PROLOGUE

4 2 0
                                    

“Huwag ka na magtago pa Agustin, makikita pa rin kita!”

“Isa, dalawa, tatlo, labas ka na aking mahal! Labas ka na yohoo!”

“Agustin ano ba!”

“Ayaw mo talaga lumabas? Pwes papalabasin kita!”

Napahalukip-kip ako dahil sa inasta ng multo na ito. Ayaw talaga akong tigilan kahit nakakabanas na pakinggan ang kaniyang boses. Nakasilip ang isang mata ko sa labas ng aparador dahil nandito ako nakatago upang hindi niya ako makita.

Nakita kong magulo na ang aking mga gamit. Gusto ko man magalit ngunit hindi ko magawa.

“Bolaga!”

“Ahhhhhhhhhhhhhh!” napasigaw ako dahil sa gulat.

“Sabi ko naman sa iyo na makikita pa rin kita kahit hindi ka lumabas!”

“Tama na! Ayaw na kitang makita dahil ginugulo mo lang ang buhay ko!” sigaw ko ngunit bigla na lang ako nagulat sa aking paglutang.

“Hindi kita ginugulo! Mahal kita kaya ayaw kitang tigilan. Please just love me back, Agustin!”

Ano ba pinagsasabi ng multo na ito sa akin?

“Hindi kita kayang mahalin dahil isa kang multo! Bahala ka dahil hindi kita magugustuhan, never in my life!” sigaw ko at ginulo ang aking buhok habang nakalutang pa rin.

“You will love me back and that's my order, Agustin Sanchez!”

God, please help me to escape in this crazy ghost!

“Hindi kita kayang mahalin, okay? Patay ka na kaya tumigil ka sa kakasabi mo!” sigaw ko sa kaniya ngunit bigla na lang napataas ang aking paglutang na ikinagulat ko.

“Ano ba! Ibaba mo ako ngayon dahil may lakad pa ako!” sigaw ko.

“Never in my life! Just love me the way I love you!” sabi nito sa akin kaya napabuntong hininga ako.

“Bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip, okay?” sabi ko sa kaniya. Kahit kailan hindi ko siya mamahalin dahil isa siyang multo. Never love the ghost that can't be alive.

“Hindi pwedeng mag-iisip ka pa, okay? May isa akong paraan para may kasunduan tayo!” sabi nito sa akin na ikinangiti niya.

Napatampal na lang ako sa aking noo dahil sa kung ano ang pumasok sa utak ng multo na ito.

“Ano naman iyun, aber?” tanong ko.

“May contract ako para sa iyo. You need to sign whether you like it or not and that's my order, Mr. Agustin Sanchez!” nakangiting sabi nito na agad ko naman ikinangiwi.

Multo na nga, may pa contract pang nalalaman! Gudness! Paano ko ba tatakasan ang isang multo na ito for my life's freedom?

GHOST LOVE CONTRACTWhere stories live. Discover now