Chapter 2

35 2 0
                                    

Pababa palang sila sa may sasakyan ay kita na niya ang mga tao sa labas ng pinarada ito ng driver sa may tapat ng malaking masyon ng Lolo niya.

A beautiful and estatic house. Makikita ang kalumaan na mga bricks at mga stones sa pader pero hindi ito nakasira sa tanawin at sa ganda ng bahay.

"Cassandra!" Napalingon siya sa kuya Cai niya ng tinawag siya nito.

Mabilis siyang nakalapit dito at humalik sa pisngi ng kuya niya. Ito naman ay hinalikan siya sa noo.

Hinawakan nito ang kamay niya at iginaya siya papasok sa loob ng bahay at lumapit sila sa may katandaan na pero makikita mo padin ang pustura at kakaibang awra na nakapalibot dito.

"Sandra siya si Lolo.... Si Don Sebastian De San Miguel mas kilala siya na Don Seb." Pakilala sa kanya ni kuya Cai kay Lolo.

Nakatitig sa kanya ang lolo nila. Dahan-dahan siyang lumapit dito ng bigla siya nitong kinabig at niyakap..

Napasinghap ang mga tao sa paligid nila.

"Sabi ko sa inyo dapat noon niyo pa dinala si Sandra eh." Napailing na sabi ni Kuya Cai sa magulang namin.

Bumitaw sa kanya si Lolo Seb at masuyo siya nitong nginitian. "Kamukha mo ang iyong abuela nong kabataan niya."nangingilid ang luha ng matanda at masuyo niya naman itong pinunasan ang luha.

Napalingon sila sa Daddy Zerold niya ng magsalita ito. " Pasensya na Dad at ngayon lang namin napilit si Sandra na umuwi dito sa San Agustin."

Napailing siya sa Daddy niya. "Hindi niyo kasi sakin sinabi ang dahilan kung bakit gusto niyo na umuwi tayo... edi sana naagapan natin si Lolo. Depression ay hindi biro para kay lolo nagdamdam siya simula nong pumanaw ang kabiyak niya. Ang gantong bagay dapat tinututukan at ikakabagsak ng katawan pwde din mag cause sa mental health yon dad! Alam mo yan!" galit na sabi niya.

"I'm sorry nak', that time kasi hindi namin masabi sayo ang totoo na sa peak ka ng carrer mo non." sabi ni Mommy.

Lumipat ang tingin niya sa ina.

"Kahit na! Alam naman pala ninyo na may gantong sitwasyon na si Lolo, hindi naman makitid ang utak ko. Pamilya ko kayo at alam niyo na mas priority ko kayo." Napailing na lang siya.

"Andito na tayo.Nangyari na ang nangyari pagtulungan na lang natin si Lolo na mapagaling ang kundisyon niya."


***

Matapos ang nangyari ay pinag-pahinga na muna siya ni Kuya Cai, ganun din ang magulang niya.Hindi na nga muna siya pinakilala sa mga tito at tita sa side ng papa niya dahil pati ang mga ito ay na shocked sa nangyari.

Kahit ang pinsan niya ay di pa niya nakilala.

May bukas pa naman at alam niya na madami pang mangyayari sa buhay niya.

A Timeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon