Sarah's POV
•••***•••
" poks" si Eivan. Lumapit ito sa akin saka naupo katabi ko. Pareho kaming nightshift ngayon. Straight na apat na gabi kaming duty.. "alam mo ba latest?" Tanong nito with matching hand gesture pa na kala mo nagsasayaw ng pakiring!
" hinde. Ikaw lang ang updated sa mga chismis dito sa ospital. Kaya wag mo na ko tanungin at i-splook mo na yan!"
" grabe naman 'to kung maka sabi ng hinde! Wagas bes!! Wagas!!"
" dami pa kasing ek ek, di na lang i-splook agad."
" well , eto na nga, may bago tayong doctor- "
" aside dun sa crush mo sa ER??"
" uhm - yup! Well aside sa crush kong si Doc Sigmund na cute cute talaga!! Lalo na yung baby dimple nya!! Hayyyyy plus yung kanyang eyes, lips, nose , -
" sya pa ang pagchichismisan natin?" Basag ko sa ilusyon nito! Feeling ko kasi di na nya matutuloy pa ang chismis dahil crush nya na paguusapan namin
" basag trip ka talaga! So eto na nga , may bago nga. Actually, nagbabalik lang naman daw. At ang chika eh, magaling daw ito. Pinipirata nga ito ng ibang ospital pero itong ospital pa din pinipili at binabalik balikan!!"
" and .. "
" and yun na nga. Beauty and brains daw ito pok!! Take note, nasa early thirties pa lang daw ito, at super successful na sa field nya! "
" so babae pala ito - - ano pa??"
" Super rich din daw ito! At nung family nya! Actually, sya yung unica hija ni Doc Mendoza-
" yung medical director natin??" Tumango ito. "Eh kaya naman pala itong ospital pinipili..,for sure, sya na susunod na magiging medical director-
" at hindi yan ang climax ng chika ko. "
" ok , so nasa middle part pa lang tayo ng chismis? Tama ba??"
" yup!!"
" eh bakit antagal mong chumika!"
" hahahaha! Kasi nga may mga parts ang story, dapat full! Wag ka ngang atat!!"
" go na kasi! Dami pang adlibs eh!"
" so ito nga si Doc Friya, single, -
" kanina mo pa nasabi yan-
" Ex fiancé' ni Doc Matteo . " direktang sabi nito.
" ow.. " yun lang talaga ang nasabi ko. Like, literally , yun lang ang word na lumabas sa bibig ko.
" close sila nina Ging.. and ng mama ni Matt. Minsan din pala sya nagsstay sa bahay nila, since ang chika ay, yung bahay nina Doc Matt, was supposed to be ay magiging bahay nila pag once nagpakasal na sila. Ito ay chika lang ha, di ko naman natanong si Ging about dito. Or si Tita, lalo na si Doc. . And yun na nga, yung room "daw" ni Doc Matt sa bahay, ay yung room nya din nung andun pa sya nakatita. Again, chismis lang ito. No confirmations pa . So - -"
" eh di wow?? Yun ba ang dapat kong i-react?"
" hmmm. Well, chika lang naman ito. No confirmations on both parties. Wala bang nakwento si Doc Matteo sa yo?" Umiling ako.
" wala naman. Di ko naman sya natanong about his past relationship or ships! Tsaka awkward naman kung uungkatin ko past nya nuh. !"
" basta Poks ha, chismis lang ito. Di ito confirmed. And if ever naman na totoo - - ano nararamdaman mo ngayon??"