Eight

8 2 0
                                    

"LADIES AND GENTLEMEN, TODAY IS THE DAY WE ALL BEEN WAITING FOR! TOGETHER LET'S WITNESS THE OPENING CEREMONY OF THE BIGGEST EVENT THIS YEAR! IN ONE... TWO..... THREE.... IT'S THE OFFICIAL UNIVERSITY SEA GAMES WEEK!"

Naghiyawan naman lahat ng estudyante. Halos mabingi na ang mga tenga ko. After the opening ceremony, pumunta kami sa field dahil mag papataasan na nang flag.

Magkakalaban ang bawat department sa lahat ng laro. Pwera nalang kaming mga athlete. Pwede naman kami sumali. Pero kasi Elimination game rin namin. Kalaban namin ang tiga ibang University.

Pwede naman ang outsiders manuod pero syempre may gate pass paren. Kailangan nila bumili noon, para makapasok.

Habang lahat ay nag eenjoy doon sa field, andito naman kami ng team sa meeting room. Nag hahanda para sa game. Nang biglang may pumasok. Napatingin kami sakanya, at sinalubong siya ng maraming apir.

Tumakbo siya palapit saamin para mag good luck.

"Galingan mo mamaya, captain." Sambit niya. Tinali ko mabuti ang lace ng sapatos ko bago umayos ng tayo. Nakapamewang akong nakaharap sa kaniya.

"Thank you, Agente! gagalingan talaga namin para tayo ang mag harap next season." Natatawang saad ko. Sila kasi ang waiting for championship.

She tapped my head bago nag paalam sa buong team at lumabas. Hindi pa naman nag start ang programa para sa elimination round.

Kaya kinuha ko muna ang cellphone ko at nag message sa group chat naming apat. Namiss ko rin sila, ilang araw na kami hindi nag sasama.

To: everyone

Keocea: it's my game today. You guys are watching?

Raven: Of course we are! Right Louie?

Louie: Syempre si boss nayan eh.

Tasha: Sorry, I can't. Babawi nalang ako promise!

Napangiwi ako sa nabasa ko, nag aalala tuloy ako. Hindi naman siya ganyan, everytime na may laro ako or kahit simpleng tune up game lang ay andiyan sila palagi. Para nga akong may sarili cheerleading squad.

May nangyare kaya? Napansin ko rin nakaraan parang wala siya sasarili niya. Ni hindi niya ako kinukulit. Ang sama ko namang kaibigan! Hindi ko siya ma kumusta.

I called her number. Para ipaalam sa kaniya na okay lang, ako nalang ang babawi sa kaniya. After namin mag usap. Nag sihiyawan na naman ang mga kasama ko sa room. Narinig kung bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa gawi niya.

Kasama niya yung tatlo! Si Agente, Logan, at si Holden. Bitbit ang napakaraming Gatorated! Si coach naman tumakbo sa kinaroroonan nila at nag pasalamat. He excused himself para lumapit sakin.

"Bakit ang dami niyan?" Kunot noong tanong ko sakaniya.

"It's for your team." simpleng tugon niya.

"Ako lang naman panunuorin mo ah? Dapat ako lang ang dinalhan mo niyan!" Pag dadabog ko sakanya. Pinisil niya ang pisnge ko at ngumuso sa tagiliran ko.

Nang tingnan ko iyon, lahat ng team ko ay nasa gilid ko na. Nag sialisan naman silang lahat ng pagtaasan ko nang kilay.

"Ay masama talaga ugali ni captain no?" Rinig ko pang sabi ni tine at nag sitawanan.

"Sinabi mo pa!" sagot naman ni Nelle

"Damot sa gatorade eh!" sabi naman ni lorrie.

"Naririnig ko kayo!" Sigaw ko sakanila. Mas lalo pa silang natawa.

Midnight RainWhere stories live. Discover now