Chapter 2 [They Met]

216 11 4
                                        

Naramdaman kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko pero ayaw pa ring bumangon ng katawan ko. Kinakapa ko ang alarm clock sa bedside table ko para patayin.

"Ya, five minutes na lang..." sabi ko

Alam ko naman kasing si Yaya Doris ang kumakatok. Siya ang yaya ko mula pa pagkabata. Tinuturing ko na rin siyang parang ina.

"Jade, pagbangon na...male-late ka na naman karon."(Jade, bumangon kana...male-late ka na mamaya.) si Yaya Doris nga. Taga-Visayas kasi siya kaya may halong bisaya ang pananalita niya. Halos labindalawang taon na siya dito sa aming nagtatrabaho pero hindi niya pa ring nakakayang magsalitang hindi linalagyan ng bisaya ang mga sinasabi niya. Nang dahil din sa kanya, natuto na rin ako ng language nila.

"Ya, dali na lang gid...natuyo pa ko bi.."(Sandali na lang, inaantok pa ako eh.) Sounds funny right? Lagi nga akong tinatawanan ni Yaya Doris pag nag-bibisaya ako eh, iba daw kasi ang tono.

Kinuha ko ang isang unan at doon isinubsob ang ulo ko. Maya-maya pa eh naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. The next thing I know, may humahampas na sa akin ng unan.

"Ya, tama na. Babangon na po ako." sabi ko atsaka bumangon. Tinatawanan na pala ako ni Yaya.

"Ya, what's so funny?"

"Ang kyut talaga ng alaga ko kung bag-ong bugtaw." (Ang kyut talaga ng alaga ko kung bagong gising.) sabi niya habang tumatawa. Nagpout ako.

"Bakit ba Ya? Hindi ba ako cute kung hindi na bagong gising?"

"Kyut ka pa rin naman, O siya...pagpaligo na ha?"(Kyut ka pa rin naman, O siya...maligo ka na ha?) pagkasabi niya nun eh lumabas na siya sa kwarto ko. Naligo na rin ako at nag-ayos ng sarili ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. Nagulat pa nga ako ng nandun sina mommy at daddy, bihira ko lang kasi silang nakakasabay sa pagkain eh. Palagi silang busy sa business.

"Good Morning mom, dad." bati ko sa kanila

"Good Morning Jade." sabi ni daddy

"Magandang umaga rin anak." sabi naman ni mommy

Umupo na ako at nagsimulang kumain. Naramdaman kong tinitignan lang ako ni daddy na para bang gusto niyang malaman kung ano ang iniisip ko.

"Dad, is there any problem?"

"Jade, about tonight...please act like a La----"

"Act like a Larazabal, right Dad? I said don't worry I won't dissapoint you. That's a promise." pagputol ko sa sasabihin ni Daddy. Kabisadong-kabisado ko ang linyang yan eh. Everytime may gatherings and business meetings siya eh sinasama niya ako at ganun lagi ang sinasabi niya.

Who's My Fiance? ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon