Simula

38 2 0
                                    

Simula


"Sama ka?" Aya ni Eloi.

Tumingin ako kay mama at papa na parehong nagkakape sa hardin habang nagbabasa naman ako ng libro. May laro kasi si Eloi ng basketball kasama ang mga tropa nito sa court mamayang hapon. Pinsan ko si Eloi at sa amin na siya nakatira simula ng namayapa ang mga magulang nito. Mas matanda ito sa akin ng dalawang taon. Nasa second year highschool na ito samantalang grade six naman ako.

Tumango si papa bilang pagpayag kaya isinara ko ang librong binabasa saka patakbong sumunod kay Eloi sa gate.

"Balik po kami tito, tita bago maghapunan." Paalam nito.

"Mag-ingat kayo. Galingan mo Eloi."

"Lampasuhin mo sila ng moves mo! Sikmurahan mo pag pumalag." Segunda ni Papa at tumawa. Nahampas tuloy ito ni Mama.

"Oo naman, tito. Praktisado ang braso ko."

Pinahawak niya muna sa akin ang dala niyang bola 'saka sinara ang gate. Habang naglalakad kami ay kung ano-anong moves ang ginagawa nito na parang naglalaro na siya ng basketball. Minsan pa nga ay tumatama ang bola sa kayang paa kaya napupunta sa gilid.

"Sigurado ka bang marunong ka pa Eloi." Pagbibiro ko sa kanya.

Sa totoo, magaling itong maglaro. Noong nabubuhay pa si Tiyo Rolan, mahilig silang maglaro nila papa habang nanonood naman ako sa gilid. Ngayon na nga lang ulit ito humawak ng bola.

"Ano ka ba, Rory! Mamaya pakikitaan kita ng NBA moves."

"Baka madisappoint ang mga babaeng fans mo pag nagkalat ka sa court." Pang-aasar ko.

Gwapo itong si Eloi. Matangkad, tama lang ang matipunong katawan nito. Yun nga lang ang red flag niya ay ang pagiging babaero nito.

"Ikaw na bata ka. 'pag ako naka-three points mamaya ililibre mo ko ng ice cream."

"Sige, pag ikaw hindi naka-three points mamaya ikaw ang manlilibre ng ice cream." Pagpayag ko sa kundisyon niya.

Parehas kaming natawa ng biglang may umakbay sa akin.

"Pano naman pag ako naka-three points?"

Bumungad sakin ang gwapong-gwapo at walang kapintasang mukha ni Luca. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi dahil ang lapit niya sa akin. Medyo nakayuko pa siya ng kaunti para pumantay kami dahil may katangkaran ito. Mas matangkad siya kay Eloi. He also has a very good and athletic build kaya ramdam ko sa likod ang matipuno niyang dibdib mula sa pagkakaakbay niya sakin. Mas matandan rin siya sakin, magkaedad-an sila ni Eloi at parehas na nasa second year high school.

Hindi maalis ang tingin ko sa kulay abo nitong mga mata na nakuha niya sa porenger niyang ama. Ito ang pinakapoborito kong feature ng kanyang mukha. They were very deep and expressive. His perfect nose and reddish lips na binagayan ng tamang hugis ng panga. May pagkamoreno ang kulay nito na naman niya sa ina. Bagay rin dito ang undercut hair na medyo humahaba na.

Masasabi mong may peyborit si Lord, at ito ay si Simmeon Luca de Yniquez. Ito yung gwapong niluluhuran sabi nung vice-president ng school namin.

Kahit si Eloi ang kamag-anak ko pero kung pagwapuhan ang labanan hindi ko ikakailang mas lamang si Luca. Parehas naman silang may itsura pero itong si Luca ay lalaking-lalaki ang dating kaya hindi ko masisisi bakit lapitin siya ng mga babae at kahit binabae.

"A-ano bang g-gusto mo?" Nahihiya kong tanong.

"Hmm." Nagningkit ang mata nito na parang nag-iisip. "Pwede kiss?" Sabay ngisi nito.

Hindi pa ako nagsasalita ng biglang may tumamang bola sa ulo ni Luca na binato ni Eloi.

"Hoy, Luca! Tigilan mo yang si Rory. Hindi pa nga nagkakaregla yan eh, saka may girlfriend ka, diba?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This is Where it StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon