Chapter 1

22 2 0
                                        

Chapter 1: Transferee

Apple's POV

Ansakit ng tyan ko. Parang matatae na ata ako sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umuwi nalang kaya ako at wag ng pumasok? Pero sayang naman, nandito na ako.

Simula kasi sa araw na to dito na ako mag-aaral, dito sa Higher Zero Valley International School. Haba ng pangalan diba. Pang-sosyal! Taray!

Malapit na ako sa room na itinuro sa akin ng registrar office. According to my registration papers, last section daw ako. Ang Section Eleven ng 4th year high school. Dito ako napunta kasi hindi naman daw ganun kaganda ang records ko.

Hindi ko sila masisisi, pasaway din kasi ako sa dati kong school. Nag patuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa room.

Pag dating dun, naka-sarado ang pintuan ng room. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Baka hindi pala ito yung Section Eleven, baka inuuto lang ako nung registrar, baka mapahiya pa ako.

Tsaka bakit parang ang tahimik sa loob?

Nag angat ako ng tingin, may nakalagay na Section Eleven sa itaas ng pinto. Baka ito na yon.

Ilang minuto pa akong nakatayo sa harap ng pintuan, nag da-dalawang isip kung bu-buksan ko ba o hindi.

Hintayin ko nalang kaya na mag bukas ang pinto?

Aish! Baka abutin pa ako ng kinabukasan dito.

Huminga muna ako ng malalim bago hawakan ang doornob ng pinto.

"Okay, Apple. Hinga ng malalim. Kelangan mabait ka na ngayon, okay? Mag babagong buhay na ta'yo." Sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.

"ATTACK!!"

Hindi agad ako naka-galaw sa aking kinakatayuan dahil sa gulat. Dahil sa gulat, hindi ko agad na-iwasan ang bolang papalapit sa akin. Dahil sa lakas ng tama nito sa aking ulo ay agad akong napahiga.

"A-aray ko..." Bulong ko habang nakahawak pa sa ulo ko.

"YES! Sapul si Sir."

"Tanga! Hindi si Sir 'yan!"

"Bobo, si Si- Si Sir! Naging babae!"

"Tanga talaga. Hindi si Sir 'yan."

Agad silang nag takbuhan pa-palapit sa akin. Yung iba pa ay parang natulala ata sa gulat dahil iba ang na-bato nila, kundi AKO!!

"Miss, are you okay?" Tanong ng isang lalaki na naka-salamin.

"MUKHA BA AKONG OKAY?! KUNG IPA-LUNOK KO KAYA SAINYO 'YANG BOLA N'YO!"

Syempre diko sinabi 'yan. Good student na dapat ako ngayon.

"O-okay lang ako." Sabi ko.

"Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic?" Tanong naman ng isa.

"HINDI NA! UUWI NA AKO!"

PART 1: The Girl in Section ElevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon