Chapter 02.

1 0 0
                                    

Aerwyna Blaine's POV

Nang matapos ang mga palaro ay nagsimula nang mag-perform ang mga dancers kong kaklase.

Bored akong nanonood sakanila dahil gutom na'ko. Nabuhayan lang ako nang malaman na magpe-perform si Zy kasama ang mga kaibigan niya, kakanta ata sila.

Apat sila, ang dalawa ay may dalang gitara habang si Zy at ang ka-MU ni Cres ay may hawak na microphone.

Napa-iwas naman ako ng tingin nang magtama ang mata namin ni Zy.

Shemay! Ang pogi niya talaga!

"Magpe-perform lang sila mga bhie dahil sa plus na ibibigay ni ma'am. Kilig na kilig kayo ah? Feeling haharanahin naman kayo." taas kilay na ani ni Kali bago umupo sa tabi ni Cres.

"Where ka ba galing and you're so mainit ang ulo?" tanong ni Cres na siyang ikinairap ni Kali.

"Eto kasing si Ms. Sipsip, may pa special gift pang nalalaman." She crossed her arms then pouted. "Nginitian pa siya ni -" Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang magsalita ako.

"Alam niyo, h'wag niyong masyadong seryosohin crush niyo." I paused at tumingin sa gawi nila Zy. "Wala sa highschool ang forever." dagdag ko pa.

"Ay sus, nagsalita. Akala mo naman hindi nakalimang poem para kay Zy." Iling iling na tugon ni Cres. Hinampas ko naman siya.

"Tatlo lang kaya." Itinigil namin ang pag-uusap at nanood nalang kina Zy.

Habang pinapanood sila'y ilang beses ding nagtama ang tingin namin ni Zy. I felt butterflies in my stomach, his beautiful voice along with his stares' captivating me.

"Ang galing!!" Hiyaw ng kaklase ko na may kasamang palakpak.

Hindi ko namalayang tapos na pala sila sa pagkanta.

"Sa girls ba, walang kakanta? H'wag niyong sabihin na magpapatalo kayo sa boys?" Hindi ko na pinansin ang tanong ni ma'am at uminom nalang ng tubig.

Gutom na'ko, gusto ko nang kumain.

"Aba'y hindi po, kakanta po si Blaine. 'Di ba Blaine?" Muntik pa akong mabulunan sa sinabi ni Kali.

"Hoy hindi ah! Wala po akong sinabing kakanta ako ma'am." Hinampas ko naman siya ng mahina.

"Sige na Ms. Gregorio, hindi tayo kakain pag 'di ka kakanta." What?!

Pati ba naman si ma'am? Bakit parang lahat nalang na nasa paligid ko'y mapilit?

"Ay nako po Ma'am, hindi niyo po mapipilit si Blaine nang ganiyan." umiling-iling si Cres bago magsalita u lit, "pero papayag po 'yan kung duet sila ni Zyrus." aniya na naging dahilan upang tuluyan akong masamid.

"Yes Ma'am, papayag 'yan kung duet sila." ani ni Kali't nag-thumbs up kay Ma'am.

"Ganoon ba? Aba'y sige, simulan niyo na nang makakain na tayo." turan ni Ma'am.

Inabot naman sa'kin ni Tyron, bebe ni Cres, ang microphone na hawak niya. Alangan ko itong tinanggap at lumapit kay Zy.

Nakakahiya talaga 'tong mga kaibigan kong 'to!

"Anong song gusto mo kantahin Blaine?" Nabaling ang atensyon ko kay Zy sa tanong niya.

"Ikaw, ako gusto mo?" tugon ko sa tanong niya.

"What?" gulat niyang saad.

Huh? May sinabi ba 'kong mali? Tinanong ko lang naman siya kung ak-

"Ah, sabi ko 'ano gusto mo?', ikaw na pumili ng kakantahin natin hehe." Nakakahiya!

"Hm, sige." aniya.

Nang makapili ng kanta ay tinanong niya naman ako kung alam ko rin 'yon, at mabuti nalang ay kabisado ko ang kanta na 'yon dahil isa rin ito sa mga paborito ko.

Matapos naming kumanta ay napuno ng hiyawan ang classroom, at syempre, ang mga traydor kong kaibigan ang nangunguna.

"Wooh! Galing ng ZyLaine!"
"Lumalayag barko ko, sana all!"
"Isa pa!"

Magsasalita na sana si Ma'am nang may narinig kaming pagtunog ng tiyan.

"Oh siya, kumain na tayo at mukhang gutom na gutom na si Mr. Celerio." Natawa naman kami sa sinabi ni Ma'am habang si Tyron ay nag-peace sign lang.

Habang kumakain ay nagku- kuwentuhan kami nina Kali, Cres, at kasama narin sina Tyron at mga tropa nito. And si Zy, magkatabi kami.

"Blaine, do you like shrimp?" Biglaang tanong ni Zy.

"Ah oo, bakit?" Napatingin ako sa plato niya, sa gilid nito ay nilagay niya ang shrimps na pinili niya pa mula sa pansit.

"Gusto mo sa'yo na?" aniya.

"Hindi ka kumakain ng hipon?" takang tanong ko.

Umiling-iling siya bago sumagot, "allergy" aniya't nilagay sa plato ko ang shrimps mula sakanya.

Napatango-tango ako.

"Thank you." pasasalamat ko, nginitian niya lang ako't kumain na muli.

───────

Matapos ang kainan ay nagsimula nang mag-exchange gift.

Tuloy tuloy ito hanggang sa matigil nang malaman na nabunot pala ni Cres at Tyron ang isa't isa.

"Sino pa hindi nakapag-exchange gift?" tanong ni Pres.

May iilang nagtaas ng kamay at isa na'ko ron.

"Blaine, ikaw na." Tumango ako at agad na kinuha ang gift ko sa table at inabot iyon kay Zy.

Laking gulat ko nalang nang sa'kin din ibinigay ni Zy ang regalo niya.

Megesh, what's this? exchange gift with crushie?

"Ay wow! Ano 'toh? Couples exchange gift? K. Bye." ani ni Kali at umirap.

"Malay mo, kayo rin ni Ms. Sipsip." Natawa naman kami sa sinabi ni Cres, ngunit si Kali ay bumusangot lang.

"Kali, for you." Napalingon naman si Kali sa likod nang may nag-abot sakaniya ng paper bag.

"I-ikaw nakabunot sa'kin?" gulat na tanong ni Kali kay Pres.

"Hindi, I just wanted to give you a gift." nahihiyang tugon ni Pres.

Ang kaninang nakabusangot na Kali ay nawala, ngayon siya'y may malapad na ngiti sa labi at namumula ang pisngi.

"Pasensya na ah, sisirain ko moment niyo 'teh." Nabaling ang atensyon namin kay Fabi na ngayo'y nasa harap namin. "Oh heto 'teh, ako nakabunot sa'yo." aniya't inabot kay Kali ang regalo at agad ding umalis.

"May natanggap na ba lahat?" tanong ni Ma'am at nag-'opo' naman ang lahat.

"Maari niyo ng buksan ang mga natanggap niyong regalo."

Tinignan ko naman si Zy na nagbubukas sa regalong bigay ko sakanya.

"Zy, okay lang ba gift ko?" Tumango naman siya sa tanong ko't ngumiti.

"Ikaw, 'di mo pa bubuksan 'yan?" aniya't nginuso ang regalo mula sakanya.

Hoodie rin ito, cream ang kulay.

"Ay ano 'yan? Couple hoodie? Taray!" Asar ni Kali.

"Wow, kinilig kalang nang-aasar ka na?" Natahimik naman siya sa sinabi ko't namula.

"Kayo ha! Baka may something na kayo na 'di namin nalalaman?" Inirapan ko nalang si Cres dahil sa pang-aasar niya.

───────
@sagemprss.

The Un-Sinked Ship [Vleamora Series - Book 1]Where stories live. Discover now