Chapter 55

8 0 0
                                    

"Sigurado ka hindi mo ko ipapagpalit kay Mr. Lim?" Tanong ni Sandro habang binoblower ko ang buhok nya. "Oo nga ang kulit mo talaga." Sagot ko. "Sigurado ka nga hindi mo ko ipapagpalit sakanya kahit mas matangkad sya?" Tanong nya.

"Sandro pang ilang tanong mo na yan." Sambit ko. "Hindi yung totoo nga hindi mo ko ipapagpalit sakanya?" Tanong ni Sandro.

"Sandro naman eh! Kanina ko pa sinasagot yang tanong mo oo nga hindi nga kita ipag papalit kahit ano pang sabihin mo hindi!" Asik ko.

"Sigurado ka ha? Pero hindi mo talaga ako ipag papali-"

"Hindi nga kita ipag papalit jusko Sandro naman eh!" Saad ko at natawa nalang sya.

"Sigurado ka ha? Hindi ka mag papaligaw dun ha." Sambit ni Sandro. "Hindi nga hindi!" Tugon ko at natawa nalang si Sandro.

"Mahal mo ba k-"

"Hindi nga!" Pag rereklamo ko at napatigil ako nang marealize kung ano ang tinanong nya at sinamaan ako ng tingin sa salamin.

"Sandro naman eh!" Pag rereklamo ko at tinawanan nalang ako ng kurimaw na to.

"Hindi mo pala ako mahal ha." Sambit nya. "Sandro gagawa ka nanaman ba ng ikakatampo mo?" Irita kong tanong at tumawa lang sya. "Tinetesting lang naman kita." Tugon nya.

"May testing ka pang nalalaman ha, tigilan mo nga ako Sandro pagkatapos kong patuyuin buhok mo matulog ka na tama na tanong." Sabi ko at pinatuloy ang pag papatuyo ng buhok nya.

"Sige, pero hindi mo ko ipag papalit kay-"

"Sandro ano ba!" Pag rereklamo ko pero tinawanan lang ako. "Na tataong lang naman ih." Sambit nya.

"Last na yan ha naiirita na ko sa kakatanong mo sinabing ayaw ko nga kay Mr. Lim pang ilang beses ko nang sinabi yan kanina." Sambit ko habang pinapatuyo ang ilang parte ng buhok ni Sandro.

"Sige sabi mo yan ha, pero sino mas gwapo same-"

"Ay nako Sandro ayoko na tumayo ka na dyan tapos na ko sayo." Sambit ko at pinatay ko ang hair blower at binunot ito at tinupi ang mga cord nito.

"Nag tatanong lang naman ako eh!" Asik nya at nilgay ko sa cabinet ang hairblower. "Mag bihis ka na dyan matutulog na ko bye." Sambit ko at lumabas ng walk in closet at humiga sa kama. "Nag tatanong lang naman eh ang daya mo talaga!" Sambit ny at pinikit ko nalang ang mata ko.

"Misis ko dali na sino mas gwapo same-"

"Sandro tigilan mo ko ha." Sambit ko at niyakap ang unan na nasa tabi ko lang. "Tinatanong lang naman kita eh bakit galit ka kaagad." Sambit ni Sandro at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Pagkatapos mong mag bihis patayin mo ilaw ha at matulog ka na." Sambit ko at nag kumot. "Sige po misis ko." Sagot nalang nya, nag bihis pa sya at maya maya lang ay nag patay na ang ilaw at naramdaman kong tumabi sya saki at niyakap ako.

"Good night misis ko." Sambit nya at hinalikan ang noo ko ang hindi ko na namalayan na nakatulog na ko.


--


"Misis ko gising na tanghali na!" Rinig kong sabi nya habang inaalog ako. "Huy tanghali na oh alas syam na ng umaga jusko." Sambit ni Sandro at bigla akong nagising sa sinabi nya.

"A-ano? 9 na ng umaga?" Tanong ko habang nag kakamot ng mata. "Oo bilisan mo wag ka nang maligo kahit amoy baktol ka na mag pabango ka nalang." Sambit ni Sandro at napatayo nalang ako bigla.

"Bilisan mo mag ayos mag bibihis ka pa dali!" Sambit nya at napatayo ako ng kama bigla at kinuha ko ang uniform ko sa closet.

"Hoy tumalikod ka mag bibihis ako." Sambit ko habang tinatanggal ang uniform ko sa hanger. "Sus papatalikorin mo nanaman ako." Asik nya. "Dali na kasi!" Pag rereklamo ko.

The Playful Destiny (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now