Chapter 2

715 25 4
                                    

Keysha's POV

Alas singko pa lang ay gising na agad ako, dahil first day of school ngayon. Inagahahan ko talaga pag gising ko dahil kukunin ko pa yung ID at schedule ko sa Registrar Office. Dahil nga may pasok na ako ay iiwan ko si yuan kay nanay Sally yung nanay ni Selene, hindi pala siya napakilala ni author sainyo nong nakaraan Haha.

(A: sorry na nakalimutan ko😭😭 indi naman kasi ako perfect na ferson🙄)

May pasok na din ngayon si Selene kaya kay Nanay Sally muna si Yuan. Okay lang naman kung iwan ko muna sakaniya si Yuan, dahil parang pamilya narin daw yung turing nila saamin ni Yuan, kaya nagpapasalamat ako sakanila dahil kahit papaano may magbabantay kay Yuan kapag wala ako.

Nagluluto ako ngayon ng breakfast namin ni Yuan. Itlog at hatdog ang niluluto ko at nag sangag din ako ng tira namin na kanin kagabi. Pagkatapos ko magluto ay kumain na kami ni Yuan.

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako ng mga pinagkainan namin, at pinaligo ko na si Yuan marunong naman na siya maligo mag-isa kaya wala na akong problema magpaligo sakaniya. Pagkatapos maligo ni Yuan ay naligo na din ako. Nagsuot lang ako ng white oversized t-shirt, baggy pants and white shoes. Wala Naman proper uniform sa Ashford University kaya okay lang kahit anong suotin basta wag lang yung napaka revealing na damit.

(Keysha's outfit above)

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sa maliit namin na sala. Nakasuot siya ng black na t-shirt, black short and trail sandals na black.


(Yuan Outfit)

(Photo not mine!! Ctto)

(Author's note: siya narin po yung portrayer ko kay Yuan☺️)

"Wow ang pogi talaga ng baby brother ko, pakiss nga si ate." And kiniss niya ako sa cheeks. Ganto talaga ako ka sweet sa kapatid ko, kaya kong gawin lahat para sakaniya siya nalang kasi ang mayroon ako.

"Halika na ihahatid na kita kila Nanay Sally, magpakabait okay?" Paalala ko.

"Yes ate, palagi naman ako mabait eh." Napatawa ako.

"Oo na, mabait kana haha, oh ito na yung bag mo may bimpo may crackers and Chuckie kana diyan kapag nagutom ka yan yung kainin mo okay? Ito din bente baka may mga gusto ka bilhin Basta wag lang bibili ng junk food huh."

"Okay po ate, Thank you and I love you always."

"And ate love you so much Yuan" then I kissed him sa cheeks.

"Tara na, hatid na kita kay Nanay Sally." at lumabas na kami ng bahay, nilock ko na din yung pinto.

After ko maihatid si Yuan kila Nanay Sally at magpasalamat sa pagbabantay kay Yuan ay umalis na ako at sumakay sa jeep. Pagkababa ko ng jeep ay maglalakad pa nga Ako ng mga ilang metro bago makadating sa mismong university, hindi na kasi nakakapasok dun yung jeep.

Habang naglalakad ay nagulat ako ng may biglang humarurot na magandang kotse sa gilid ko kaya muntik na ako mahagip at muntik ko ng ikatumba.

"Buwisit yun ah, hindi niya ba nakita na may naglalakad dito sa gilid ng daan, hayss kaasar." Tinignan ko yung plate number niya.

The Cold Goddess Professor Where stories live. Discover now