Chapter 33

501 19 4
                                    

A/N:Good luck sa exam's niyo😚💜

Strange...

**FARAH'S POV**

Nakarating kami sa sinabing bar nang wala ako sa sarili. Naniniwala naman ako sa sinabi ni Marian na walang gagawing masama si Akisha.

Nasa “Chill Brews” kami; dito kami dinala ng kotse ni Raven.  Maging sa pagbaba ng kotse niya, wala pa rin akong gana, hanggang sa naabutan pa namin sila.

“Let’s go…” masayang ani ni Sean bago sila nauna.

Masaya namang lumapit si Akisha kay Marian hanggang sa sunod silang pumasok. Bumuntong-hininga ako para ma-kalma ang sarili ko; sumunod na lang din ako. Ramdam ko ang presensya sa likod ko.

Mukhang gumaganti ang isang ‘to!

Nakarating kaming lahat sa elevator; nauna na pala sina Sean at Akisha, pati si Marian. Hinihintay lang namin na bumukas ulit ang elevator; nasa second floor daw kasi ang totoong place nito.

Alam kong silang tatlo ang kasama ko, pero wala akong pakialam! Ang mahalaga, maibsan ang nararamdaman kong sakit at selos! Pati galit, p*ta!

Bumukas ang elevator nang walang imikan sa amin. Buti na lang malaki at malawak ang elevator. Hindi pa rin talaga mawala sa dibdib ko ang kirot na naidulot nito. Sakit…

Nasa unahan ako habang nakasuot ng headset at magkabilaan. Mahigpit din ang hawak ko sa bag; hindi ko iniwan sa kotse baka kasi dumikit ulit iyon; may panghampas ako.

Sa hindi malamang dahilan, namumuo sa gilid ng mata ko ang luhang nagbabadya… ayokong makita nilang ganito ako; ayokong nakakagawa ako ng ikakaalala ng lahat.

Hindi na ako nakapagpigil kaya kusang tumulo ang isang butil, mainit at masaganang luha sa kabila. Buti na lang may pupunas ako ng luha, e doon naman bumukas ang elevator, kaya alam kong hindi nila ako mapapansin.

Nauna akong lumabas bago sinundan si Zaijan dahil siya ang mas nauna. Nanatili sa kanya ang mata ko habang umaakyat pa sa itaas. Nang makarating kami sa VIP room, ingay at sigawan agad ang narinig namin.

Sina Wendy at Professor Sean; sa sobrang tagal siguro namin, nauna na sila.

“Farah!” sigaw ni Wendy sa mic bago lumapit sa akin at agad akong hinila; mas mabuti na iyon kaysa naman manatili akong nasa harap ng tikbalang na iyon.

Nakita ko pa sa gilid ang dalawa habang tumitingin sa gawi nila; hindi naman mapigilan ni Akisha ang hindi ngumiti nang todo.

“Ito!” Napatingin na lang ako sa unahan ko nang biglang may binigay sa akin si Wendy; isang bote ng alak.

“A-anong gagawin ko dito?”

“Haha! Inumin mo!” Mukhang natamaan na ito.

“H-ha? Hindi naman ako umiinom…” Magsasalita pa sana si Wendy, pero agad siyang pinigilan ni Professor Sean.

Pumunta na lang ako sa isang mahabang sofa at doon naupo; nilagay ko na lang sa lamesa ang alak na binigay sa akin nito. Ang dami din kasing alak ang nasa lamesa; paniguradong natamaan na iyon.

Kumakanta sila ng “Rewrite the Stars”; hindi naman mapigilan ni Professor Sean ang hindi matawa habang kumakanta sila. Pinapalo kasi siya ni Wendy noon; base din sa sinabi sa akin ni Wendy na iyon daw ang kinanta nila Sean at ng Rhianna na iyon sa concert.

Si Zaijan naman ay nanonood lang din sa dalawa, ngunit hindi rin niya mapigilan ang hindi mapatingin kay Marian; pasulyap-sulyap. Si Raven naman, katabi ko lang, ngunit malayo nang kaunti. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang hindi karapat-dapat.

Mariin siyang nakatingin… sa akin! Oo, sa akin, habang may hawak na baso. Inirapan ko lang siya; sa hindi sinasadyang pag-irap ko, nakita kong lumalapit si Akisha sa kanya.

Nanatili sa kanya ang mata ko hanggang sa lumapit na siya sa gawi ni Kevin. Napaupo nang maayos si Kevin habang nakaangat ang tingin kay Akisha. May inaabot siya doon, dahil sa nakatuon ang sarili ko sa dalawa; hindi ko na narinig ang pagkanta nina Wendy at Sean.

Mukhang nakita din nila ang ginawa ni Akisha.

“Kevin… I want to say thank you, tungkol—”

“Can you please stop saying thank you?… And it’s fine; it’s your business… I can’t accept that.” Mariin na sabi niya. Titingin na sana siya sa gawi ko nang agad akong umiwas.

Tandaan… wala tayong karapatan; this is fake!

“Ohhh… tara! Let’s continue… whooo!” Muling nag-ingay sina Sean at Wendy.

Natitigan ko na lang ang alak na nasa harap ko; kung iinumin ko ba kayo… mawawala ang nararamdaman ko?

Agad kong dinampot ang isang alak na nasa harap ko; mabilis kong binuksan iyon nang walang hinihinging tulong sa kanila. Agad kong nilagok iyon; napapikit pa ako dahil sa lasa noon.

“Nice one, Farah!” sigaw ni Wendy sa mic.

Isang hindi kilalang alak ang iniinom ko, ngunit masakit at magarang lasa kapag ininom na. Kapag dumadaan sa lalamunan mo, ang sakit. Mabilis din makapukaw ng isip.

Lumapit si Wendy sa akin saka niya naman ako sinamahan sa pag-inom. Tuloy-tuloy lang ang paglagok ko ng alak; mas lalong uminit ang dugo ko dahil sa pagpipilit ni Akisha sa kanya.

Sumuko din naman agad siya kaya bumalik siya kay Marian nang bigo; halos matanggal na ang mata ko dahil sa kakatitig kay Akisha; hinihimas naman ni Marian ang likod nito at nagsabi pa ng “Ayos lang yan”; nakita ko iyon sa labi ni Marian.

Umirap na lang ako; lalagukin ko sana ulit ang alak nang biglang may kumuha noon.

I'm the Professor's Roommate [ Under Edited ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon