Chapter 3

659 27 2
                                    

Keysha's POV

"Good morning" she greeted us in a very cold voice.

Tumayo kami at binati namin siya

"Good morning Professor Villareal" I mean sila lang pala, nakayuko lang kasi ako at di makatingin sa unahan.

"First of all, for those who don't know me, I'm Professor Samantha Zane Villareal, you can just call me Professor Villareal nothing else, do you understand?" tumango kami sakaniya.
"I will be your professor in History and Theory of Architecture 1 throughout this semester. Get a 1/4 index card and write your name. Once I call your name later introduce yourself infront of the class, state your name, age, and your expectation to this subject. I'll just going to grab something from my office. When I come back, pass your paper to me understand?" tumango ulit kami sakaniya at habang sinasabi niya yun ay inilibot niya ang tingin saamin at tumigil yung tingin niya saakin bago siya lumabas ng room.

'gagi, pinakaayaw ko pa naman ay introduce yourself. Kinakabahan ako palagi kapag nagsasalita sa unahan eh'

Kumuha na nga ako ng 1/4 index card sa bag ko buti nalang bumili ako nito, ang alam ko kasi ganito yung mga ginagamit sa college kapag mag papa-recitation kaya bumili na ako kahapon. Paglabas ko ng index card ay kinalabit ako ni Stella.

"Pahingi hehe" sabi niya at binigyan ko siya ng isa, nag pasalamat naman siya pagkakuha niya ng papel. Nagulat ako ng pumunta sa table namin yung mga kaklase namin para humingi ng index card, binigyan ko naman sila isa isa nakakahiya naman kung diko sila binigyan diba. Pagkatapos ko sila bigyan ay nagsulat narin ako ng name ko, pagkatapos ko magsulat ay sakto naman pagdating ni Prof. Villareal.

"Pass your index card forward" Yan agad yung bungad niya pagkapasok sa room.

Pagkatapos namin maipasa lahat ay ni-rumble niya muna yung mga index card and then nagtawag na siya ng mga names at pinapapunta niya na sa unahan. Parang lahat ata kami kinakabahan dahil sa Professor na nakatayo sa may malapit sa pinto.

Habang may nag papakilala sa harap ay nakatingin lang ako sakaniya. Ang ganda niya talaga, kahit na ang cold ng awra niya. Habang tinitignan ko siya ay nakita ko na nakatingin lang sa mga index card na hawak hawak niya, na animo'y walang pakialam habang may nagsasalita sa harap. Kapag tapos na magkakilala yung mga classmate ko ay tinatanguan niya lang then pinapaupo niya na.

Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kaniya, kaya bago pa ako mahuli ay nag iwas agad ako ng tingin at tumingin sa nagsasalita sa harap. Pagkatapos magsalita ng nasa harap ay bumunot ulit si Prof. Villareal, kami nalang pala ni Stella ang hindi natatawag.

"Harper Stella Parker" Basa niya sa name na nakasulat sa index card.

Kinakabahang tumayo si Stella at pumunta sa harap.

"Hi everyone, I'm Harper Stella Parker you can call me Stella I'm 19 years old by the way. Ang expectations ko sa subject na ito ay ano nga ba hehe" sabi niya at napakamot pa sa ulo dahil hindi alam kung ano ang sasabihin. Napatawa naman yung mga kaklase ko pati narin ako. "Ang expectation ko sa subject na ito ay okay lang kahit tres ang grade na makuha ko at least pasado, grade's doesn't define me naman kaya gorabelss nayan hehe" Lumakas ang tawanan namin dahil sa sinabi niya.

'Gaga talaga tong babae na'to HAHAHA'

"Quiet!" Isang malamig na boses Ang nagpatahimik sa amin. Tumingin siya Kay Stella ng masama "Miss Parker do you want me to put 3 grades on your card right now?" sabi ni Prof Villareal kay Stella.

The Cold Goddess Professor Where stories live. Discover now