PROLOGUE

7 0 0
                                    

Bitbit ang ilang basket sa kamay ko ay agad akong umuwi sa bahay para makapagluto na ako ng panghapunan. Hindi pa sumunod si nanay sa akin dahil na rin ayaw niya pang isara ang tindahan namin sa palengke. Mga gulay, prutas at kung ano ano pa ang mga paninda namin at doon din kami ni nanay kumukuha ng panggastos namin sa pang araw araw. Mahirap? Oo, dahil si nanay lang mismo ang tumataguyod sa akin ngayon.

Hindi ko kilala ang tatay dahil ayaw ko naman mag tanong ng magtanong kay nanay tungkol sa kanya. Hihintayin ko lang ang tamang panahon kung kelan sasabihin ni nanay ang totoo. Di ko siya pinipilit dahil na rin ayaw ko lang siyang masaktan ulit. May sinabi siya sa akin noon na wag na muna ako magtanong tungkol sa tatay ko dahil nasasaktan lamang daw siya.

Alam kong may dugong foreigner ako, di ko alam kung ano yun dahil na rin siguro sa mga mata ko na kulay abo. Di ko akalain na bibinyayaan ako ng maykapal na ganitong itsura. Sabi-sabi nila maganda daw ako. Hindi sa nagbubuhat ng bangko pero totoo yung sinasabi ng iba. Nasasabi kong totoo dahil ako na mismo nakasaksi sa salamin ng bahay namin.

May abuhing mga mata, mahahabang pilikmata at may makakapal rin na kilay, yung ilong kong maliit ngunit matangos, yung mukha kong maliit, may mapula pulang labi at may dalawang biloy sa magkabilaang pisngi. Hindi ako kasing tangkad ng inakala ng iba. Kaparehas ko lang na height ang nanay ko. 5'5. Mapuputi rin ang kutis ko na kung di lang ako madumi lagi kapag nasa palengke ay mapagkakamalan po talaga akong isang mayamang babae dahil sa pagiging mahinhin at maingat na kilos. Kulay abo rin yung kalahati ng buhok and the rest is black na. Wavy din ito pero paminsan minsan, pinoponytail ko ito dahil sagabal kapag nasa palengke kami ni nanay.

Di kami mayaman ni nanay, sakto lang yung perang panggastos namin sa pang araw araw. Minsan, nag iipon din ako dahil alam kong may iniindang sakit si nanay, ayaw lang sa akin sabihin. Di ko naman siya maranong kung anong sakit niya dahil baka magalit si nanay. Minsan ko na siyang nakitang biglang natutumba pero lagi niyang sinasabi na sa  pagod lang daw iyon sa pagtatrabaho pero alam ko sa sarili kong may iniindang sakit si nanay.

Hindi niya masabi sabi sa akin dahil alam niyang sobra ako kung mag alala sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at agad pumasok sa loob ng bahay. Simple lang yung bahay namin. Di siya kalakihan at di rin kaliitan. Sakto lang sa dalawa o tatlong tao ang bahay. May mini salas kami, may tv, at dalawang sofa. Agad naman ako nagpunta sa kusina at inilagay sa sink yung isda at sa lamesa naman yung iba.

Agad kong nilinisan ang mga isda at pagkatapos ay dumiretso ako sa lamesa para hiwa hiwain yung mga gulay na pangsama sa isda. Yung iba naman ay inilagay ko sa maliit naming ref. At yung iba naman sa cabinet.

Makalipas ang ilang minuto natapos na din ako. Agara naman akong nagsaing at pumuntang salas para manuod ng tv. Nagpipindot lang ako ng kung ano ano doon nang mapalingon ako sa taong pumasok sa bahay. Ngumiti ako kay nanay at agad nagmano sa kanya.

"Naisara niyo po ba ng maayos nay?" Agad kong tanong.

Ngumiti siya at tumango. "Oo anak, tinulungan ako ni pising sa pagsasarado dahil may kabigatan yun,"

"Mabuti naman po nay," kinuha ko sa kanya yung basket at agad inilagay sa kabinet. "Sya nga pala nay, malapit na po yung pasukan, di ko na po kayo matutulungan sa palengke," nalungkot ako.

Paano ba kasi, ako lang kaagapay ni nanay tuwing walang klase o bakasyon eh. Batid ko naman kasing mahirap kapag si nanay lang ang magtitinda doon.

"Okey lang krisha, pagbutihin mo ang pag aaral mo hah, ayoko munang maging sagabal sa pag aaral mo, okey lang sa akin na di mo muna ako matutulungan kapag pasukan na, naintindihan ko yun," nakangiting saad ni nanay.

Napangiti naman ako. "Opo nay, ako pa ba? Ako kaya si krisha asuncion. Ang maganda at mabait mong anak."

Napatawa pa si nanay. "Ikaw talagang bata ka. O sya, ikaw bay nakapagluto na ng hapunan?"

I'm His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon