Chapter 3: The Girlfriend

3 2 0
                                    

"Athanasia, I can't go to the practice since I don't feel well" pinuntahan ko siya sa mansion nila at naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya habang may telang nakalagay sa noo niya. Napahinga ako ng malalim habang nakatayo sa gilid ng kama niya.

Napa-ubo siya habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Oo nga pala, nakasulat sa nobela na nakisama na lang si Athanasia sa mga kaibigan niya dahil may sakit si Valentina. Sinulat ito ni Maria Jessi dahil kung sakaling nakapunta si Valentina wala na ang scene nila ni Audley.

"Get well as soon as possible, Valentina, I don't know what to do when you're not around" rinig ko ang mahinang pagtawa niya. Ngayon ang scene nila Athanasia at Audley ay kailangan ako ang gumawa sa part ni Athanasia.  Kakainis kahit gustuhin ko mang huwag na lang sumipot sa practice o di kaya ay wag na lang magpakita kay Audley ay kailangan ko pa ring gawin 'yun.

Habang papunta ang karwahe sa isang private park kung saan kami magpapractice na siyang pagmamay-ari rin ng isa sa mga kaklase namin. Nakalagay ang siko ko sa bintana habang ang mukha ko naman ay nasa palad ko. Walang mga buildings rito at hanggang tatlong palapag lang ang pinakamataas dahil puro gawa naman sa kahoy ang mga kabahayan.

Ang kastilyo na inuuwian ko ay matagal nang nakatayo. Ang sabi sa nobela ay marami na ring napagdaanan ang kastilyo na 'yun at ilang taon rin daw 'yun pinagawa. Kaya mas gusto ng mga mamamayan na gumamit na lang ng kahoy instead of blocks dahil mas madali makagawa ng gusali kapag ito ang gamit at tsaka hindi rin madaling makahanap ng batong maaaring magamit sa construction.

Nakita ko an ang napakalaking gate. Is this even still a park? Bumukas ang napakalaking gate a tumambad sa amin ang iba't ibang klase ng puno, may fountain rin na may statue ng isang hari, may luxurious swing rin and a gazebo na super malaki kung saan makakapasok ang sariwang hangin.

Bumukas ang karwahe nang nasa harapan na kami ng gazebo. Nang bumukas ang pinto ay nakita kong nakatayo na rin ang guwardiya sa labas nito. Humakbang ako papalabas ng karwahe at agad naman nitong nilahad ang palad niya para alalayan ako pababa. Nilibot ko ang tingin sa paligid at hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa mga nakikita ko.

Tiningnan ko ang guwardiya. "Bumalik na lang kayo rito mamayang hapon. Ipapatawag ko na lang kayo mamaya sa isa sa mga binibining kasama ko" yumukod ang guwardiya bago sumakay ulit sa karwahe at umalis. May dalawang babae akong kasama at tahimik lang sila sa gilid.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. "You may stay there" tinuro ko ang mesang may apat na upuan. Nabanggit sa kwento na may maghahanda rin naman ng pagkain para sa kanila. Yumukod ang dalawa bago nagsimulang maglakad papunta sa mesang tinuro ko.

Nang maiwan akong mag-isa ay nilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Napakaganda talagang tignan ng paligid. Amaze na amaze ako dahil wala ring polusyon dito. Hindi ganun kainit kahit pa halos balot na balot na talaga kami ng mga suot naming damit.

Naglakad-lakad ako at nakita ko ang group of dancers. From what I've read, ito yung grupo nila ni Audley. Nandoon siya sa kabilang side dahil hindi niya na naman kaclose yung mga kaklase naming kasama nya sa grupo. Pinili niya 'yun dahil hindi naman daw siya mahilig kumanta at sumayaw ng may kapareha.

"A pleasant morning, Lady Eloise" ako ang unang bumati sa kaniya na ikinagulat niya. Palagi siya ang unang kumakausap kay Athanasia dahil gusto niya ring makipagkaibigan rito. Direct descendants sina Athanasia, Margaux at Audley habang ang iba naman ay may mga dugong bughaw rin naman kaso mas mababa lang ang mga ranggo nito sa tatlo.

Gustong makipagkaibigan ni Eloise kahit alam niyang ilap sa tao si Athanasia hindi lang dahil mahiyain ito kung hindi dahil na rin sa safety niya. "A-a pleasant morning to you too, Princess Antoinette" ngumiti ako sa kaniya. Yumukod pa ito ng saglit bago tumingin ulit sa akin.

As the Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon