If there's something Wren could never get used to, it would be the attention she gains after playing the flute. Somehow, her music attracts people who listens to it. It's not her intention tho, but she can't do anything about it. There's only one solution she can think of, but she'd rather become a magnet than stopping herself from doing the things she like. Playing the flute... and yes, making kids happy.
Kasalukuyan siyang inaamag ngayon ng mga bata. Nakapalibot sa kanya ang mahigit sa pitong bata, tatlo sa mga ito ay yakap-yakap siya. Mayroon pang isang dumagdag, mas maliit ito kung ikukumpara sa iba. Mahigpit nitong niyakap ang binti niya dahilan para hindi siya makaalis sa pwesto. She can imagine herself making faces right now. Paano na siya makakaalis ngayon eh mukhang wala silang balak na paalisin siya?
These kids...
As she looked at them, their eyes glittered with admiration, be it from boys or girls. She patted their heads and smiled at them. Most of them had their lips formed an 'o'. That made her chuckle. Innocence sure is a bliss.
"Ahem."
Unti-unti niyang inikot ang ulo pakanan at do'n niya nakita ang 'di maipintang mukha ni Lily. Malamang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Palagi nalang ganito ang nangyayari, magp-perform siya, iikutan siya ng mga bata, atsaka papasok si Lily sa eksena para sapilitin siyang kunin. Lily will always help her in this kind of situation. Whether she do it forcefully such as dragging her out like the last time or she'll scare the kids. The latter was uh...
Nevertheless, she can't help but feel sorry. Alam nito na hindi niya matitiis ang mga bata kaya ang kaibigan na mismo ang gumagawa ng paraan para ihandle ang gan'tong sitwasyon. She's quite lucky to have her as a friend.
"Ahem." Napatingin ang mga bata sa likuran nila at nang makita nila si Lily ay nagsialisan ang mga ito.
Some of them even said, "Alis na tayo, narito na ang evil witch!"
Hindi iyon nakaligtas sa sensitibong mga tainga ni Lily. Her lips twitched in annoyance.
"Evil witchhhh!"
"Ahhh, tumingin siya rito!"
Binalikan nila ng tingin si Wren saka sumigaw ng, "Ate balik ka ulit dito bukas!" saka sila nawala sa paningin niya.
Marahan siyang natawa. No matter how many times she'd see it happen before her eyes, she still find it amusing. Si Lily lang pala ang makakataboy sa mga bata. And to think they have learned to call her evil witch was downright funny too. Hindi niya alam kung sino ang nagturo no'n sa mga bata. It must be someone from a rich family. Sa pagkakaalam kasi niya, ang mga batang iyon, hindi sila marunong ng wikang Ingles.
Napayuko siya nang wala sa oras nang batukan siya ni Lily. "Anong tinatawa-tawa mo dyan? Mukha ba akong nagpapatawa?" sabay turo sa sarili, "Ito ba ang mukha ng nagpapatawa?!"
"Kumalma ka nga Lily." Wren said in between her laughs. "Masyadong mainit ang ul—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang kaladkarin siya nito. Wala ring balak ang nakababata nitong kapatid na pigilan ang ate at tahimik lamang itong sumusunod sa kanila. May kutob talaga si Wren na hindi niya magugustuhan ang umiikot sa isipan ng kaibigan.
"Lily, kaya ko namang maglakad nang—"
"Shut up!"
Teka.
Sandali.
Nanlaki ang mata niya. Ito ang unang beses na narinig niya si Lily na gamiting ang linyang iyon. Sa kanilang dalawa, siya lang naman ang madalas na gumamit no'n. Kaya nang marinig niya itong magmula sa labi ni Lily... nakakapanibago. Natameme tuloy siya.