Chapter 4

11 3 0
                                    

Today is very stressful.

Pansamantala akong nagpapahinga sa table ko kung saan nakalantag ang iba't ibang kagamitan sa designs. Kakatapos ko lang rin ginawa ang mga new sketches at napagsimulan ko na ring binuo ang fashion clothes. Napahawak ako sa aking noo nang bigla itong sumakit, ilang oras rin akong nagtrabaho sa agency kaya hindi ko maiiwasan na mapagod.

"Xiali? May ginagawa ka pa rin ba o nagpapahinga ka na?" Mahinang tanong ni Zafirah kaya pinaling ang ulo ko sa kanyang direksyon.

I smiled softly, "Wala na akong ginagawa. Sumasakit na 'yung ulo dahil dito, kanina pa 'tong nangangalay ang kamay ko" Sagot ni Xiali kaya natawa si Zafirah habang nagpapahinga rin.

Madali naman siyang tumayo at hinawakan ang leeg ko upang suriin, "Magpahinga ka lang muna dito, Xiali. Huwag mo munang isipin ang trabaho baka mas lalong sasakit ang ulo mo" aniya.

Tumango ako, "Okay. Ipapahinga ko lang siguro 'yung utak ko...lalo na 'tong kamay ko. Paki-inform nalang ni Ms. Valentina ah?" Balik na sabi ko kay Zafirah. Tumango naman ito kaagad.

"No worries. It's on me, Xiali"  She replied.

I smiled her again while resting my head in a mini  pillow. Sobrang busy talaga sa loob ng room namin, may ilan ay naririnig kong nag tatahi, nag-uusap tungkol sa designs at nag dra-drawing.

Napapikit ako sa aking mga mata nang muli itong sumakit. I slowly stood up and thought of going to the clinic first to ask for medicine. Nasa kabilang kwarto lang kasi ito kaya hindi na ako lalabas ng agency para lang bumili ng gamot sa labas. Everyone is still busy on their stuffs so they didn't notice my presence.

"Ngayon lang ba sumakit ang ulo mo?" Tanong ni Mr.Gonzalez na isa sa clinic nurse dito sa agency.

Napaisip ako saglit, "Sumakit rin ang ulo ko kagabi dahil sa maraming gawain sa trabaho. Pero naagapan ko naman siya" Sagot ko naman kaya napatango-tango ito sa'kin.

He gave me the medicine, "Make sure that you will take a medicine so you don't have a headache. Additionally,don't forget to rest, staying up all the time is bad for the body" Paliwanag niya pa ulit sa'kin at saka tinanggap ang ibinigay niyang medicine.

Nagpapasalamat na ako sa nurse bago lumabas sa clinic room. Napatingin naman ako sa dala kong gamot, hindi ko akalain na sasakit ang ulo ko ngayong araw. Okay lang naman ako kaninang umaga, nagawa ko pa ngang mag exercise sa loob ng kwarto ko. Nang dahil sa lalim na iniisip ay hindi ko naramdaman na narating ko na pala ang kitchen kung saan pwede kang magluto, kumain at saka mag kape.

Mabilis akong lumapit sa isang babae, "Uh...para sa atin ba 'to? Gusto ko sana uminom ng mainit na kape kung okay lang. Sinisigurado ko lang ate baka kasi papagalitan ako ni Ms. Valentina kapag nalaman niyang  gumamit ako dito" Mahina kong sabi sa kanya upang mapatingin siya sa'kin.

"Ano ka ba! Syempre pwede 'yan! Nagpapasalamat nga kami sa isang modelo na gumawa nitong kitchen natin. Wala pang ganito dati e, lumabas pa nga kami sa agency" Sagot agad ng babae na ikinagulat ko. Isang modelo ang nag request nito? At sino naman? Matagal na ba siya dito sa agency?

"May idea ba kayo kung sinong modelo ang nag request nitong kitchen stuff natin?" I asked again.

Umiling siya, "Wala eh. Kahit na si Ms. Valentina ay hindi niya alam kung sinong modelo ang nag request nito. Nang nabalitaan namin na maging employee ka rin sa agency ay nagulat nalang kaming lahat na nagiging ganito na" Nakangiting sabi niya sa'kin at ngumiti naman ako pabalik.

"Thank you for answering my questions" I said.

She smiled again, " Walang anuman, Xiali. Sabihin mo lang agad sa'min kapag may kailangan ka ah? Babalik na kami sa trabaho, ingat!" Pagpapaalam nito sa akin ngayon.

Assistant of SupermodelWhere stories live. Discover now