"Perfect ka sa Math assignment natin si jace gumawa no?" tiningnan ko naman si phoebe."Inggit ka nanaman porke 15/25 ka." I said, kinurot naman ako ni phoebe ka'ya ako natawa sakanya.
"Yabang mo ah! si jace lang naman sumagot sa'yo kaya ka perfect sa assignment che!"
"FYI after niyang sagutin tinuruan niya ako sa bahay namin, che ka din!" ganti ko naman sakanya pabalik.
"Phoebe may training ta'yo later." napahinto naman kami sa pag uusap namin nung biglang lumapit ang Group ni phoebe sa pag sayaw.
alam ko Dance partner sila together.
"Oo nga paulit ulit." nagulat ako bakit iritado si phoebe sa kadance partner niya, ka'ya tinulak ko siya nang marahan sumulyap siya sa akin at umirap ang Gaga.
tiningnan lang siya ng kadance partner niya at bigla nalang umalis.
"Anong problema mo hah?" Tanong ko sakanya.
"nakakainis siya e, kanina pa ang bwiset na 'yan." bulong pa sa huling sinabi ni phoebe, umiling nalang ako sakanya.
Month niya ata ka'ya mainit ang ulo ng babae na 'to.
napahinto naman ako nung biglang may sumisigaw sa Pangalan ko, ka'ya lumingon ako sa side ko.
"Summer! nasa clinic si Christoffer!" bigla naman akong tumayo at tumakbo papuntang clinic. hindi ko'na hinintay pa si Phoebe kakamadali ko pumunta don.
pag pasok ko sa Clinic nang school namin nakita kong si Jace kausap ang nurse. sumulyap siya sa akin at nakita ko agad 'yung bandage sa arm niya, Nilapitan ko siya agad at tiningnan ang katawan niya.
"Ayos lang siya Ms. summer hindi nabalian ang jowa mo don't worry." ngumisi pa 'yung nurse sa akin, hindi ako nag React wala akong time makipag biruan nag aalala ako kay jace ngayon.
nag paalam pa 'yung nurse sa amin mauuna na muna siya, nung Umalis na 'yung nurse doon ko tiningnan si Jace nakatanggal ang uniform niya kaya kita ko 'yung Katawan niya.
"oh, huwag iiyak." pabirong sabi niya, ngumuso naman ako nakita ko pa tumawa siya nang mahina. ka'ya lumapit ako sakanya at sinabunutan si Jace sa buhok.
"Ano na naman ginawa mo ah! tawa tawa kapa d'yan." naiinis kong sabi.
Tinulungan ko si jace umuwi sakanila una ayaw niya pang ihatid ko siya sakanila.
"Swerte mo naman unggoy ka!" sigaw ni phoebe kay jace nung nakita niyang ihahatid ko si jace sa Bahay nila.
Inunahan ko na mag bayad si jace sa tricycle driver dahil pag hinahatid niya ako siya lagi nag babayad. Never niya ako pinapabayad kahit saan, nakita siya ni tita nag alala siya kaagad nakita niya may bandage sa braso ni jace.
Tinulungan ko pa si tita alagain si jace, habang si tita iniwan kami sa sala saglit para magluto na muna daw siya para sa amin ni jace ng Sopas. tiningnan ko naman si jace nakasandal sa sofa nila habang nakapikit halatang nasasaktan siya sa braso niya.
Bumuntonghininga naman ako at lumapit na tuluyan sakanya, para punasin siya ng Bimpo mainit pa dahil sa tubig na inayos ni tita kanina at nilagay sa braso niya. ka'ya dumilat nang mata si jace mabilis niya akong tiningnan. ayaw niya sa hot compress kaya nag bimpo nalang.
"Next time kana mag practice mga next month na." I said, habang inaayos ang bimpo sa braso niya, hindi siya nag sasalita nakatitig lang siya sa akin.
"Naalala ko lang kada nasusugatan ako umiiyak ka." natatawang saad niya.
inirapan ko lang ang sinabi n 'ya, natatawa pa siya talaga iniiba lang niya ang usapan dahil I know! kahit sabihin kong wag muna mag Practice, mag practice pa din 'yan. matigas ang ulo niyan dati pa.