Chapter 1

63 15 0
                                    

[Xin's Point of View]

"Tito Seeve, ano to? Diba  napag-usapan na natin na sa Ateneo ako mag-aaral ngayong school year?" Sabi ko habang ipinapakita ko sa kanya ang cellphone na hawak ko. Sinugod ko pa siya dito sa living room kung saan naabutan ko siyang  nakaupo at nagbabasa ng newspaper.

Kanina kasi, habang nagce-cellphone ako sa kwarto, nagulat ako nang may nag-text sa akin na kailangan ko na raw maghanda para sa aking school year sa Phyton University? Anong talkshitan yan!


Akala ko pa naman sa Ateneo ako mag-aaral ngayong school year. Pero mukhang nagbago na naman ang plano ni Tito.


"Paasa ka talaga Tito Seeve." Reklamo ko nang may halong pagkadismaya sa boses. Tumayo siya at tinignan ako ng seryoso. Tiningnan ko lang siya ng nakakunot ang noo.


"It's for your own safety. I need to transfer you there because the assassins are here again. You'll be safer if you study at Phyton University," Sabi niya kaya napatigil ako at napaupo na lang sa sofa. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.


So, sa Phyton University na nga ako mag-aaral? Gusto kong umiyak sa sinabi niya.


"Tito Seeve, bakit naman? Akala ko pa naman seryoso ka nang sinabi mo na sa Ateneo ako mag-aaral. Pero ngayon, biglang lumitaw ang Phyton University. Ano ba talaga ang nangyayari sa mga desisyon mo tito?" Nakatingin lang ako sa sahig ng sabihin yun. Ayoko din namang suwayin siya.


Hindi ko maintindihan kung bakit palagi siyang nagbabago ng isip. Sana naman, maging tapat na siya sa mga pangako niya at huwag siyang magpaasa ng walang kasiguraduhan.
Naiinis tuloy ako sa ginawa niya sa akin.


"Xin, I really want you to study at Ateneo. But... last week, I received some news. The assassins are back. They have been targeting influential individuals again... just like us!" Sabi niya.


"Malay ko naman kung nagsisinungaling ka lang sa akin." sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin.



"P-pero s-sige! Payag na ako sa gusto mong mangyari." Ani ko sabay kamot sa ulo.


"That's good. Dahil iyon ang tama," aniya at binigyan ako ng nakakatakot na tingin.


"Kailan ba kita hindi sinunod?" mahinang bulong ko para hindi niya marinig. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nakataas ang isang kilay niya at masama ang tingin sa akin. Sabi ko nga hindi na ako magsasalita.

"I understand how you feel. I know it's frustrating when plans change suddenly. But please believe me when I say that this decision is for your own safety," Ma-awtoridad na sabi ni Tito Seeve habang lumalapit sa akin.

"You know how dangerous it can be for us, especially with the presence of assassins. Phyton University has increased security measures, and it will provide a safer environment for you to pursue your studies." Aniya.

Phyton University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon