Chapter 52

5 0 0
                                    

"Sandro are you done?" Tanong ko habang nag papatuyo ng buhok gamit ang hair blower ko.

"Malapit na." Sagot nya at itinuon ko nalang sa pag papatuyo ng buhok ko ang aking atensyon, nag tampo lang naman yan si Sandro kasi hindi ko pinayagan mag sabay kami maligo kasi baka hindi namin mamalayan ang oras sa kung anong mangyayari sa loob, pagkatapos mag patuyo ng buhok ay lumabas na si Sandro sa banyo at tumayo ako at kinuha ko ang uniform ko pati narin ang sapatos ko.

Ang uniform namin sa trabaho ay isang black polo at short sleeves lang ito, ang kaliwang side naman ng polo ay color gold na at 3 inch above the knee ang pencil skirt nito at may asymmetrical gold linings sya sa baba ng skirt at sa taas ng skirt, ang sa lalake naman ay isang short sleeves polo at sa right side naman nito ay may color gold, may skirt din ang lalake at asymmetrical ito at may black pants itong terno, ako naman ay dapat naka tali ang buhok ko ng bun kaso masyadong maigsi ang buhok ko kaya hindi kayang itali at nilugay nalang.

"Sandro bilisan mo dyan ha!" Sigaw ko mula sa walk in closet at nag pabango ako ng Victoria's Secret na Vanilla Lace at pagkatapos ay nilabas ko na rin ang uniform ni Sandro at ipinatong ko sa kama ang uniform namin kaya sosootin nalang namin ito kapag aalis na.

"Saglit nalang." Sagot ni Sandro mula sa banyo at nahiga nalang ako sa kama at ipinikit ang mata, bakit ba kasi ang hirap bumangon sa kama na to ang lambot higaan at siguradon masarap ang tulog mo dito, ganun din naman sa lahat ng kama ng kwarto sa bahay eh, matapos pa ng ilangg minuto ay lumabas na si Sandro at amoy na amoy ko pa ang sabon sa katawan nya.

"Bilisan mo mag bihis patutuyuin ko pa buhok mo." Sambit ko. "Kahit ako nalang marunong naman na ako." Sambit ni Sandro habang pinupunasan ang basang buhok.

"Ano bang mas bet mo dad bod or may abs?" Tanong ko. "May tabs." Sagot nya at natawa ako at kumuha sya ng damit nya sa closet.

"Pero sa totoo lang mas bagay sayo ang dad bod." Sambit ko. "Nag wowork out ka ba dati?" Tanong ko at lumingon sya sakin. "Oo dati yun pero tinamad na ko ngayon, tsaka sinabi mo na na mas bagay sakin ang dad bod kaya hindi na ko mag wowork out para sayo." Sagot naman ni Sandro, tumayo ako sa kama ang tumakbo sa kanya at niyakap sya sa likod at inamoy sya.

"Huy basa pa ko baka mabasa ang damit mo." Sambit ni Sandro habang nag pupunas ng buhok.

"Ang bango mo." Sambit ko at inamoy ang leeg nya at hinalikan ito. "Safe guard lang naman ang sabon ko inaamoy mo pa." Sambit ni Sandro. "Ok na yun ang bango nga eh." Sambit ko at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.

"Sige na mag papatuyo pa ko dun ka muna." Saad ni Sandro at humiwalay na ko sa yakap at bumalik sa kama. "Sigurado kang marunong ka na sa hair blower?" Tanong ko at humiga sa kama at tinitigan ko lang syang mag punas ng katawan, ang hot nya.

"Oo nga, marunong na ko ikaw talaga." Sagot nya at umupo sya sa upuan at kinuha ang hair blower ko sa cabinet at sinaksak nya ito at binuksan at sinimulang patuyuin ang buhok nya, sa buong pag papatuyo nya ng buhok naka titig lang ako sakanya at kung ano ano ang iniisip, kung paano sya niloko ni Jessica, sa totoo nga lang gusto kong mag pasalamat kay Jessica dahil sakin napunta yung gintong tinapon nya para lang sa metal na may kalawang na.

"Sandro are you done?" Tanong ko at tumingin sya sakin. "Konti nalang matutuyo na to." Sagot nya at tumitig lang ako sakanya hanggang sa matapos sya.

"I'm done." Sambit nya at binunot ang blower at binalik iyon sa cabinet. "Come here." Sambit ko at tumayo naman sya at lumapit sakin at umupo sa kama at hinalikan nya ang labi ko at niyakap ko sya sa leeg, we kissed pasionately and we cannot seperate from each other.

"Kailangan ko nang mag bihi-" Hinalikan ko sya agad para hindi na sya mag salita at pumatong sya sakin at niyakap ang bewang ko at amoy na amoy ko ang sabon na ginamit nya.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now