Chapter 1

1.2K 29 1
                                    

Keysha's POV

"Yuan, dito ka muna kay ate selene huh mag work lang muna si ate babalik ako mamayang hapon okay?" Sabi ko sa kapatid ko. He's 7 years old and iniiwan ko siya sa kapitbahay namin na si selene kapag may work ako.

"Okay po ate, ingat po sa work mo I love you po ate" hays napakasweet talaga nitong kapatid ko.

"Opo, mag iingat si ate palagi, wag maging makulit kay ate selene huh, wala kang ice cream mamaya pag uwi ko kapag makulit ka. I love you din baby brother ko" and then I kissed his cheeks. Bumaling Ako kay selene ang magbabantay muna sa kapatid ko habang nasa work ako. Selene Ramos is Beautiful and mabait, nag aaral din siya pero high school palang.

"Selene ikaw na muna bahala kay yuan huh, balik ako dito mamayang hapon. Thank you ulit huh, sa pagbabantay sa kapatid ko kapag may work ako." Sabi ko

"Ano kaba ate Keysha wala yun, para ko naman na kasing kapatid din si yuan, tapos ang cute cute niya pa kaya okay lang, kahit nga wag mo na siya kunin dito sa bahay okay lang eh ako na bahala sakaniya haha"

"Ikaw talaga selene Haha, sige na una na ako male-late na ako sa work ko. Bye Yuan magpakabait Kay ate selene huh?" He nods at me
"Salamat ulit selene huh, una na ako bye." At umalis na ako baka kasi malate pa ako sa work ko bawas pa yun sa sahod ko.

Ako nga pala si Keysha Allison Garcia 19 years old and yun namang kapatid ko si Yuan Lester Garcia 7 years old, wala na kaming mga magulang namatay sila dahil sa isang aksidente, kaya kami nalang ng kapatid ko ang magkasama sa buhay.

Mag c-college na pala ako this year, natanggap ako bilang scholar sa Ashford University, ang pinakakilalang University dito sa Pilipinas. Hindi naman sa pagmamayabang pero matalino naman ako. Ako yung Valedictorian saamin nong high school, kaya after ng graduation namin ay nag apply agad ako ng scholarship sa Ashford University at nag entrance exam, sa awa ng diyos ay naipasa ko ito.

Kaya ito habang bakasiyon palang ay nag part time job muna ako bilang waiter sa Laurent's coffee shop para may pang allowance ako sa pasukan at para may pera kami ng kapatid ko para sa pangkain namin sa araw- araw.

*******

~(Laurent's coffee shop)~

Pagkadating ko nga sa coffee shop ay nagtrabaho agad ako, marami rami na din kasi yung mga customer.

Habang nagpupunas ako ng mesa ay may biglang pumasok na babae matangkad, at maganda ay hindi pala word na maganda pwedeng i-describe sakaniya kundi isang Diyosa, Oo Diyosa sa sobrang ganda. Halos lahat lahat ata ng nasa loob ng coffee shop ay napatingin sakaniya, sino ba naman ang hindi eh ang ganda ganda niya.

Natigil lang ako sa pagtitig sakaniya ng tinawag ako ni Trina Tuazon, ang cashier dito sa coffee shop. Ka age ko lang siya at mag aaral din ng college ngayong darating na pasukan.

"Bakit?" Tanong ko sakaniya.

"Kunin mo na order ni miss, naghuhugas pa sila kurt sa loob kaya ikaw na muna ang kumuha ng order ni ma'am." Wala pa kasi yung dishwasher namin dito, late siguro. Hays, kahit ayoko man kasi nahihiya ako ay wala akong maggagawa ako lang yung free naandito, napabuntong hininga nalang ako.

"Ah sige, ako na bahala" kahit sa kaloob-looban ko ay kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit.

Habang papalapit ako sa kinauupuan ni miss which is dun sa may malapit sa pinto siya nakaupo ay kinakabahan ako, pinagpapawisan na din yung kamay ko at palakas din ng palakas ang kabog ng puso ko. Busy pa siya sa Laptop niya kaya Hindi niya pa ako nakikitang papalapit sakaniya.

"G-good morning ma'am, welcome to Laurent's café m-may I take your order po?" Nauutal ako dahil sa sobrang kaba.

Nag angat siya ng tingin sakin. Napanganga ako dahil sobrang ganda niya talaga lalo na sa malapitan. Her mesmerizing eyes that has no emotion on it. The shape of her eyes is typically almond-shaped, with long and thick eyelashes that enhance their beauty. Her proportionate nose it is typically straight and slightly curve. Her natural kissable pink lips that added to her Vibrant look.

'What is it taste like if I kiss those kissable lips of her' wait whattt!!

"Are you done checking me out, Miss?" She said coldly.

Nabalik ako sa katinuan ko ng magsalita siya. What the hell, did I just check her out omyghaaddd!!

"I'm s-sorry ma'am, what's y-your order po?" Nakakahiya sh*t!!

"1 Americano" she said coldly, while staring at me intently.

"Is t-that all ma'am??"

"Yes" she said and look back again to her laptop.

"T-thank you for your order ma'am. Your order will be out shortly. I-is there anything else I can assist you with m-ma'am?"

"Nah, I'm good" hays ang cold talaga, pinaglihi ata siya sa yelo, maganda nga ang cold naman tss.

"O-okay po, just call me po if you need anything" she just nod at me and then I left to her table.

Pagkaalis ko nga kay miss ay pumunta agad ako sa counter para sabihin yung order niya.

"Nakita ko yun, grabe ka kung tumitig kay miss ganda haha." Trina

"Gaga, hindi kaya" issue talaga nito ni Trina kahit kailan.

"Anyway, malapit na pala pasukan next week na, nakabili kana ba ng mga school supplies mo?" Oo nga pala di pa ako nakakabili, wala pa kasi akong sahod, sa sabado pa  ibibigay, Thursday palang ngayon.

"Hindi pa nga eh, baka sa linggo  makabili na ako, sahod naman na natin sa sabado eh at day off din natin sa linggo."

Habang ngakukuwentuhan kami ni Trina, hindi ko mapigilan mapatingin sa gawi ni miss ganda. Nang tumingin ako sakaniya ay nakita ko siyang nakatingin din sakin, iiwas na sana ako ng tingin ng irapan niya ako.

'gagi problema non, baka paikutin ko yang mga mata niya sa ibang paraan eh.'

'What the hell I am thinking'

"Si yuan kamusta na pala, di mo na dinadala dito yung cute na bata na yun. Porke't pinipisil namin palagi yung pisngi niya hindi mo na dinala dito hmph." Napatawa ako. Dinadala ko kasi dito si yuan dati kasi walang mag babantay sakaniya, sinabihan ko lang na magbehave at wag makulit dahil baka mapagalitan kami ng manager nitong coffee shop na si ma'am Olivia na medyo may pagka strict.

"Hindi ko na dinadala namumula na yung pisngi niya dahil sainyo, mga walanghiya kayo kawawa yung kapatid ko." Tumawa siya. Paano ba naman kasi nung pag uwi namin nun, pulang pula yung pisngi ni yuan kakapisil nila.

Napatigil lang kami sa pag ku-kuwentuhan ni Trina ng tinawag ako ni kurt, sinabi niya saakin na okay na daw yung order na Americano at i-serve ko na daw. Hayss mapapalapit nanaman ako kay miss sungit anubayan, kumakabog nanaman tuloy ng malakas yung dibdib ko, may sakit na ata ako sa puso.

Busy siya sa Laptop ng papalapit ako.
"H-here's your order ma'am, enjoy po!" Then I smiled at her. She look at me.

"Next time, focus on your job. It's time of your work, so stop flirting while your on duty." She said coldly and kinuha yung order niya at lumabas na ng coffee shop.

'What the hell, me flirting?? When!" Problema non, Ang ganda ganda nga napaka sungit naman, napagkamalan pa nga akong lumalandi tss. Wala naman akong ginagawa sakaniya ng masama kung makaasta siya parang magkakilala kami. Sana di na kami magkita, wala akong pakialam kahit diyosa pa siya napakasungit niya naman.

The Cold Goddess Professor Where stories live. Discover now