6 2 0
                                    

Gusto mo bang sumama sa aming byahe?

Halika na at ilagay mo ang iyong mga bagahe sa likod at sumiksik na dyan—kesa naman, isiksik mo ng pilitan ang iyong sarili sa taong hindi na pwede.

Masakit di'ba?
Masakit malaman na ang iyong minamahal ay may iba ng pinapasaya,

Hindi na ikaw ang lagi niyang kasama.

Ikaw naman kasi, ba't mo pa inamin na may gusto ka sakanya?

Pwede mo namang hintayin na siya ang umamin.
Nararamdaman mo naman di'ba?

Masaya kayong dalawa noon, pero tingnan mo at iniiwasan ka na niya ngayon, dahil hindi na ikaw ang nilalaman ng puso niya.

Buti pa ang mga bituin, hinding-hindi ka bibiguin,
bubusigin ka pa sa magandang tanawin.
Hindi tulad ng kaibigan mong duwag umamin—kaya naghanap ng ibang lalambingin.

Naiintindihan ko kung bakit kanya pinalitan, dahil takot siyang masira ang inyong pagkakaibigan.

Kaya't ikaw na sana'y tumahan.
Hindi maiibsan niyan ang sakit kung patuloy mo lang itong babalikan.

Maging masaya ka na para sakanya, hindi pa huli ang lahat sigurado akong makakahanap ka rin ng taong sayo'y magiging tapat.

SulatulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon