‘Good day, everyone. We have landed safely in Maynila. Please remain seated with your seat belts fastened until the aircraft comes to a complete stop. The local time here is 4:30 PM. Thank you for flying with us.’ anunsyo ng piloto.
"Handa kana bang humarap sa kanila, baby?"
Hindi makasagot ni Shayne sa tanong na iyon ni Crisostomo. Nasa private plane pa lamang sila pero ang kaba niya parang kaharap na niya ang kanilang mga magulang. Hindi rin niya alam kung paano magpaliwanag sa mga ito, lalo na sa mommy niya.
Isinandal ni Crisostomo ang ulo ni Shayne sa balikat niya habang tig-iisa silang karga ang kanilang mga anak. Ramdam niya ang kabang nararamdaman sa kaloob-looban ng asawa.
"What if hindi nila tayo matatanggap?" biglang tanong ni Shayne.
"Huwag kang mag-alala, nandito ako. Hindi kita iiwan," pabulong na sabi ni Crisostomo.
Nag-landing sa Heavenly International airport ang plane na sinasakyan nila. Magkahawak kamay sila na bumaba habang mayroong apat na nakasunod sa kanila. Dala ng dalawa ang kanilang mga bagahe at ang dalawa naman ay buhat-buhat ang fences kung saan nakasilid sina Feng at Fang.
Dumeretso sila sa mansion ni Crisostomo. Nakahanda na ang lahat. Nursery room ng kambal at k'warto para kina Feng at Fang. May naiwan naman kasing ditong mga katulong na pinagkakatiwalaan ni Crisostomo.
Bagong dating pa lang sila sa mansyon ni Crisostomo, tiningnan ni Shayne ang kabuohan ng bahay. Walang nagbago. Ngumiti si Crisostomo habang lumalapit ito sa kanya.
"Are you okay?" tanong nito. “Parang hindi iba yata ang pakiramdaman mo.”
“Ayos lang ako, daddy,” sagot ni Shayne. “Naalala ko lang ang nakaraan. Dito nagsimula ang lahat.”
Crisostomo felt guilty again about the past. "Baby, I'm very sorry."
"No, daddy. Wala kang ihingi ng sorry." She smiled. “Tara, pasok tayo sa kwarto ng kambal,” yaya niya. Si Crisostomo ang may alam kung saan banda ito naruruon. Nangangalay na ang balikat niya dahil sa nakasakbit na baby carrier kung nasaan ang anak.
Nang makapasok na sila sa nursery room ng kambal, nilagay ni Shayne ang anak sa cib. Ganoon din si Calton na karga ni Crisostomo. May tig-iisang cib ang mga anak nila.
Bumuntonghininga si Crisostomo saka yakap kay Shayne. "Are you ready for tomorrow?"
"Oo. Kinakabahan lang ako," sagot naman nito.
"Kasama mo ako," pabulong na sabi ni Crisostomo. "Ako ang sasalo sa lahat ng galit nila." Humalik siya sa noo ni Shayne. Kahit siya rin ay kinakabahan sa puwedeng mangyari sa pagharap nila sa kanilang mga magulang. “Mapapatawad rin nila tayo sa nagawa natin.”
May kumatok sa pintuan. Bumitiw si Crisostomo sa pagyakap kay Shayne at tinungo ang pintuan. Binuksan niya ito at isang katulong ang nakita niya sa labas.
“Kakain na po, Sir,” anunsyo ng katulong.
“Sige, manang,” sagot ni Crisostomo. Sinabihan niya nito sa tawag na maghanda sa pagdating nila bago ang kanilang flight. Tumango lamang siya saka ito umalis sa harapan niya. Isinira niya ulit ang pintuan saka bumalik kay Shayne.
"Sino yun? Anong sabi?" sunod-sunod na tanong ni Shayne.
"Katulong yun. At ang sabi, akain na daw tayo," sagot ni Crisostomo.
Pagkatapos kumain, nagpahinga sila. Kailangan nila iyon para sa pagharap nila sa kanilang mga magulang. Kinabukasan, matapos mag-almusal, hawak ni Crisostomo ang kamay ni Shayne habang nasa loob sila ng kotse at nagmamaniho. Sa likod ng upuan, karga-karga ng dalawang yaya ang kanilang anak.
BINABASA MO ANG
OBSESSED THY INNOCENCE(Thy Series 2)
Roman d'amourWarning: matured content |R18 Written in taglish ©️Mischievous12ose 2024 Letting the obsession to his stepsister, Crisostomo Galvez ordered his men to kidnap Shayne Ramirez. Under the influence of ill*gal drugs, he did something that...