VIII

1 0 0
                                    


"SAAN BA TAYO kakain mamaya???" Tanong ni Wilane pagkatapos na pagkatapos tumunog ng bell, hudyat na lunch break na.

Ito na ang huling araw ng kanilang pagsusulit. Lahat ng mag aaral sa paaralan ay sabay-sabay na nag e-exam. Para sa mga grade 11 students, ito na rin ang huling araw ng kanilang first sem. And by next week, second sem na agad.

"Kakain kayo sa labas? Sama kami!" Pagsabat ni Jay-R na hindi alam ng dalawa kung saan nanggaling.

Nilingon ito ni Catharina at sa likod nito, tahimik lamang na nakasunod si Corentin. Pinasadahan niya muna ng tingin ang binata. Suot nito ang paboritong hoodie. Kahit sobrang init sa classroom nila, natitiis nito ang init masuot lang ang hoodie.

Pansin niya rin na malungkot ang mga mata nito. Marahil ay nalulungkot ito sapagkat aalis na siya. Ito na ang huling araw niya sa kanilang paaralan dahil lilipat na ito ng lugar at doon mag aaral.

Gusto niyang kausapin ang binata ngunit nahihiya siya. Hindi pa rin niya kayang alisin ang mataray side niya rito. Ngunit siya man ay nalulungkot din. Aalis na ang isa sa mga tinuturing niyang kaibigan sa paaralan na ito. Aalis na nag number one enemy niya. Sino na lang ang aawayin kung nagkataon?

Parang gusto niyang isantabi muna ang napagkasunduan nilang lagi na silang mag aaway at bigyan ito ng isang mahigpit na yakap.

Gayonman, may pagtatampo pa rin siya rito. Hindi niya matanggap na nilihim nito sa kaniya na aalis na siya. Kahit pa nagsasagutan sila, gusto niya pa rin malaman ang nangyayari sa buhay ng lalaki.

"Hoy, Catharina!"

"H-ha?"

Kunot-noong nakatingin sa kaniya sina Wilane at Jay-R. "Bigla kang natulala dyan? Okay ka lang?"

Napapunas siya ng pawis sa noo at sunod-sunod na tumango rito. "H-hindi ko pa alam, eh. Kasama kasi namin mamaya sila ate Aliyah." 

"Huwag na tayong sumama sa kanila. They have their new friends na. Tayo-tayo na lang kumain mamaya," She can't determine if he's mad or sulking.

Bumuntong-hininga siya, "You can come with us if you want. We don't mind. Sa shawmall lang din naman yata kami pupunta." She tried her best to make her voice soft.

"No. We are okay. We do not need to come with you. Kaya naming tatlo lang kami." Siya ay napahilot sa kaniyang sentido at napabuntong-hiningang muli. Ayaw niyang patulan pa ang binata sa pagmamaldita nito.

"Sige, sabi mo, eh." She just shrugged at hinila na si Wilane papuntang cafeteria.

Kung ito ang gusto ng binata, susundin niya ito. Ngunit naisip niya, "Ayaw niya ba makasama ako bago siya umalis?"

And why do you sound like a girlfriend sulking and upset about her boyfriend leaving?

Pinagsawalang-bahala niya ang inasta ng binata't kumain na lamang. Pagkapasok nilang dalawa sa cafeteria, sigawan, init at kakaibang amoy agad ang sumalubong sa kaniya. To the point na gusto niya na lang maghintay sa labas.

Iba rin kasi ang panahon ngayon kahit February pa lang, ramdam na agad ang init. Sabayan pa ng ingay. At wala pang electric fan sa cafeteria nila. Mga mahahabang lamesa at upuan kung saan pwedeng kumain ang mga mag aaral lang ang meron. Sa bawat sulok naman ng cafeteria ay may kani-kaniyang itinitinda, iba't ibang klase ng mga pagkain.

Nevertheless, she still went in. As she roams around the room, nagkahiwalay sila ni Wilane. Sa dami ba naman ng mag aaral at siksikan, paano nila mas-secure ang isa't isa?

She's lost. That's what she describes it. Para siyang batang nawawala at hinihintay na bumalik ang mga magulang dahil siya ay nakatayo lamang sa isang maliit na parte ng cafeteria kung saan wala gaanong mag aaral. 

Her Complicated LoveWhere stories live. Discover now