Nakangiting bumaba siya sa hagdan at agad siyang sinalubong ng Kuya Cai niya.
“Sis, baka gusto mo pumunta sa isa sa mga letchonan natin dito sa may bayan.”wika ng kanyang kapatid.
“Sige ba! Gusto ko makatikim niyan!”natatawang sabi niya dito.
Humalakhak ang kuya niya saka napailing na lamang.
“Basta talaga pagkain napag-uusapan nangunguna talaga yang katakawan mo.”ani nito sa kanya.
Umirap siya dito at nauna ng umalis saka deretso pasok sa sasakyan na ford na kanina pa nag-aantay sa labas.
“Igagala narin kita sa bayan para alam mo na ang mga lugar dito.”sabi nito.
Tumango lang siya sa kanyang kuya. Habang nasa byahe sila napapatanaw siya sa mga lugar hanggang napako ang mata niya sa malaking bahay sa malayuan na may puno ng narra.
“Kuya kaninong bahay yun!”sabay turo niya don.
“Kila Tyronne Zapanta yan. Isa sa mga group of friends ko dito sa Manila, sikat yan dito sa bayan natin.”tumango siya saka napatingin ulit sa ganda ng bahay.
“Binebenta kaya niya yung bahay Kuya Cai..”
Gustong gusto niya yung bahay hindi niya alam kung bakit na atract siya don.
“Itatanong ko sa kanya, pero alam ko kasi sentimental value ang bahay na yan kaya baka hindi ipagbenta ni Ty yan.”
Napasimangot siya sa narinig.
Mapapasaakin din yang bahay na yan balang araw piping ani niya sa kanyang isipan.
***
Dumating sila sa letchon house nila dito sa bayan na agad naman sila inasikaso ng mga staff ng makita sila.
Napapalingon siya sa lugar modern ang design pero ang ganda.Nasa dulong pasilyo ang letchonan nila pero kita dito sa glasswall ang mga baboy na pinapaikot sa bakal.
May matandang lalaki lumapit sa Kuya Cai niya at kinausap ito.Habang nag-uusap silang dalawang may lalaking pumasok at ramdam niya ang kakaibang awra sa loob ng resto nila, biglang nagsitahimik ang mga tao sa paligid kahit ang mga kumakain ay napahinto sa pag subo.
Napalingon ang Kuya Cai niya dito kaya natigil ang pag-uusap nila ng matanda at napayuko na lamang sa harapan nila.
“Manong Nestor ako na pong bahala kumausap kay Ty, huwag po kayong mag-alala.”
“Salamat talaga sir Cai,pasensya na po talaga, hindi na po ito ulit mangyayari.”tumango lang si Kuya Cai at tinapik ang braso nito.
“Manong Nestor, ito si Cassandra kapatid ko paki asikaso muna ako at mag uusap lang kami ni Ty.”
Umismid siya at iginaya siya ni Manong Nestor sa isang table at doon siya umupo.
“Ano po gusto mo maam Cassandra.”
“Nako po Cassie na lang po itawag niyo sakin.”sabi niya.
“Kahit tubig na lang po Manong Nestor.” nahihiyang sabi niya dito.
“Sige po maam Cassie.”saka ito umalis sa harap niya.
Bumaling ang tingin niya sa dalawa na kanina pa nag-uusap. Napalingon sa kanya ang dalawa kaya napaiwas siya ng tingin.
Bakit ba siya kinakabahan.Alam niyang magandang lalaki ang kausasp ng kuya niya.
Matipuno sa pustura na suot nito kahit napakasimple lang ang suot niya.
“Cassandra.”
Napalingon siya sa kuya niya ng tinawag siya.
“Need kong umalis at iiwan muna kita kay Tyronne para siya muna ang mag-iikot sayo dito sa bayan.”
“Huh! Bakit biglaan naman, akala ko bonding time natin to kuya!”
“Pasensya na sis, biglaan lang saka mapagkakatiwalaan ko naman itong si Tyronne kababata ko yan.”
“Sige na iwan na kita dito kay Ty.”lumingon ito sa lalaki at tinapik ang braso. “Ikaw na bahala sa kapatid ko ahh.”
“Oo ako bahala sa kanya Cai, di naman ata sakit sa ulo tong kapatid mo.”saka ito tumawa ng mahina.
Napailing na lang siya saka kinuha ang tubig na inilapag ni Manong Nestor.

BINABASA MO ANG
A Timeless Love
Fiction généraleAng gusto lang naman ni Sandra ay mag focus sa carrer niya bilang doctor. Nang biglang siya pinilit na kanyang magulang na umuwi sa Pinas para don na tumira, ano kaya ang mangyayari sa buhay niya sa pag uwi nila sa probinsya.