Chapter 3

20 16 1
                                    

"Saan ka pupunta, Xin? Hindi ka pa tapos kumain, diba?" tanong ni Asam nang biglang tumayo ako. Plano ko kasi bumili ng Coke.

"Pupunta lang ako sa tindera. Bibili lang ako saglit ng Coke," sagot ko. Sumama rin siya at hinawakan ang braso ko.


"Simula ngayon, best friends na tayo. Kaya kung saan ka pupunta, sasama ako sa'yo!" sabi ni Asam, at napatawa ako sa kanya.


"Okay!" sagot ko.

"Ate! Isang Coke nga po," sabi ko sa tindera. "Ikaw Asam, gusto mo rin ng Coke?" tanong ko sa kanya.


"No thanks, Xin. Hindi ako mahilig sa ganyan eh. Mas prefer ko ang coffee," tanggi niya.


"Ah okay," sagot ko.


Tiningnan ko ang tindera, pero hindi pa niya kinukuha ang Coke ko. Hindi ba niya ako narinig? Mas inuna pa niya yung babaeng medyo petite kaysa sa akin.


"Ate, pabili po ng Coke," ulit ko.



"Wait lang po. Uunahin ko muna si Miss Sidrop," sagot nito. Nainis ako sa sinabi niya! What the hell. Tiningnan ko yung babae at C2 yung inorder niya with burger and fries.


"Asam, ganito ba talaga itong tindera niyo rito? May favoritism eh," pigil-inis na bulong ko kay Asam. Binigyan niya ako ng 'apology look' at bumulong rin.


"Pabayaan mo na Xin," sabi ni Asam sa akin.



"Thank you po," sabi ni Miss Sidrop sa tindera at umalis na. Hays, sa wakas umalis rin—



"Oh my gosh!" biglang sigaw ni Sidrop. Napatingin kaming lahat sa kanya dahil may nakabangga pala siya, nahulog tuloy yung dala niyang C2. Buti na lang talaga hindi nahulog yung burger at fries. Mabilis na umalis yung babaeng nakabangga niya kaya hindi ko masyadong nakita yung itsura niya. Basta yung height niya medyo mataas, straight at mahaba ang buhok na black at nakatali. Tska may bangs rin kagaya ko. Umalis na rin si Sidrop at umupo na sa table niya kasama yung mga friends niya.


"Ate, yung Coke ko?" tanong ko sa tindera. Di ko alam na nanonood rin pala siya kanina nung may nakabangga si Sidrop.


"Ah, sorry Miss," sabi niya at binigay na sa akin yung Coke ko. Pagkatapos ay bumalik na rin kami ni Asam sa table namin kung saan nakita namin na naghihintay si Piece.


"Bakit ang tagal niyo?" sabi ni Piece nang makaupo na kami.


"Ang tagal kasi magbigay ni Ate Rosie eh. Inuna pa si Euleen. Kilala mo siya diba? Yung nagtransfer dito last year," sabi ni Asam kay Piece. Tumango naman si Piece at parang inaalala yung si Sidrop.


"Yeah, I know her," sagot nito.
Binuksan ko na ang Coke na hawak ko at saka uminom doon. Sa sobrang uhaw ko, 10 seconds palang ay naubos ko na ito.


"Ang bilis naman," nakangising sabi ni Piece pagkatapos kong nilagay ang walang laman na plastic Coke sa table.


"Thanks for the compliment," sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa aking relo at pasado alas-dose na. Gusto ko nang bumalik sa dorm.

"Pwede na ba tayong bumalik?" tanong ko sa kanila. Nagtaas naman ng kamay si Asam.


"Sure! Gusto ko na rin bumalik eh," aniya at tumayo. Tiningnan namin si Piece at tumayo na rin siya. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa may entrance at nakita namin yung table nila Sidrop.


Nagulat ako nung bigla siyang natumba at napasigaw naman yung isang friend niya. "Euleen!" Naalerto kaming tatlo. Hindi ako nakagalaw dahil sa gulat. Sila Asam at Piece naman dali-daling pumunta sa table nila. Ang mga tao sa paligid ay nakichismis rin sa nangyari at pinapalibutan ang table nila. Mas lalo akong nagulat nung biglang may lumabas na puting likido sa bibig ni Sidrop! Nanlaki ang mata ko. Anong nangyari sa kanya?



Phyton University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon