Nakasimangot na tumingin siya sa mama niya at nakatungo siya dito sa hambana ng pintuan nila sa kusina.
“Ma! Kailangan pa bang sumama ako pauwi ng pinas, masaya na ako dito together with my friends, saka kaya ko na rin naman po mag settle, kaya ko na mag isa dito sa America.” Lihim siya nag dadasal na sana pumayag ang mommy niya.
“No! Hindi ka pwede na maiwan dito lalot’ may sakit na si Dad. Kailangan andon tayo sa oras na lumalala pa ang mga sitwasyon, hindi na kaya ng katawan ng lolo mo ang mag trabaho at kailangan na niya ng katuwang sa negosyo at tayo lang pwede ang makakagawa ng sulusyon.”mahabang saad ng mommy niya na siyang ikasimangot lalo niya.
“Saka ayaw mo bang makilala ang ibang cousin mo don, mababait naman sila at para matutukan narin namin ng Daddy mo ang naiwang business.Hindi kaba na aawa sa kuya mo.”may himig na pagtatampo sa boses neto.
Napairap na lang siya. “Fine! Kapag di ko kaya ang pamumuhay don Mommy, sinasabi ko talaga sa inyo hindi ako mangingiming umuwi dito sa America.”
“Thank you talaga anak.”Lihim siyang umirap at alam niyang maglalambing ito sa kanya.
Mabilis na umakyat siya sa kanyang kwarto at inilbas ang maleta saka siya nag simula mag ayos ng mga gamit.
Lihim siyang nagdadasal na sana maging maayos ang flight nila ng Pamilya.
****
Masakit ang kanyang katawan sa mahaba-habang byahe kasama ang magulang niya pauwi dito sa Pilipinas. Hindi na niya magawang makapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan niya at sa mga dating katrabaho.
Anong buhay kaya ang nag-iintay sa kanya pag dumating na talaga siya sa ransyo ng lolo niya.Sa pag kakaalam niya ay sa ibang bansa na kasi siya pinagbubutis ng Mommy niya, nong nag binata na ang kuya Cai niya ay umuwi to kasama ang Daddy at nag turn over na sa lahat ng mga business kay Kuya.
“Cassandra.”
Napalingon siya sa Daddy niya dahil buong pangalan niya ang tinawag nito sa kanya.
“Yes Dad.”
“Anong plano mo pag dating natin sa ransyo ng Lolo mo.”tinitigan siya ng ama at di niya alam ang sasabihin dito, dahil wala siyang alam sa probinsya na kinalakihan ng Daddy niya.
“I don’t know what to say, Dad.” mahinang sabi niya.
Nilapitan siya nito at inakbayan sa braso niya at lihim siyang napangiti sa Daddy niya. Daddy’s girl kasi sya at papa niya ang kahinaan niya. Yumapos siya sa Daddy niya at inihilig niya ang ulo sa balikat nito.
“Kayo talagang magtatay!”Napailing na sabi ni Mommy.
“Hayaan mo na lang ang bunso mo mag explore sa lugar natin, habang tumatagal naman tayo ay malalaman niya ang mga kagustuhan niya sa buhay and I hope makita niya narin ang lalaking mamahalin mo Sandra.”
Na pairap siya sa hangin sa sinabi ng Mommy niya. “Mom! Ano bayang sinasabi mo, ipinamimigay niyo na ba ako. I’m just twenty-eight!”Bulalas niya at ikanatawa ng ama niya.
“You’re going twenty-nine this year, tatandang dalaga kana.”natatawang sabi ng Daddy.
“Kayo talagang dalawa pinagkakaisahan niyo na naman ako ni Mommy.” diyos ko lord edad ko lang naman ang tumatanda pero wala naman nagbago sa pustura ko.
My height is 5’9.
My weight is 45 kilos.
My waist line is 26.
I’m a Professional with degree holder.
And I’m Cassandra Bautista ang anak ni Cassia Baustista at Zerold Baustita at sila lang naman ang mga pasaway kong magulang.
“Mom! Si kuya Cai muna ang paunahin niyong mag-asawa.”natatawang sabi niya.
“Nagiging bugnutin na yon sa apat na sulok ng opisina niya at baka wala na yong sex life sayang ang genes natin!”
“Ang bunganga mo nga Sandra!”Nanlalaki ang mata ng Mommy niya.
“Para kang hindi Doctor!”
Tinawanan niya lang ang kanyang Mommy. Lumapit sa kanya si Daddy at hinaplos ang likod.
Nakangiti siya sa mga magulang at tumalikod na dito para pumasok sa hotel room dahil bukas ay alis naman nila papunta sa probinsya ng Lolo nila at makikita na muli niya si Kuya Cai, dahil na una na itong pumunta don para salubungin kami sa pag uwi.
Gusto niya makakita ng katulad ng kay Daddy niya na mahal na mahal si Mommy.
Iyong aalagaan ka at pagsisilbihan, ganon kasi si Daddy may pagkukusa siyang kumilos kahit di siya utusan ni Mommy na gawin ang mga bagay.Naligo na muna siya at nag-ayos na para matulog. Kumain na sila dahil nag order ng pagkain ang Daddy niya at dineliver dito sa room.
Sana bukas maging maayos ang maging byahe nila papuntang Ransyo De San Miguel dito sa probinsya ng San Agustin.

BINABASA MO ANG
A Timeless Love
General FictionAng gusto lang naman ni Sandra ay mag focus sa carrer niya bilang doctor. Nang biglang siya pinilit na kanyang magulang na umuwi sa Pinas para don na tumira, ano kaya ang mangyayari sa buhay niya sa pag uwi nila sa probinsya.