"Inside!" Dinig kung sigaw ng lalaki sa opposite court."Yes! Good job drew!" Sabay pagpag nila sa pwetan ko.
Dalawang puntos nalang at mananalo na kami. Kasalukuyan kaming nag pr-practice game ng affiliated school, saturday ngayon, kaya lang wala pa rin halos pahinga kasi bakbak sa training. Isang buwan nalang at maglalaro na kami para sa University sea games kaya halos araw-araw kaming bogbog ang katawan.
Pag kuha ko nang bola, pinaikot-ikot ko ito sa mga palad ko. Pinakiramdaman ko muna ang gaan nito, saka inangat malapit sa labi ko at hinihipan. As soon as I heard the whistles, inihagis ko ang bola sa ere bago sinundan ito ng talon at hampas.
"Another powerful serve from our MVP!" sigaw ng mga dakilang anouncer sa gilid ng bench.
"Isa nalang drew!" pag iiganyo ng mga kasamahan ko, bakas sa mukha nilang ang pagod pero umaapaw yung excitement.
Nang matapos ang game halos lahat kami napahiga sa sahig dahil sa pagod, umabot kasi kami ng limang set, halos maubos na 'yong hangin sa katawan ko. Grabeng pagod to!
"Nice game Bien!" Tumayo ako at kumaripas nang takbo papunta sa kabilang dako ng court.
"Grabe! tabla ako sa defense ng team niyo!" Comment ko, halos 'di matibag yung defense nila lalo't sa likuran.
"Dapat lang. I can't leave the team without pursuing them." Panay tango ako sa sinabi niya. Graduating narin kasi itong si Agente next year at iiwanan niya na ang team niya.
"But good thing you're able to secure a spot sa Creamline." Napahawak ako sa kabilang braso niya at tinapik ito.
Nakatitig lang siya doon. Ilang segundo pa bago niya ako tingnan ulit, napatawa siya sakin bago ako hinila at yakapin.
"We still have a year para magkita sa court. I'll be watching you as well. Team captain." Napaawang ang labi ko. She lightly tap my back before removing herself at tumungo sa team niya.
Nakakapagod grabe! Dapit hapon na ako nakalabas ng Court hall. Kaunti lang ang mga tao ngayon sa school dahil nga saturday at iilan lang ang may pasok.
Palabas na ako ng field nang mahagilap ko ang familiar na posture. Nakaupo lang ito sa bench at may hawak na cellphone.
May pasok ba siya? muhkhang wala naman, naka casual lang ang suot niya, may hinihintay siguro or ako talaga 'yong sadya niya?
Hindi niya ako napansin na lumapit at tumayo sa tagiliran niya, busy kaka-cellphone. I clear my throat para makuha ang atensyon niya.
He look surprised pero agad niya naman binawi at tumayo para salubungin ako ng tingin.
" Why are you here?" Kunot noong tanong niya.
"Hindi ba't ako dapat ang tatanong niyan sayo?" Pag babalik ko ng tanong sa kaniya.
He bit his lower lip at umiwas ng tingin sakin. Ay sus! Eh siya pala 'tong willing akong antayin after training.
" Caring boyfriend! Oh ito. Bitbitin mo narin para ganap na ganap!" Sabay abot ko ng druffle bag ko sakanya.
Namumula niyang kinuha iyon at sinampay sa balikat niya. Hindi naman mabigat ang druffle bag ko dahil sapatos, damit, saka tumbler lang ang laman noon.
Buti nalang talaga at naka pag-shower ako sa shower room kanina. Napahinto kami pareho sa gawi ng parking lot.
"May sasakyan ka ba?" nilingon ko siya sa likuran at ngumiti.
YOU ARE READING
Midnight Rain
RomanceDrew and Jael attended the same college. They both enroll in nursing bachelor's degree programs. Together with being varsity team members, they also earned the titles of captain and most valuable player. Each of them is exceptional.However, they me...