"Summer!" agad naman ako tumakbo palayo sa Dalampasigan. tuwang tuwa ako'ng pabalik sa Cottage 'kung nasaan ang Kaibigan 'kong nag hihintay sa akin."madami 'kang nabenta no? tuwang tuwa ka e." tanong ni phoebe sa akin, habang nag bibilang nang pera.
"Ito nalang." pinakita ko sakanya mga natirang dalawa nalang ang seashell magnets, ang binebenta ko.
"Sana all!!" sigaw niya, pinakita niya sa akin mga ibebenta niya pa Mga 15 pieces pa.
Tinulungan ko nalang siya mag benta nu'ng naubos na Paninda ko, 'kung kanina ang lungkot niya ngayong masaya na dahil naubos na din paninda niya.
"Lucky charm talaga kita, Tingnan mo kanina oh! kasama lang kita naubos na paninda ko dahil sobrang Ganda mo ba naman, Sana all maganda para maubos lagi 'tong benta ko kaloka!" umirap naman ako sa sinabi na naman ng kaibigan ko.
"itigil mo phoebe." banta ko sakanya. lagi niya kasi sinasabi na Sana daw sobrang ganda niya para maubos paninda niya. e, maganda na nga siya ewan ko ba bakit hinihiling niya pa 'yon.
"buti nalang pala bumawi ako sa talino no pero! unfair talaga e!! Maganda kana nga matalino ka pa summer! Ka'ya naman palang gumawa ni Lord kagaya mo ba't di niya binuhos din saakin?" Umiling nalang ako sakanya.
"summer!" mabilis naman ako lumingon sa likod ko dahil sa Familiar na boses.
mabilis ako tumayo at hinarap si Phoebe, "wala akong dumi sa mukha?" tanong ko sa kaibigan ko.
"Wala! maganda nga e!" doon na ako lumingon kay Jace ang Boy best friend ko.
"Tapos na ka'yo?" tanong niya sa amin.
"Sold out namin lahat no." mayabang kong sagot sakanya, ngumisi naman siya at pinakita niya ang hawak niyang Basket. wala na din laman 'yung kanya.
"Sold out din." sabay ngiti niya sa akin, nawala tuloy mga ngiti ko sa labi. mabilis na ako umiwas nang Tingin sakanya, Napansin kong tinaas pa ni phoebe ang kilay niya sa akin. Nagets na n 'ya 'kung Bakit ako umiwas ng Tingin sakanya.
"Asan na ihatid na kita." mabilis inagaw ni Jace ang basket ko at siya na nag buhat, tiningnan ko nalang likod niya habang palakad palayo sa'min.
"Aray!" sigaw ko kinurot ako ni Phoebe ng malakas sa tagiliran ko, "bakit ba?" inis kong tanong habang hinahaplos ko tagiliran ko.
"Naku ah! ikaw pag napansin ni Christoffer mga Tingin mo sakanya mala puso mong mata Mahuhuli ka." bulong niya.
alam ni Phoebe ang secret ko. I'm in love with my best friend simula Bata palang kami, kahit naman iwasin kong nararamdaman ko sakanya ang Hirap kasi e. bumabalik lang pagnakikita ko siya.
"tara na nga!" hinila ko na si Phoebe.
"ano na ba kasi? Hindi ka talaga aamin Summer?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami pauwi.
aaminin? Hindi ko alam, Ayos lang naman sa akin mahalin ko siya kahit 'di ko sinasabi sakanya.
"malapit kana mag 18 debut mo hindi ka pa din aamin?" hindi ko 'na sinagot ang tanong niya.
"ang mabuti pa Ayan, pumasok kana sa bahay niyo at matulog kana." marahan ko siyang tinulak sa Gate nila, natawa pa siya sa Ginawa ko.
naglakad na ako palayo sa Bahay nila Phoebe. nakita ko sa malapit ng poste naghihintay si Jace sa akin.
"Sorry hindi na kita nasamahan mag tinda pumunta kami ni Nanay sa kabilang beach house."
"Sus ayos lang mabilis lang naman maubos ang Paninda ko at ni Phoebe." sagot ko.