Chapter 1

30 5 0
                                    

Nakatulala ako sa dirty kitchen habang iniisip ko kung ano na ang nagiging resulta ng job interview na ina-aapplyan ko noong isang araw. Bago lang ako nakapagtapos ng college mula sa kursong Fashion Designer kaya napagdesisyonan kong mag apply ng trabaho sa isang Designer upang kahit paano ay may maiipon akong pera para sa chicharon small business ni nanay.

"Xiali! Xiali! Anak! Tingnan mo 'to!"

Ito ang companya kung saan sila na mismo ang mag dedesenyo sa susuotin ng mga famous na modelo. At ako ay hindi sigurado na matatanggap ako bilang designer dahil ilan sa mga staff doon ay professional na at may experience na sa paggawa ng mga kasuotan.

"Xia! May nagpapadala ng sulat mula sa mailbox natin d'yan sa labas!" Hiyaw ni nanay ulit mula sa labas ng bahay.

Kaagad akong natigilan, "Sigurado ka po ba d'yan, Nay? Baka mula 'yan sa kapitbahay natin ahh...alam mo naman na sobrang sungit ni Aling Belen kapag may taong kumuha ng sulat." Sabi ko kay Nanay nang naglakad siya palapit sa'kin dala-dala ang puting envelope sa kamay nito.

"Ano ka ba! Syempre sa'yo nga 'to! May pangalan pa nga sa'yo na nakasulat sa gilid ng envelope" Muli n'yang sabi habang pinapakita kung saan ang pangalan ko ang nakalagay.

Xiali Gayle Agoura-Fashion Designer.

Nag alangan pa akong buksan ang binigay n'yang envelope sa'kin. Natatakot talaga akong malaman ang katotohanan kung ako ba ay tanggap bilang employee nila kahit kaka apply ko lang. Kung ako ay kinakabahan, si Nanay naman ay malaki ang pinakawalan n'yang ngiti na para bang may tiwala siya sa akin sa ngayon.

I scratched my head, "N-Nay! Naalala mo ba nung nagpaalam ako noong isang araw na may pupuntahan ako?" Tanong ko agad para mawala ang kaba ko habang bubuksan ko ang envelope.

"Oo....naalala ko pa. Iyon ba ang araw na mag apply ka ng trabaho sa malaking agency, di'ba?" Sagot naman ni Nanay kaya napatango ako. "Kumusta? Naging mabuti lang ba ang interview mo?" Dugtong pa niya sa'kin.

Pilit akong nakangiti sa kanya, "'Yon na nga problema ko...nakakatakot akog buksan ang ipinadala nilang sulat sa'kin kasi baka hindi na naman ulit ako matatanggap. Sayang 'yung mga damit na ginawa ko para lang dun." Malumnay na pahayag ko at nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Sabi nga ng iba na 'Face your fears' kaya dapat na haharapin mo ang kahinaan mo...tyaka paano mo malalaman ang totoo kong hindi mo ito bubuksan? Magtiwala ka lang sa sarili mo...okay lang sa'kin kahit na makailang-ulit ka pang hindi matatanggap at palagi mong iisipin na...palagi akong naka suporta sa'yo." Pagkatapos n'ya itong pagpakalma sa'kin ay mabilis ko siyang niyakap.

"Tita Wei is right! Kaya mo 'yan, ikaw pa." Biglang sulpot ni Kuya Yen sa likuran namin ni Nanay.

Mapang-asar ko siyang nilingon, " Hay nako po! Halata sa itsura mo Kuya na may nagugustuhan ka ng tao e! Siya ba 'yung nasa kwarto mo?" I immediately respond to him and laugh again.

Kitang-kita ko sa itsura niya na namumula siya at nakaramdam ng hiya habang sinasabi ko iyon sa kanya. Hindi napansin na tuluyan ko na palang nabuksan ang puting envelope na hindi natatakot o kinakabahan nang mabasa ko ang loob nito. Gulat akong napalingon nila Nanay at Kuya Yen saka mabagal na pinakita sa kanila ang letter kong saan na magbabago ang buhay ko.

Assistant of SupermodelWhere stories live. Discover now