Agad akong napatayo at gulat na napatingin sa kaniya. Nilibot ko ang tingin sa buong lugar at iba na nga ito. Hindi 'to ang kwarto ko! Parang medieval age pa 'tong design na 'to eh. Napalayo ako sa kaniya nang makita ang suot niya.
What the fuck is happening? Napatingin rin ako sa suot ko. Katulad nang sa kaniya. What the actual fuck is happening right now? Gulong-gulo ang utak ko at hindi maproseso ang mga nangyayari sa paligid.
"Calm down" napatingin ako sa kaniya. She's smiling widely and it's creeping me out. Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid.
"How can I calm down!? Nasan tayo!?" Maayos ang postura niya. She's standing there holding her abaniko or something. Tinitingnan niya ako ngayon na para bang hindi niya nakikita ang pagkalito, gulat at panic sa akin.
"If your father will hear all of this commotion? He'll surely put you back in the court" natigilan ako at tiningnan siya ng mabuti. Nasaan ba ako ngayon?
"Nasaan tayo?" She leans closer to me and holds my arm before dragging me into the big mirror. She stood beside me and smiled. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ko.
"This is not me! Ibalik mo ako sa katawan ko!" I shrieked. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at tiningnan siya. "Ano bang kailangan mo sa'kin ha!? Why did you bring me here!?" Wala akong magawa. Hindi ko siya masaktan.
"You are Athanasia Thalia Antoinette Caventry. You should act accordingly on how she acts" nawala ang ngiti niya at seryoso na siyang nakatingin sa akin. What the freak!?
"No! I want to go home!" Lumayas ako sa harapan niya at bumalik sa desk kung saan niya ako ginising kanina. Natigilan ako dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin.
Binalik ko ang tingin kay Maria Jessi na nakatayo pa rin sa harap ng salamin. Masamang tingin ang binigay ko sa kaniya pero hindi siya natinag at nanatiling nakatingin lang sa akin.
Bakit sa rami ng tao, bakit ako pa ang napili niya? Ano bang kailangan niya sa akin? Sino ba talaga si Maria Jessi Iverson na 'to? Ano ba ang mga kaya niyang gawin? Akala ko isa lang siyang karaniwang tao. Paano niya ako nadala dito?
"You are the villainess in this story. You need to live as Athanasia and you don't have any rights to refuse this. Stay in your character and don't get lost" lumapit siya sa akin.
Hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatingin sa kaniya habang naglalakad siya ng puno ng elegante papunta sa akin. She reached for my hand and put a bracelet on my palms.
"Don't lose this. This will be your guide inside the novel" napatingin ako sa bracelet. Wala namang kakaiba dito. It was made of gold and it has a carving of a crescent moon, it also has a jade on it.
Sunod kong narinig ang pagkatok sa pinto. "You already finished the novel so I hope you'll do it well" nagtatakang tumingin ako sa kaniya. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakasuot ng pangkasambahay na kasuotan.
"Mahal na prinsesa, kayo po ay pinapatawag na ng inyong ama sa kaniyang tanggapan" nakayukong sabi nito. Sunod siyang napalingon sa direksiyon ni Maria Jessi at yumuko "Pagbati po ng magandang araw sa inyo, Reyna Catherine" yumuko pa siya ng isang beses bago lumabas.
"Before I leave..." Napatingin ako sa kaniya. "I know that you know what is destined to your character and I want you to avoid that tragedy" taka akong napatingin sa kaniya. Marami nang gumugulo sa isipan ko at lalo lang niyang dinadagdagan ito.
"Bakit mo ba kasi siya pinatay?" Inalis niya ang tingin sa bintana at napatingin sa akin.
"Once you failed the game is over. You'll die instead of her even if you're not a character in this novel" lalo akong naguluhan.
BINABASA MO ANG
As the Villainess
General FictionWhat if you enter the world that you never expected? It's purely made out of boredom. This story will be super duper light only. No intense scenes. No fighting. (Tinamad na akong pahabain pa ang story)