Chapter 63

7 0 0
                                    

Sandro's POV

"Bro anong oras na wala parin si Analisse!" Sigaw ko. "Bro calm down hindi mo naman alam kung na traffic ba sya pauwi dito oh hindi." Sambit ni Wilson.

"Bro look at the time oh, it's already 11:55 at mag aalas-dose na ng umaga wala parin si Analisse, so sa tingin mo paano ako makaka kalma ha?" Tanong ko, pati si Cali ay nag aalala na rin.

"Should I text Analisse?" Tanong ni Cali. "Kanina mo na dapat ginawa yan." Asik ko at napa hampas sa pinto, kanina pa ko nag iintay sa may pintuan pero wala parin.

"Ok sure." Sambit ni Calista at nagsimulang mag tipa sa cellphone, nanatili lang akong nakatingin sa pinto at inaabangan si Analisse, nararamdaman ko na na kasama nya si Mr. Lim pauwi, pag nagka totoo yun hindi ko na alam ang gagawin ko.

"She's not answering, parang nakapatay ang telepono nya." Sambit ni Cali at bumuntong hininga ako.

"Jusko Analisse nasan ka na ba?" Tanong ko habang naka abang parin sa pinto. "Bro mag hintay nalang tayo, tsaka hindi makakapag commute si Analisse ng gabing gabi na, siguro-"

"Siguro ano? Siguro hinatid sya ng manager namin pauwi?" Galit kong tanong. "S-siguro mas mabuti na yun kaysa mag lakad pauwi dahil wala kang masasakyan sa ganitong oras." Saad ni Wilson.

"Wilson is right Sandro, imposibleng makasakay ka ng ganitong oras, please kumalma ka mas mabuti nalang siguro na ihatid sya ni Mr. Lim pauwi kaysa naman mag lakad sya mag isa ng gabing gabi." Sambit ni Cali.

"Ok! Fine." Sambit ko at umupo sa couch. "Let's just wait for her ok?" Sambit ni Cali.

"Ok." Sagot ko at chinat si Analisse sa phone, I tried to call her but walang sumasagot.

"Wait, kotse ba yan ni Mr. Lim?" Tanong ni Cali nang may makitang kotse at tumigil ito sa harapan, agad akong napatayo at lumabas, bumukas ang pinto ng kotse at niluwa non si Analisse at nanlumo ako sa nakita, may malakas na music sa loob ng kotse at nakita kong sumasayaw pa si Analisse papalabas ng kotse at nag tatawanan pa sila ni Mr. Lim.

"Bye Mr. Lim see you!" Pamamaalam ni Analisse at nag flying kiss sya kay Mr. Lim at kumulo ang dugo ko, nakita nya ko papasok sa loob pero hindi nya ko pinansin at, hindi ko na alam ang nararamdaman ko dahil nag halo halo na ang galit at selos.

"Analisse bakit ngayon ka lang?" Inis na tanong ni Cali at isinara ko at pinto.

"Sorry guys natraffic kasi kami eh." Sagot ni Analisse habang malaki ang ngiti.

"Hindi mo ba alam na naka ilang tawag at chat na kami sayo? Akin na ang cellphone mo." Sambit ko at hinablot ang cellphone nya, kitang kita ko sa notifications nya ang ilang tawag at text naming tatlo kay Analisse.

"Tignan mo? Sinasakop na ng tawag naming tatlo ang notifications mo and still ni isa wala kang sinagot!" Sigaw ko at nawala ang mga ngiti sa labi ni Analisse.

"Sandro what's wrong with you?" Tanong nya. "What's wrong with me? Nag aalala kasi ako Analisse at hindi ko alam kung nasan ka na sa ganitong oras!" Sigaw ko at natahimik si Analisse, pati si Cali ay galit na.

"N-nakisabay lang naman kasi ako kay Mr. Lim eh, kinuha mo kasi yung kotse kaya hindi ko alam kung mag cocommute ba ko sa ganitong oras oh makisabay kay Mr. Lim." Sambit ni Analisse.

"Cali did you see kung gano kalakas ang music sa loob ng kotse ni Mr. Lim? Kaya ba hindi mo masagot sagot ang tawag dahil sa lakas ng music sa loob?" Inis kong tanong at natahimik si Analisse.

"Analisse alam mo ba kung gano kami nag alala sayo? Tas uuwi ka ng ganitong oras at hindi namin alam kung saan ka hahagilapin?" Inis na tanong ni Cali.

"Guys stop pinag tutulungan nyo na si Analisse." Pag pigil ni Wilson.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now