akong i-dump ng ex ko na tila ba napakawala kong kuwentang kasintahan at hindi ako karapat-dapat sa forever na ipinatatamasa nito ngayon sa walanghiya kong ex-best friend na si Myrr.

"Hmn... Hindi ako makaisip ng nickname for you." Nangalumbaba ako sa mesa. Magkaharap kami at katatapos lang kumain ng hapunan. "Hindi naman puwedeng Kil? Or Kila? Ang chaka. Di bagay sa 'yo."

Kanina, after niyang isukat ang mga damit niya ay kulang na lang malaglag ang panty—I mean ang panga ko sa sahig. Kulang ang salitag "wow" noong isuot niya ang faded fitted jeans at dark blue polo shirt na binili namin sa tiangge. Napakaguwapo ng herodes!

Gumana tuloy agad ang utak ko. Why not pag-model-in ko siya? Ako ang manager? Tiyak payayamanin niya ako nang bongga. Akalain mo ba namang kahit overrun ang suot niya, puwede pa rin siyang humanay sa mga model ng GQ Magazines? Hindi OA iyon, sa totoo lang talaga!

Ang guwapo niya. Ang ganda ng tindig at height pati na rin ang built ng katawan. Pati simple Aeropostale na t-shirts, ni-rock niya nang walang ka-effort-effort kanina!

"Ano'ng gamit mong sabon sa isla?" biglang tanong ko.

Paano niya napanatiling ganito kakinis ang kutis niya? Balbon siya pero kitang-kita pa rin ang ganda ng kanyang balat. Wala rin siyang ka-pores-pores at talagang mapula ang kanyang mga labi.

Sabagay, ikaw ba naman puro sariwang tubig, gulay, at prutas ang araw-arawing ilagay sa tiyan ay hindi gaganda ang balat?

Sabihin na nating kumakain din siya ng meat, pero iyong kinakain niyang meat ay fresh at hindi botcha o double dead. Plus pa na ang kinakain ng mga hayop sa gubat ay sariwa rin. Ang nilalanghap niya ring hangin don ay sariwa. Sa gawain naman, mukhang batak siya sa gawaing mabibigat kaya ganito kaganda ang katawan niya. Daig niya pa ang regular sa gym.

Ipinilig ko ang ulo ko. Mukhang magkaka-crush pa yata ako sa kanya. Hindi puwede. Ayoko nang umibig! Charaught!

Iba ang magiging papel ni Dakila sa buhay ko. Tapos na ang mga panahong ako ang sunod-sunuran at ginagamit. Iba na ngayon. Ako naman ang magiging matigas ngayon at makikinabang.

"Back to your name." Iniwas ko na ang paningin ko sa kanya. "Gaya nga ng sabi ko, masyadong mahaba ang pangalan mo. Saka medyo weird din para sa generation na ito. Kailangan makaisip tayo ng pangalan na pupuwede sa 'yo. Parang screen name. Ganern."

Biglang may kumatok.

"May tao," malumanay na aniya.

Napatitig ako sa pinto. Sino naman kaya?

Hindi pa naman singilian ng upa para dalawin ako ng landlady ko na si Mrs. Luz? At hindi rin ako binibisita rito ng mga ka-work ko, at mas lalong wala akong ka-close na ibang tenant sa three-storey building na ito. Wala rin naman akong in-order sa Shoppee, Lazada, o kahit pizza para may kumatok sa pintong 'yan.

Isa lang naman ang naliligaw sa lugar ko—si Nero!

Pinagpawisan ako nang malapot nang hindi tumigil ang katok mula sa labas ng pinto ng apartment ko.

"Titingnan ko." Tumayo si Dakila bitbit ang tinidor na ginamit namin sa pagkain kanina.

Kabadong pinigilan ko siya sa braso. "Ba't kailangang may tinidor?!"

"Mahirap na, baka kalaban 'yan."

"Kalaban?!" Nanlaki ang butas ng ilong ko.

"Dapat ay palaging handa. Dito ka lang. Ako ang titingin kung sino ang dumating."

Seryoso siya! Nakakaloka!

"Sandali! Sandali nga!" Inunahan ko siya pinto. Itinulak ko ang matigas niyang dibdib. "Ako na! Makasaksak ka pa, e! Mamaya naman nangangarolling lang 'yan!"

"Nangangarolling?" Kumunot ang noo niya.

"Magpa-Pasko na. Heller?"

"Magpa-Pasko?"

"Oo. Bakit wala ba kayong Pasko sa isla niyo? Wala ba kayong okasyon doon? Relihiyon?"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, babae."

"Makababae naman 'to." Inirapan ko siya. "'Maya explain ko sa 'yo. At ayusin mo 'yang pananalita mo sa 'kin, ha! Baka nakakalimutan mo, ako ang madam dito!"

Hindi na siya umapila pa. Iyan naman ang gusto ko sa kanya, hindi siya nagrereklamo kapag tinatarayan ko.

Naulit ang mga katok. Parang hindi susuko ang nasa labas hangga't hindi ko napagbubuksan. Masigasig!

"Oh, ito na. Saglit lang!" Malabo namang si Nero ito. The last time na nagkita kami, halos hindi ako matingnan ng lalaking iyon sa mata. Nahihiya yata sa kawalanghiyaan niya.

Inalis ko ang lock sa pinto. Sabog-sabog ang buhok ko at nakapambahay lang ako. Losyang kung losyang, wala akong pakialam. Nangangaroling lang naman itong nakatok. O baka nagso-solicit lang since wala akong naririnig na kanta mula sa labas. Tuloy pa rin ang katok.

Pinihit ko ang doorknob at hinila pabukas ang pinto. "Sino ho ba iyan—"

"Hi, Kitty!"

Natigagal ako sa babaeng nakatayo sa labas ng pintuan. Nakangiti ito nang matamis, blooming at pagkaganda-ganda sa suot na kulay pulang bestida. Ano'ng ginagawa niya rito?! Ano'ng karapatan niyang magpakita pa sa akin matapos ang lahat-lahat?!

"Pumunta ako sa office kaso naka-sick leave ka raw. Are you okay? I hope hindi malala ang sakit mo. I mean, sana okay ka lang at sana hindi ako nakakaistorbo." Pagkabait-bait ng asta na aakalain mo talagang concerned sa akin.

Si Myrr. Ang best friend—I mean, ex-best friend ko. Noon ay napaniwala niya akong concerned talaga siya sa akin. Pero ngayon, bistado ko na siya. Mas concerned talaga siya sa boyfriend ko noon na ngayon ay ex ko na!

"Ano'ng ginagawa mo rito, Myrr?" Hindi ko itinago ang sarkasmo sa boses ko.

Ano ba kasing ginagawa niya rito, ha? Itsine-check niya ba kung buhay pa ako? O gusto niya lang talagang makita ang kamiserablehan ko?

Lumungkot ang mga mata niya na nalalagyan ng false eyelashes. "I didn't come here to fight with you, Kitty. Malinis ang intensyon ko na kumustahin ka. Maniwala ka sana..."

Humalukipkip ako at pinakatitigan siya. Sobrang amo ng kanyang mukha, akala mo gutom na tuta. Masyadong paawa. Masyadong bait-baitan. Sorry na lang siya dahil hindi na iyon uubra sa akin ngayon. Hindi ko siya inalok na pumasok.

"I know may kasalanan ako sa 'yo. I'm not going to deny it. And I am very sorry, Kitty. Puso ko ang nagdesisyon kahit ayaw ng utak ko, at alam nating hindi puwedeng pigilan ang puso. Laging daig ng puso ang utak. Magiging madali naman sana ang lahat, madali na sana sa akin ang umiwas, at lumayo kung walang katugon ang nararamdaman ko from Nero, but the case is meron."

Puwede ba? Paulit-ulit na lang ba? Kung magsalita si Myrr, parang kasalanan ko pa na nahihirapan siya sa katrayduran niya sa akin. As if nahihirapan talaga siya!

"You are my best friend, Kitty. Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala. I can't be happy knowing na may isang tao akong nasasaktan—"

"Okay ako, Myrr," sabat ko. "Hindi ako suicidal, wala akong sakit, at hindi ako miserable. Nag-sick leave lang ako today dahil may importante akong inasikaso."

Lumabi siya. "But you didn't attend my bridal shower..."

At bakit naman ako a-attend?! Gusto ko siyang singhalan pero nagtimpi ako. Ayokong makita niyang nanggigigil ako sa pagmumukha niya.

Nag-pout ulit siya bago pa-cute na nagsalita. "Kitty, nagtatampo ka ba dahil hindi ikaw ang kinuha kong maid of honor?"

Tumikwas ang kaliwang kilay ko.

"I'm sorry kasi si Nero ang pumili ng maid of honor ko. Siya ang nag-decide na ang kapatid niyang si Chelsy ang kunin ko..."

"It's okay, Myrr." Makapal talaga mukha mo na isiping tatanggapin ko ang pagiging maid of honor mo, bruha ka!

Ngumiti siya nang matamis. "So you're not mad anymore?"

"Myrr, iyon lang ba ang sadya mo? You see, I'm okay. Mukha lang akong hindi naligo kasi galing ako sa biyahe, but I'm really okay."

"Okay. I believe you, Kitty my friend." Nagkalkal siya sa bitbit niyang bag. May kinuha siya roong maliit na envelope at inabot sa akin. "Please be with us on our wedding day."

Hindi na ako nagulat na invited ako sa kasal nila. Syempre, hindi sapat kung hindi niya maipapamukha sa akin nang sukdulan na nasa kanya na si Nero. Na siya ang nanalo sa forever, na siya ang mas maganda, mas karapat-dapat, at lahat-lahat na!

Inabot ko na rin ang envelope kahit wala akong balak pumunta. Nunca na makita niya sa simbahan o reception kahit ang anino ko. Asa pa siya!

"Thank you so much, Kitty—" Natigilan siya nang may mapansin sa likuran ko.

Napalingon din ako sa dahilan kung bakit nanlalaki ang mga mata ni Myrr. Shit! Oo nga pala! Nandito si Dakila!

At ganoon na lang ang gilalas ko nang makitang naka-topless na naman ang bruho! At doon lang naman sa abs niya ngayon nakatulala ang lintek na Myrr na ito!

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay Jamille Fumah, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni Jamille Fumah
@JFstories
Brokenhearted Kitty Delgado is saved from drowning by Dakila, a man f...
Bumili ng bagong parte ng kuwento. Ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.
Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @JFstories.
The Unknown ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon