Napahalukipkip si Wren sa kinauupuan habang pinapanood niya kung paano lumawak ang ngiti ng bata nang makuha nito ang gustong tsokolate. Nakaupo siya sa lumang bench na gawa sa kahoy, hindi kalayuan sa stall na pinagbebentahan nito. Mahigit tatlong minuto na ang nakalipas nang magpumilit ang bata sa mga magulang nito na bilhan ito ng limited edition na tsokolate.
Sinulyapan niya ang balot ng tsokolate sa kamay niya. Wala namang espesyal sa tsokolate, matamis pa rin ito at pampasira ng ngipin. Ang pinagkaiba lang ay hinulma ito sa hugis ng sasakyan at barko. Kaya siguro maraming bata ang naakit dito.
Actually, hindi naman nakatuon ang atensyon niya sa anumang matamis na candy o chocolates na bentang-benta sa mga bata. Ang bagay na talagang pumukaw sa atensyon niya ang interaksyon ng bata sa mga magulang nito. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano magsulyapan ang mag-asawa, bumuntong-hininga, at saka suklian ng ngiti ang bata. Kahit na walang salita ang kumawala sa mga labi nila ay tila ba pinapahiwatig ng kanilang ngiti na pumapayag sila sa kagustuhan ng anak.
Kagaya ng kung paano niya panoorin ang lahat ng nangyari sa umpisa ay gano'n din ang ginawa niya nang umalis ang mag-asawa, hawak sa magkabilang kamay ang anak. Napangiti siya nang makitang humigpit ang hawak ng bata sa kamay ng magulang nito. Makaraan ang ilang segundo, inilihis niya ang tingin sa mga ito. Kung ipagpapatuloy pa niya ang panonood ay lalo lamang siyang maiinggit.
She can't help but feel envious at those kids who had their parents around. She wonders, how does it feel to feel the love and care of a mother and father?
Bumuntong-hininga siya. Ewan. 'Di niya rin alam ang sagot.
After all, hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal ng magulang niya. Sa tanang buhay niya hindi pa niya nakita ang mukha ng ama't ina nito. Base sa narinig niyang usap-usapan ng mga katulong, isang taon pa lamang daw siya nang umalis ang ama nito sa bansa.
Gustuhin man niyang malaman ang dahilan ng pag-alis nito ay malabo nang mangyari pa. Walang sinuman na nakakaalam sa mga pangyayari no'ng panahong iyon ang may balak na magsalita, at mukhang hindi na niya makikita pa ang ama para tanungin ito nang personal. Wala ring kahit na anumang larawan ng kaniyang mga magulang na nakasabit sa dingding ng bahay nila. Ang tanging bagay na pinanghahawakan niya ay ang flute na palagi niyang dala-dala at ang voice record ng isang babae.
She can't confirm if that woman's voice was really her mother's voice, because the people who live alongside her won't spill anything. Ano pa man ang totoo, alam niyang may koneksyon ang dalawang bagay na 'yon sa tunay niyang ina. That is why if she can't learn the truth from their mouths then, she'll do it. Siya nalang mismo ang maghahanap ng katotohanan. At magagawa niya lang 'yon kung makakaalis siya ng bansa. Sa pakiwari niya'y wala rito sa lugar nila ang taong hinahanap niya. She wants to find her mother, and if possible, her father too.
Nasa tamang edad naman na siguro siya para maglakbay sa isang dahuyang bansa at hanapin ang mga magulang niya. May kutob siya na kung hindi siya kikilos ngayon ay baka pumuti nalang ang buhok niya at hindi niya manlang masisilayan ang mukha ng magulang. Ayaw niyang mamatay nang hindi natutupad ang mga kahilingan niya. She doesn't want to live a life full of regrets, neither spend the remaing time of her life regretting something she should've done before the breath of life left her.
With that thougth in mind, she tossed her trash away inside a trash bin. Humans doesn't live long. We're not granted immortality to waste time doing nothing. That is why we have to seize the moment and have fun while it lasts. As we don't know excatly what will happen next... we just have to do the things we like, cherish every moment with the people we hold dear, while we still can.
"Wrennnnnnn!"
Kaagad siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nahanap niya ang may-ari ng boses sa kabilang side ng inuupuan niyang bench. Sa tabi ng fountain ng town's plaza, doon nakaupo ang isang babaeng may kulay itim na buhok. Kapansin-pansin dito ang mabulaklakin nitong bandana na nakapulupot sa leeg nito. Nakangiti itong kumakaway sa kanya. Napansin niya ang nakababata nitong kapatid sa tabi nito na kumakain ng kaparehong tsokolate na kinain niya kanina.