“Mom, ano bang ginagawa natin dito?”
It was six in the evening, nasa deck sila ng isang yatch. Mag-tatatlong araw na sila sa Barquin‘s beach resort. Pagkapos ng birthday celebration sa kaarawan ni Benjamin sa bahay, nagyaya si Sherlyn na mag-outing. Pumayag naman si Shayne para makapag-bonding ang buong pamilya. Kahit na hindi pa siya p‘wede na makatampisaw sa tubig alat dahil sa mga sugat niya.
Tumingin si Shayne sa pagilid ng deck, walang tao maliban sa kanila ng mommy niya na inalalayan siya para makapunta dito sa kasalukuyang kinaruruonan niya. Nagtataka tuloy siya. Biglang may dumampi sa balikat niya mula sa likuran. Egsakto ang pagpihit niya ang pagluhod ni Crisostomo habang may nilalahad sa harapan niyang singsing. Kulay pula ang bato nito. Napatakip si Shayne ng bibig sa pagkabigla.
“Shayne Ramirez will you be my wife? Promise, I'll be a good husband to you.” Sabi ni Crisostomo na nanginginig ang kamay at tuhod. Nenenerbyos na siya bago pa siya lumuhod sa harapan ng minamahal. Naranasan na niya ang iba‘t ibang illegal na gawain sa nakaraan pero hindi pa siya kinabahan katulad ng kaba niya ngayon.
“Daddy...” pabulong na bigkas ni Shayne. Sunod-sunod ang mga luha na dumaloy sa kaniyang mga pisngi dahil sa kasiyahan.
“Say yes, baby!” sigaw ni Sheryln na masaya para sa anak. Lumingon ito sa kaniya. Tumango siya. “Go ahead, marry your love of your life.” sabi niya sabay hawak sa bisig ni Benjamin na kakarating lamang sa eksena. Pinatulog pa daw nito ang mga apo.
Tumango lang si Shayne sa ina saka muling ibinalik ang pansin kay Crisostomo. Humihingos-hingos siya para patigilin ang pagluha.
“Baby, w-will you marry me?” tanong ulit ni Crisostomo.
“Yes, Crisostomo Galvez, my kuya cris, daddy ko, kahit ano pa itatawag ko sa ‘yo, papakasalan kita!” masiglang sagot ni Shayne.
Naluluha na rin si Crisostomo. Tumayo siya mula sa pagkaluhod saka isinuot kay Shayne ang singsing. Niyakap niya ito saka humalik sa labi. Mabilis lamang ito. Humarap sila sa kanilang mga magulang.
“Umaasa kami na patuloy n‘yong mamahalin ang isa‘t isa.” ani Benjamin.
“At first, ayaw ko talaga ikaw ijo ang magkatuluyan ng anak ko dahil baka anong sasabihin ng ibang tao. Dahil nga stepsister mo siya... pero binago mo ang pag-iisip ko dahil sa pagmamahal mo sa kaniya. Sana nga habangbuhay na ‘yan.” Umiiyak si Sherlyn habang sinasabi ang mga katagang ito. “Alagaan mo siya, huwag mo ulit papaiyakin.”
“Pangako tita, aalagaan ko si Shayne at hinding-hindi ko papaiyakin,” sagot ni Crisostomo.
“Call me mommy. Hindi mo na ako stepmother ngayon, byenan mo na ako.” Ngumisi si Sherlyn.
Crisostomo cleared his throat. “T-thank you, m-mommy for accepting me to be Shayne's future husband.” medyo naiilang niyang sabi.
Ngumiti si Sherlyn at hinila ang asawa niyang si Benjamin paalis doon para bigyan ng private space ang bagong engaged. Humarap sina Shayne at Crisostomo sa isa‘t isa. Nagtama ang kanilang mga paningin.
“Dapat ko na bang asikasuhin ang kasal?” tanong ni Shayne.
“Don‘t worry about the wedding, I'll handle everything,” sagot ni Crisostomo. “Ang gagawin mo lang ay maghintay para sa araw ng kasal natin.”
Ngumiti si Shayne. “Napakaswerte ko talaga sa‘yo. Buti nalang hindi nagkamali ng mga tauhan mo sa pagkindap. Paano nalang kaya kung ibang babae ang nakidnap nila...”
Without warning, Crisostomo kissed her on the lips. Humawak siya sa baba nito habang marahan itong itinataas. Banayad ang bawat mga galaw nila. Parang iniingatan nila ang bawat mga labi. Sabay silang kumuwala sa halikan na iyon at pinagdikit ang kanilang mga noo habang nakapikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
OBSESSED THY INNOCENCE(Thy Series 2)
RomansaWarning: matured content |R18 Written in taglish ©️Mischievous12ose 2024 Letting the obsession to his stepsister, Crisostomo Galvez ordered his men to kidnap Shayne Ramirez. Under the influence of ill*gal drugs, he did something that...