Chapter 5 [Ina's Missing part 2]

178 10 3
                                        

Author's Note: To begin this chapter, sisimulan ko sa aking author's note, hihihi...pagbigyan niyo na kasi ako. So, this chapter is parang teaser na rin ng story nina Seth Ian at Ina, okay? Pero sisimulan ko siya pag natapos ko na to which is matagal pa dahil tamad ako, di joke lang! So, ayan na...Enjoy Reading Friends! By the way, this is dedicated to TheOtherSideofHer, salamat sa pag-critic neto...nakatulong talaga siya sakin.

Chapter 5 [Ina's Missing part 2]

[Author's POV]

Naunang pumasok sa kotse niya si Troy. Siyempre naman diba? Kotse niya yun eh. Alangan naman mas mauna pa si Leiana o si Alex. Si Alex naman nag-aalangan pa kung saan uupo, sa tabi ni Troy na nasa driver's seat o sa tabi ni Leiana? Gulo din kasi ni Alex eh, pero gwapo din naman eh kaya okay lang. Ano ba naman kasi yang si Leiana diba? Nandidiri daw kay Alex? Akin na lang kaya siya no?

Sa huli eh sa tabi na siya ni Troy umupo dahil kahit kunti eh naapakan ang pride niya sa sinabi ni Leiana, nakakadiri daw siya eh, remember? So kailangan ko pa talaga ulit-ulitin? Habang nasa biyahe sila ay tahimik lang silang tatlo. Si Leiana eh di naman mapakali dahil sa dalawang rason, may kasama siyang dalawang lalaki na hindi naman niya ka-close...pero tanong lang ha? May ka-close ba naman siyang lalaki? At ang isa pang rason...kinakabahan siya dahil nga nawawala ang pinakamamahal niyang bestfriend. Patuloy pa rin ang pag-drive si Troy kahit di naman talaga nila alam kung saan sila pupunta. Mga bopols din sila no?

[Leiana's POV]

Kanina pa kami naglilibot sa mga lugar na dinadaanan ni Ina papuntang school. Sa malas ba naman ng kamalas-malasan...no sign of Ina pa rin. Paano ba namin siya mahahanap? Naku naman! 

Diretso pa din ang tingin ko sa daan sa pagbabakasakaling makakita ng palatandaan kung nasaan si Ina. Tama! Yung kotse niya! Si Ina na po kasi ang nagda0drive ng kotse niya unlike me namay driver, 16 pa lang kasi ako...si Ina naman 17 na. 

"Wala ka bang alam na secluded na mga lugar dito na pwedeng pagdalhan kay Ina if ever na kinidnap nga talaga siya?" tanong sakin ni Alex

Tss...nakakadiri ka Alex! Nakakadiri ang mga tingin mo! Aish! "Meron." sagot ko. "Troy punta nga tayo sa lumang bodega sa likod ng park." baling ko kay Troy.

Napansin kong parang naiinis na sakin si Alex dahil sa pang i-ignore ko sa kanya. Tss...kung hindi lang dahil sa bestfriend ko eh hindi ko nga siya kakausapin o lalapitan man lang. Asa naman siya! 

Sinunod naman ni Troy ang sinabi ko tsaka nagdrive na siya patungo sa lumang bodega. Yun lang ang naman ang lugar na creepy para sakin eh.

Pagdating namin sa harap ng lumang bodega eh nauna nang lumabas si Alex at si Troy. Tinignan nila ako na parang nagtatanong ng "lalabas ka ba o hindi?". Eh kasi naman, nagsitayuan ang mga balahibo ko. Huhuhu...natatakot ako. Nag-aalangan pa rin ako kung lalabas ako o hindi pero sa huli eh lumabas na din ako. Bago pumasok sa bodega eh   tinawagan muna ni Alex si Seth Ian na sumunod samin para hanapin si Ina. 

Arggh! Mababaliw na ako! Sa sobrang takot at kaba, Ina sana naman makita ka na namin...

Who's My Fiance? ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon