chapter 5

3.9K 50 0
                                    

“Thank you sa paghatid sa akin, kuya cris.” pagsabi ni Shayne agad rin siyang bumaba sa kotse ng stepbrother niya. Nakasunod naman ang paningin ni Crisostomo sa kaniya hanggang sa pagpasok niya sa hallway ng paaralan.

Pinaandar ni Crisostomo ang kotse, papatakbuhin na sana niya ito nang mahagilap ng kaniyang mga mata si Shayne na nakapulupot sa braso ng isang lalaki. Nakatayo ang mga ito sa hallway ng paaralan habang may kausap. Akmang lalabas siya ng sasakyan, kinuyom niya ang kaniyang kamao para pigilan na hindi lapitan ang dalaga.

“No! Don't!” Crisostomo murmured. Sinira niya ang pintuan ng kotse at pinatakbo niya ito. Pero hindi para umalis kung hindi para i-park ito sa parking area ng school. Marahas siyang sumandal sa backrest habang madilim na nakatingin sa direksyon ni Shayne.

Tumunog ang cellphone ni Crisostomo. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon niya at binasa ang message na natanggap.

Unknown number:

‘Si Shayne Ramirez ang magiging kabayaran sa lahat ng mga kasalanan mo sa akin, Galvez.’

Daling lumabas si Crisostomo ng sasakyan at may malalaking hakbang na lunapit kay Shayne. Dinampot niya ang pulsonan nito at walang sabi-sabing hinila papasok ng kotse.

“Kuya cris, anong nangyayari?” tanong ni Shayne, nagtataka. “Baka ma-late na ako.”

Isinuot ni Crisostomo ang seatbelt ng dalaga na parang hindi niya narinig ang sinabi nito. Pinaandar niya ang sasakyan at umalis doon.

“Kuya cris, ano ba!? What are you doing? Can you explain it to me!” Shayne was mad. “Hindi mo ito dapat ginagawa! Ano bang nangyayari?!”

“I‘m jealous!” Crisostomo shouted. Totoo rin naman pero ang una talaga na dahilan niya ay ang threat na natanggap. “I'm jealous! So, stop asking now!”

Shayne shocked. Napaupo siya ng matuwid. She was happy of what she heard from her stepbrother. Natamimi siya sa sinabi nito. She can't utter words.

Ibinaling ni Shayne ang paningin ni Shayne sa labas ng kotse. Kumunot ang noo niya nang mapansin na ibang rota ang dinaan niya. Hindi ito pauwi sa kanilang bahay. Bumalik ang paningin niya kay Crisostomo. Magsasalita sana siya, naunahan lamang siya nito.

“We‘re going somewhere,” Crisostomo said. 

“I didn't asked,” pilosopong sabi ni Shayne.

“But I know you want to ask,” he seriously said. He was too focused on the road.

Humagikhik si Shayne. Naabalik naman ang atensyon ni Crisostomo dito. “Bakit ka tumatawa?” nagpasalin-salin ang paningin niya sa kalye at sa dalaga.

“Ang cute mong magselos, kuya. Nahuhulan ang laman ng isip ko,” humahagikhik parin siya.

Hindi na lamang pinansin ni Crisostomo ang dalaga. Iniisip niya ang tungkol sa mensahe na natanggap. Sa dami-daming naagrabiyado nila sa dating negosyo, hindi niya alam kung sino sa mga ito ang gustong maghiganti. At kailan pa na nagbagong buhay siya, ngayon pa ito maghihiganti.

Pinark ni Crisostomo ang sasaktan sa parking lot. Bago pa sila makarating sa resort na pupuntahan, kailan nilang sumakay ng speed boat. Pagmamay-ari ito ng dating amo slash kaibigan niya. Ito ang pinakaligtas na lugar para sa kaniya. Napapaligiran ito ng mga tauhan ni Dr. Gainne Barquin.

Pinagbuksan niya ng pintuan ang nasa front seat. Sumakay sila ng speed boat papunta sa isla kung nasaan ang resort. Nang makarating sila dito nagkasalubong ang kilay ni Shayne. Nagtataka siya kung bakit sila naruruon. Nakapunta na siya sa resort na ito. She was there when she was working as a babysitter. “Anong ginagawa natin dito, kuya cris?” nagtatakang tanong niya.

OBSESSED THY INNOCENCE(Thy Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon