Dedicated to; Ate Je/Thea
3 years later...
Mahigit tatlong taon na ang nakalipas, higit tatlong taon narin kaming naging magkaibigan ni Zyrus.
"Blaine!" Tawag sa akin ni Zy sa 'di kalayuan.
"Oh? Bakit?" Tanong ko nang makalapit siya.
Imbes na sagutin ang tanong ko'y agad niya akong hinila.
Napatingin ako sa kamay namin.
Holding hands ba this?
"Hoy! Saan ba tayo pupunta?" Ba't ba siya nanghihila?
"Kina aling Marta." sagot niya.
"Kay aling Marta lang pala, eh ba't ka naghihila?" irita kong saad.
Kasi naman, nag-assume pa akong dadalhin niya ako sa date o 'di kaya sa bahay nila then ipakilala ako sa parents niya bilang girlfriend.
Assuming ka talaga Blaine!
"Wala lang." Eh?
Binitawan niya ang kamay ko nang makarating kami sa karenderya ni aling Marta.
"Order ka, libre ko." aniya.
"May kailangan ka 'no kaya't nanglilibre ka?" Bihira lang 'to manglibre e.
"Wala ah, gusto lang talaga kitang ilibre ngayon." tanggi niya.
Agad ko siyang tinaasan ng kilay.
"Wala nga."
"Okay."
Agad kaming nag-order at umupo sa usual spot namin nina Kali't Cres.
Mabilis dumating ang order namin sapagka't madalas kaming kumakain dito.
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.
Awkward.
"Ahm... 'di ba kilala mo si Nyxie Gremory?" basag niya sa katahimikan.
Pa'no niya nakilala si Yam?
"Ah oo, bakit?" takang tanong ko.
"Can I ask you a favor?" nahihiya niyang ani.
"Sabi na 'e, may kailangan ka. Sige, ano 'yon?"
Maging girlfriend mo ba? Sure. Kidding.
"Can you set me up a date with Nyxie, please?" aniya na nagpatigil sa'kin.
So, gusto niya si Yam?
Lol, sa akin pa talaga siya nanghinge ng favor?
Manhid mo naman Zy.
Manhid nga ba o 'di ka lang talaga niya gusto?
"Sure. K-kailan ba?" Pilit ko siyang nginitian.
"Sa Saturday sana, and if pwede na secret lang na ako im-meet niya?"
Sa tingin ko'y wala namang masamang motibo si Zy, baka mag-ex sila kaya secret lang.
"Sige, chat nalang kita pag napapayag ko na si Nyx."
"Salamat Blaine."
"Always."
───────
Sabado ngayon, at ngayon ang araw na magm-meet si Yam at Zy.
[Hello Yam, napatawag ka?]
YOU ARE READING
The Un-Sinked Ship [Vleamora Series - Book 1]
Short StoryA lost ship- zylaine. Vleamora Series is a set of books dedicated to those who were part of the Vleamora siswriterhood. Each book tells a different story for each member. Book 1 is about the story of Blaine, the founder of the hood. Date Published:...