"Gwapo talaga ng captain niyo christoffer pakilala mo naman ako." natawa naman ako kay Phoebe.ilang beses na niya kinukulit si jace about this. type na type kasi ni phoebe 'yung Captain sa football kaso masungit at di friendly sa mga Girls. ewan ko ba dito kay phoebe hindi naman namamansin 'yon. bet na bet niya Well, siguro dahil gwapo ka'ya siguro type niya.
"hindi nga namamansin 'yon irereto pa kita?" natatawang saad ni jace sa kabigan ko.
Nanonood na kami ngayon ng Football game nila jace, si jace nagpapahinga lang saglit di pa siya puwede Gumalaw nang gumalaw, bawal pa sabi ng nurse sakanya.
actually di pa nga siya dapat mag Practice kaso makulit si jace talaga. hinayaan ko nalang, ka'ya kong inaya si Phoebe manood para tingnan si jace if masaktan na naman sa game practice nila Nandon ako.
"Nakita niyo ba bagong Transferee na babae, ang ganda no tol! Galing raw sa Fatima university 'yun." tiningnan ko naman mga players nag uusap sa bagong transferee na babae kanina pang Umaga ang usap-usapan pa lalo na sa Department pa ni jace 'yon.
Hindi ko nalang iyon pinansin.
"Maganda ba?" nakichismis pa si phoebe, hinayaan ko siya makipag chismis sa mga lalaki tinitingnan ko lang si jace kinakausap siya ng Captain nila.
Ngumiti naman ako kay jace nung pabalik na siya sa bench kung saan kami nakaupo.
"Itanong natin kay Christoffer sa department niya yun, chris! maganda 'yung bago niyong classmate na babae 'yung galing manila." tanong pa na mga Players kay jace.
Nag kibit balikat lang si jace tila ba walang pakealam.
Nung natapos na practice ni jace pumunta naman kami sa practice game ko sa Volleyball at nanonood lang si jace sa akin habang nakaupo sa bench.
"Ka'ya pala ginagalingan ni summer nandito 'yung jowa." tukso na mga teammates ko.
"Hindi ko jowa 'yan, uy issue maker kayo." ayon nalang sinabi ko dahil ayaw ko magka issue kami ni Jace.
"Ayiee!" tukso pa nila, umiling naman ako at natawa na sakanila. After nang practice namin hinatid na ako ni Jace sa classroom ko, si Phoebe paika ika pa umupo sumakit ang katawan kakasayaw niyan.
hinayaan ko siya mag pahinga. Natulog lang ang Gaga nung may prof kami tulog pa din ang Babaita.
natawa naman si phoebe nung sinabihan ko siyang tulog sa subject ng prof namin. Papunta kami sa classroom ni jace napahinto naman ako nung nakita ko 'yung bagong transferee magkatitigan sila ni jace mukhang nag aaway sila.
anong nangyayari?
Sumulyap si jace kung saan ako. doon niya iniwan 'yung babae at nakita kong matalim ang tingin niya kay Jace.
"uy! nag aaway kayo christoffer?" tanong agad ni phoebe sakanya.
"wala, nangingialam lang bakit daw hindi ko tinatanggap mga nag bibigay nang Love letters sa akin. sinabi ko lang anong pakealam ba niya, Kabago bago niya Nangingialam siya agad." inis na sabi ni jace.
This is the very first time makita kong iritado si jace sa ibang tao, never naman naiinis or nagagalit si jace sa Tao. masiyahin siya sa kumakausap sakanya.
humalakhak lang si Phoebe ka'ya kinurot ko siya patago, "Grabe si ate girl, anak mayaman daw yun ah. Ashriella Rivare name non 'di ba." umiling naman ako kay Phoebe alam na niya kaagad ang chismis na 'to.
maganda 'yung Ashriella halatang anak mayaman siya sa gamit palang niya kanina.
"Pero mas maganda ka beshie." bulong pa ni phoebe sa akin, ka'ya umirap nalang ako sakanya.