Chapter 3

0 0 0
                                        


Chapter 3:

"Oh. Kita mo naman ang pagkakataon. Kung sinusuwerte nga naman. Nandito ka lang palang tomboy ka. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin kahapon! Lintik lang ang walang ganti!"

Tumayo ako at pinagmasdan ang galit na galit na mukha ni tabachoy. Marami siyang band-aid na nakatapal sa panget niyang mukha.

Napangisi ako ng nakakaloko.

Tingnan mo nga naman, mukhang gusto na naman gumawa ng gulo ng tabachoy na to. Di pa nakuntento, nagdala pa ng isang batalyon na halatang gustong-gusto na kaming sugurin. Lahat sila may dala-dalang mga batuta o kaya naman baseball. Tsk. Luma na ang style ng mga gago.

Napansin ko rin ang ilan sakanila na nakaband-aid rin katulad ng boss nilang tabachoy. Isa yata sila sa mga kasamang humarang sakin kahapon. Tsk. Tsk. Talagang hindi pa sila natuto. Gusto pa yatang mabugbog ulit eh.

"Oh? Talaga ba? Nandito ka para gumanti? Mukhang gusto mo pa yatang madagdagan yang mga pasa mo. Ang panget mo na nga, mas lalo ka pang pumanget."

Sabi ko at mapang-asar na tumawa.

Lumapit na rin sakin ang tatlo at hinarap ang tabachoy squad. Maangas akong tumingin at ngumisi kay tabachoy ng nanggagalaiti na sa galit.

"Ang yabang mo talagang tomboy ka! Nagtatapang-tapangan ka lang naman kasi kasama mo yang mga butiki mong kaibigan!Napakapakialamera mo pa! Sisiguraduhing kong malulumpo ka at luluhod ka sakin para magmakaawa!"

Umasim ang mukha ng tatlo ng tawagin silang butiki ng tabachoy nato.

"Aba't! Sinong butiki ha?! Sa gwapo kong 'to?!"

"Eh tarantado ka pa lang tabachoy ka! Anong butiki?! Halika rito ng magkaalaman tayo!"

"Tsk. Mga kasama mo 'yata ang tinatawag mong butiki eh. Heh!"

Aakma pa sana silang susugod pero sinamaan ko sila ng tingin.

Sumama ang mukha ng mga kasama ni tabachoy ng marinig ang sinabi ni Quin. Pfft.

Pero tumaas rin ang kanang kilay ko.

Ako nagtatapang-tapangan? Ha! At ano daw? Lulumpuin niya ako? Pfft.
Patawa tong tabachoy na to. Eh hindi nga niya ako kayang patamaan eh. Tsk.

Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas.

"Pfft? Ako magmamakaawa? Ha! Baka nakakalimutan mo ang nangyari nung isang araw at kahapon? Hoy, tabachoy! Kahit sa laki mong yan, wala kang panama sakin."

Natatawang sabi ko na ikinatawa rin ng tatlong kupal sa tabi ko. Namula ang mukha niya sa galit at tuluyang umusok ang ilong at tenga niya kaya nagmukha siyang lechon sa paningin ko. Yung lechong malapit ng masunog. Pfft. Hahahahaha. Mukha talaga siyang lechon na sunog.

"I-Ikaw!! Magbabayad ka sa mga ginawa mo samin!"

"Tsk. Tsk. Puro ka dada. Bakit hindi ka na lang lumapit dito at ng matikman mo ulit tong kamao ko? Tsk."

Nakita ko na lang ang pagsenyas ni tabachoy sa mga alagad niya. Sumugod ang mga ito samin na ikinangisi ko ng malawak. Hehe. Paniguradong may mga mababasag na naman na mukha.

"Hehehe. Let's rock and roll!!"

Pinatunog ko ang mga daliri at ngingisi-ngising sinalubong ang kamaong papatama sakin. Hinawakan ko ang kamao ng unang sumugod sakin at hinila siya palapit sakin. Saka walang pasabing binigyan ko siya ng uppercut.

Naramdaman ko naman ang paparating na bagay sa likuran ko. Madali akong umiwas ng may nagtangkang humampas ng baseball bat sa likuran ko. Sinipa ko ang sikmura niya at umiwas ulit ng may paparating na suntok sa mukha ko. Ha! Muntik na ako dun. Siniko ko ang panget na mukha ng nasa gilid ko saka umikot at sinipa ng patagilid ang mukha nito. Pero hindi ko napansin ang papalapit na kamao na siyang tumama sa pogi kong mukha. Tumama ang malaking kamao nito sa ilong ko na balak pa yatang papanguin.

"Argh. Peste!"

Saglit akong nahilo at ramdam ko ang mainit na likidong lumabas sa ilong ko. Oh pakshet.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaking sumuntok sakin. Iniwasan ko ang paparating niyang suntok saka siya pinatid na ikinatumba niya. Pero bago pa siya tuluyang matumba, hinila ko ang collar sa likod nito saka malakas siyang binalibag.

Nagpatuloy ang pagsugod nila samin. Pero pfft. Halata namang dehado sila dahil marami ang nakaratay sa lupa habang namimilipit sa sakit. Tsk. Ang yayabang kasi ng mga gago. Ayan tuloy napala nila.

Ngumiwi ako ng matamaan ang pisngi kong nasuntok kanina. Punyeta. Ginantihan ko ng pangmalakasang sapak ang sumuntok sakin. Dinura ko ang nalasahang dugo sa bibig ko. Nyeta naman oh. May mga pasa rin akong nakuha pero mas marami ang nakabulagta sa kanila.

Napatingin ako sa direksyon nung tatlo. Yung dalawang kupal, ayun pinagtulungan yung isa nilang kalaban. Binugbog ba naman ng malala. Mga gago talaga. Si Quin naman ayun. Parang siraulong tumatawa habang pinaglalaruan sa kamay yung isang batuta na pinagpapalo-palo isa-isa ang lumalapit sa kanya. Mga baliw talaga.

"Aaaahhhh!! Magbabayad ka sa lahat ng ginawa mong tomboy ka!!!"

Napalingon ako kay tabachoy na kung tumakbo eh parang susugod sa gyera. May pasigaw-sigaw pang nalalaman. Natawa ako ng tumalbog-talbog ang malaki niyang tiyan habang papalapit sakin. Kung kanina mukha siyang lechon na sunog ngayon naman mukha na siyang umuusok na bolang tumatalbog. Paano ba naman kase namumula na ang mukha niyang galit na galit.

Umatras ako ng tatlong hakbang nang akmang ihahampas niya sakin ang hawak na baseball bat. Tsk. Ang bagal naman gumalaw ng tabachoy nato.

Nang-aasar na tinagilid ko ang ulo saka maangas siyang pinagmasdan.

"Tsk. Tsk. Ang bagal mo talagang gumalaw, tabachoy. Paano ba yan? Mukhang ako pa rin ang panalo sating dalawa."

Ngumiti ako ng sobrang tamis nang nagngingitngit siyang sinamaan ako ng tingin. Asar na asar ang tabachoy. Pfft.

Galit na galit niyang pinatama sakin ang hawak niya pero dahil sa sobrang bagal niya nahawakan ko 'yun ng walang kahirap-hirap. Tsk. Tsk. Saka ko 'yun tinampal ng malakas na nabitawan niya naman. Ang hina talaga ng tabachoy nato.

Malademonyo akong ngumiti na mukhang kinatakot niya. Oh ano ka ngayon? Tsk.

"Oh nasa'n na ang tapang mo? Psh. Akala ko ba gagantihan mo ako? Bakit parang naduduwag ka yata, tabachoy? Ah. Nakalimutan ko. Matagal ka na talagang duwag. Pfft."

Sumama ang mukha niya na kanina may bahid ng takot. Saka siya sumugod sakin habang nagsisisigaw.

Napailing na lang ako.
Hays, pagod na rin naman ako kaya mas mabuti pang tapusin na namin 'to.

Handa na sana akong ipatikim kay tabachoy ang kamao ko at ipatalbog siya papunta sa itaas ng puno nang may pumito na nagpahinto saming lahat. Kasunod nun ang paglitaw ng nakakatakot na boses ni Nanang na nagpagising sa nadedemonyo kong utak.

"LAHAT NG NANDITO, SUMUNOD SAKIN!!!"

Naririnig ko na si kamatayan na paulit-ulit na bumubulong sa tenga ko. Mukhang handa na siyang sunduin ako.

Shit naman! Bakit ko ba kasi nakalimutan 'yun! Nyeta ka Nash! Paktay ka ngayon!

++++

Please bear with my wrong typos and kindly comment your thoughts in this chapter.
- MysticMiniMe

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Tombits GirlWhere stories live. Discover now