Chapter 4

26 10 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ako nalang ang mag-isang umuwi papunta sa dorm ko. Sumama narin kasi sila Asam doon sa dalawang kasama nila kanina. Nakalimutan ko na ang pangalan ng mga yon. Hayst, hindi ko talaga inexpect na may mangyayaring hindi maganda ngayong araw. Katakot naman dito, parang gusto ko nalang magparescue kay tito pauwi.



Napatingin ako sa aking relo at alas kwatro na pala ng hapon. Ang bilis talaga ng oras. Pagpasok ko naman sa kwarto agad akong humiga sa kama ni Asam. Ewan ko ba kung bakit ako napagod. Siguro dahil sa mga nangyari kanina ay bigla nalang nanlambot ang tuhod ko.



Napaisip ako ng malalim habang nakahiga sa kama. Sana ay maging maayos ang lahat bukas at maganda ang araw na darating. I hope makapagpahinga ako nang maayos ngayong gabi at mawala ang pagod at takot na nararamdaman ko. Hindi ko talaga ine-expect na sa isang iglap wala ng buhay si Sidrop. Sino kaya ang pumatay sa kanya? Yung kapatid kaya niya na nagpapanggap na tindera? Kasi  feeling ko may binabalak talaga siyang masama nung mas inuna niyang pagsilbihan si Sidrop kaysa sakin kanina.



Nakatulog ako pero mga  1 hour lang. Bwisit kasi may kumakatok sa pinto. Pero baka si Asam toh kaya pinagbuksan ko na.



"Too lazy to open, huh?" Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa babaeng kaharap ko ngayon. Bakit pa siya nagbalik? Para siyang araw, sumasakit ang mata ko kapag tinitingnan ko siya.


"Here. This is what you're going to wear tomorrow." Inabot ni Yurim sa akin ang dala niyang paper bag.
Wow!


"Naks! May uniform na ako. Ano bang section ko?" Ngumisi ako.


"Random Section."Sagot niya.


"Seriously? Doon mo ako inilagay?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Akala ko joke-joke lang niya pero mukhang hindi siya nagbibiro.


"Ahuh. But I'm not the one who put you in the Random Section. Why don't you ask your tito, that's his job." Naka-crossed arms na sabi nito.



"Si tito Seeve? Nagtatrabaho siya dito? Kailan pa?" gulat kong tanong. Wala namang sinasabi na ganito si tito ah. May kompanya ang tito ko at imposible namang nagpapart-time job din siya dito.



"So, you really have no idea?" tanong niya.


"Hindi!" malakas na sabi ko. Humalakhak naman siya sa harapan ko.


"Well, find out for yourself then." Nakangising sabi nito sakin at tsaka umalis. Inis ko siyang tiningnan habang naglalakad palayo. Haishhhh! Isa pa itong si tito. Masyadong maraming sekreto. Kung totoo man ang sinasabi ni Yurim na nagtatrabaho rin si tito dito, aba'y gusto ko na lang siyang balatan ng buhay.




*

[First day of school]



"Xin, wake up. Mali-late na tayo," Biglang ginising ako ni Asam. Hindi ko alam na umuwi pala siya kagabi? Maaga kasi akong nakatulog.


"Good morning ," bati ko habang tumatayo.


"Good morning , Xin! Maligo ka na dahil magpapa-ID pa tayo later," Sabi niya. Tumango ako at dahan-dahang bumaba. Mabilis akong nag-shower, nag-breakfast, nag-toothbrush, at inayos ang sarili ko.



"Asam, bagay ba?" tanong ko habang suot ko ang black sunglasses at white headband ko. Hindi na kailangan itanong kung maganda ako dahil matagal ko nang alam ang sagot.



"Yeah. You look cool, Xin," sabi niya. Tiningnan ko rin ang mukha niya at napansin kong ang cute pala ni Asam. Palaging positibo sa lahat ng bagay at approachable. Unlike me, who was always negative and unapprochable . I couldn't deny that, it was true.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Phyton University Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon