Chapter 7

22 3 0
                                    

Maaga akong nagising upang tapusin ang mga ni-drawing kong designs para sa ibang event. Alas tres na ng madaling araw kaya sobrang tahimik ang paligid ng bahay, sinadya ko talaga na gumising ng ganitong oras kasi mas gumagana ang ideas ko tuwing ganitong oras. I tried to staying awake so that I can finally done sketching.

"Xiali. Gising ka na pala, anak." Sabi ni Inay ng makapasok siya sa loob ng kwarto ko.

Napakamot ako sa ulo, "Oo nay. Gusto ko lang tapusin 'yong pinagawa n'yong dress designs mula sa anak ng kumare mo. Masyado kasing busy sa trabaho kaya ngayon lang ako may oras na gawin ito." Tugon ko kay Inay upang umupo ito sa tabi ko saka pinagmasdan ang gawa ko.

"Ito na ba 'yung sketch mo para kay Anika? Ang ganda naman ng dress niya anak. Nakakasigurado ako na magugustuhan niya kapag nakita ito"  Her eyes sparked, as she looking at the drawings.

Tumango ako, "Iyan po ang ideas ko para sa kanyang debut party. Sabi kasi sa'kin ni Anika, hindi raw siya mahilig sa gowns dahil masyadong mahal ang renta sa divisoria. At gusto lang niya yung simpleng damit kaya naisipan ko na ganito nalang ang designs" Paliwanag ko kay Inay habang ibinigay ko sa kanya ang aking sketch pad.

She genuinely smiled at me, "Ang galing-galing talaga nitong bunso ko. Kaya ka mahal ni Nanay e. O'siya tapusin mo muna 'yan ah? Ipagtitimpla kita ng paborito mong inumin" Aniya upang mapatango si Xiali sa sinabi ng kanyang Ina.

"Umuwi po ba si Kuya Yen kagabi nay?" Pahabol na tanong ni Xiali kaya agad na napahinto ang Inay saka lumingon sa kanya ngayon.

"Nasa kwarto siya, Xiali. Kaso nga lang...may kasama siyang lasing na babae. Ito ang unang pagkakataon na nagdala ang kuya mo ng babae sa bahay natin" Hindi makapaniwala na sagot ng Inay na dahilan upang nagulat si Xiali sa narinig.

"Maganda po ba siya, Nay? Maputi? Tapos yayamanin ang suot ng babaeng kasama ni Kuya Yen?" Sunod-sunod na tanong ulit ni Xiali at mabilis namang tumango si Inay sa sinabi ko.

In my opinion, it's Ate Seiya.

Hindi na ako magdalawang isip na lumabas sa kwarto para tingnan kung totoo ba ang hinala ko na si Ate Seiya ang kasama ni Kuya Yen. Pagsara ko ng pinto ay sakto ring lumabas si Kuya sa kanyang kwarto at saka gulat niya akong tiningnan. Mabagal akong naglakad palapit sa kanya pagkatapos ay sumilip muna ako sa kwarto bago siya tiningnan ulit.

"Si Ate Seiya 'yung natutulog di'ba?" I smirked.

Marahan na tumango si Kuya, "Tyaka mo na ako aasarin kung wala na itong babaeng 'to sa pamamahay natin, Xiali. Pinilit ako ni Seiya kagabi na dito muna siya sa atin matutulog dahil ayaw niyang makita si Mikael." Seryosong paliwanag ni Kuya Yen kaya tumango ako agad.

"Oh... kung gusto niyang magpalit ng damit, maghanap ka lang sa cabinet ko kuya. Masyado ka siyang fashionable na tao kagaya ni Harvey kaya piliin mo 'yung mas maganda." suhesyon ko kay Kuya Yen nang makita ko siyang problemado kung paano niya maalagaan si Ate Seiya.

He chuckled, "Alright. I will tell her immediately but for now I want to buy some food. Do you think she likes simple foods like chicharon?" Curious na tanong pa niya kaya napaisip ako saglit.

"Syempre naman! Lalo na't luto ni Nanay na chicharon! Panigurado ako na magugustuhan ni Ate Seiya 'yan Kuya." ngiting sagot ko naman upang mapangiti din si Kuya at tumingin sa orasan.

Napalingon din ako kung saan nakatingin si Kuya Yen. Gano'n nalang ang gulat ko ang makita oras, 5 am na pala ng umaga. At ang call time namin ay 7 am—dapat ay nasa agency na kami niyan. Mabilis na akong nagpaalam kay kuya saka diretso pumasok sa bathroom upang maligo.

Assistant of SupermodelWhere stories live. Discover now