Trese

559 22 1
                                    

Matteo's POV

•••***•••

" congratulations!! Good job Doc Matteo!!" Masaya ako at may isang pasyente na naman kaming nabigyan ng extension ang buhay. Mahirap ang maging isang doctor. Nakasalalay sa kamay mo kung madudugtungan pa buhay ng pasyente mo o hindi. .

" where are we celebrating?!" Tanong sa akin ni Doc Arnold, he's been a long time friend na din. Mas nauna lang ito sa akin ng ilang taon.

" Gusto ko matulog" sagot ko na ikinatawa nya!

" kj naman nito! Haahahaha! Tumatanda na ba?"

" well I guess so. . Nagluto kasi si Mama, sa bahay. So uuwi ako, dahil miss ko na luto ni mama ko. "

" mag asawa ka na! Para naman may uuwian kang bahay at asawa na syang magluluto sayo! "

" hahahah.. we'll see. Baka i-consider ko yan, "

" wala akong nababalitaang nobya mo. At wala ka ding ipinapakilala sa akin. May hindi ba ako alam?? "

" i better not say a word . Hindi pa ako sinasagot-

" ohh this is new!!!! Ikaw??!! Hindi sinasagot??!! Well , i want to meet this woman! Iba sya ha!! The likes of you- hindi pa sinasagot??!!"

" hahahah but it's true! Anyway, hindi din ako handa na ipakilala sya sa inyo, baka mapurnada. ."

" hahahah!! as long as she's making you happy, ok na ko dun. Im your friend bro, and all I want is for you to meet your The One, para mag settle down ka na! And i hope marunong magluto gaya ng luto ni mama mo!"

" marunong naman ata magluto, di lang kasing sarap ng luto ni mama.. but who knows, .. soon .. hug my inaanak for me ha! "

" sure pare!! "


It was an eight-hour open heart surgery, and I must say ,I have a great team! Im thankful , im blessed , and I feel proud of myself as well..


" hello Ma.. " every after surgery, I always make sure to call Mama..


" kumusta ang anak kong doctor? "


" ma , successful po ang operasyon"

" ang galing naman!! Dasal ko na palagi kang gabayan at nang gayon madami pang pasyente mo ang madugtungan ang buhay.. "

" pauwi na ko dyan Ma.. excited na ko kumain ng mga pinagluto mo"

" aba eh bilisan mo. Ingat sa pagmaneho. . "

" love you Ma!! See you!!"

" love you too.. "


Mabilis lang ang naging bihis ko, dahil excited na din ako umuwi nang bahay. . im always excited na ikwento kay Mama , ang mga nangyari sa loob ng operating room. Excited akong ikwento na successful ang operasyon!!

" good afternoon , doc" bati sa akin ni Sarah. She's not looking at me, at nakatutok lang sa hawak nitong chart ang kanyang mga mata..


" busy?"

" uhm.. oo"

" i see.. kanina ka pa nagduty?"


" sinalo ko sched ni Eivan. . May kailangan syang i-process"

" what time ka uuwi?"

" ahm - i dont know yet-" nagtaas ito ng tingin saka nagsalita. "Congrats pala, ang galing mo daw sa OR kanina , kwento nina doc Arnold.. "


CuoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon