Binigyan lamang siya ni Heinrich ng isang tango saka nito iminuwestra ang kamay sa pinto. Ibig nitong mag-usap sila sa ibang lugar. Library. That's what he meant, Wren thought.
Napakaraming salita ang gusto kumawala sa labi ni Wren pero ni isa sa mga 'yon ay hindi nakalabas sa labi niya. That lady in the painting. Her breathing hitched at the thought. It was the first time she was drawn to something and there's already a hunch formed inside her head. Alam 'yon ng kaharap niya. Baka nga'y nakikita sa mga mata niya ang kagustuhan na malaman ang katotohanan.
Gustong-gusto niyang itanong kay Heinrich kung bakit ito tinago sa kanya. Na mayroon palang gano'ng bagay sa ilalim ng bahay niya. Ang buong akala niya'y pinaglalagyan lamang ito ng mga napaglumaang gamit—
She's still right at that. No matter how she looked at it, those kinds of stuff hidden in the basement were things of the past.
Subalit, mayroon pa bang ibang sektretong tinatago si Heinrich mula sa kanya? Kung mayroon man, hahayaan niya bang siya na mismo ang makatuklas nito?
No.
She was wrong at some point. Kailanman hindi ito tinago sa kanya ni Heinrich o ng iba pang katulong.
Mahina siyang umiling. Walang silang tinatago sa kanya. Sadyang hindi siya nagtanong kahit na may kutob siyang mayroon siyang dapat malaman. Mas pinili niyang hayaan ang panahon na magsabi sa kanya.
It's like the secret within the basement is tied in a box, and she waited for the strings to come undone over long periods of time.
She acknowledged her fault for not asking, but Heinrich was also wrong for not telling her.
"Patawad, Wren." Diretso ang tingin ni Heinrich sa mga mata niya. Tinapatan niya lamang ang tingin nito sa kanya at hinintay ang kasunod na mga salita. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."
"Whatever you say right now might change my mind," mariing aniya. "Sabihin mo sa'kin mula sa umpisa... lahat ng kailangan kong malaman."
--
Wren got busier the next day after Heinrich told her the truth. Nabusy ito sa pag-asikaso ng mga papeles at paggawa ng plano. She's making plans for the following months. She's preparing everything before she goes on with her new profound resolve.
Naroon din naman si Heinrich para tulungan siya subalit hindi sila masyadong nag-uusap. 'Yon nga lang, hindi siya matingnan nito nang diretso sa mata at napansin niya ang distansyang nilalagay nito sa kanya. Para lang ding wala siyang kausap sa silid, kaya pinaalis niya nalang ito.
Hindi niya masisisi si Heinrich kung gano'n ang trato nito sa kanya. Maski siya ay hindi na niya ito magawang kausapin kagaya ng dati.
They both needed space.
After all, it wasn't easy for her to digest everything she heard. Si Heinrich ang nagsilbing ama niya. Naroon siya sa mga panahon na kailangan niya ng magulang. Siya na rin ang nagpalaki sa kanya kaya hindi niya inasahan na gano'n pala kabigat ang tinatago nito. She can't fathom the idea of Heinrich hiding the truth from her.
She stretched her arms after closing a book she so tried to read but her mind wanders to something else. Napahugot nalang siya ng hininga matapos dumaplis ang tingin niya sa dalawang liham na nakapangalan para sa pinakamalapit niyang kaibigan at ang isa naman ay para sa taong hihingian niya ng pabor.
Lihim niyang pinagpapanalangin na sa oras na makarating ang liham sa kaibigan, wala na siya sa sariling pamamahay. Hindi niya kakayanin na makita si Lily na humihikbi dahil sa kanya. If she did...
Mas lalo siyang mabibigyan ng rason para hindi tumuloy.
Matapos ang dalawang araw, dumating ang bisita ni Wren. It was the same person whom she sent her second letter to.