Chapter 1

4 1 0
                                    


Chapter 1:

Nash Pov

Napangiwi ako ng mahawakan ko ang sugat sa labi ko. Aissh. Lagot na naman ako nito kay Nanang. Mga peste kasing mga gagong yun!

"Hahahaha! Grabe ka Nash. Hindi mo man lang kami tinirhan. Ayan tuloy nabangasan ka. Hahahaha. Ang pangit mo na!"

Sinamaan ko ng tingin si Steve na tumatawa sa likuran kasama si Pal na tumatawa rin. Mga gagong to. Kung bangasan ko rin kaya sila ng matikom nila ang mga bibig nila.

Galing kaming school at uwian na. Hindi ko sila kasama kanina dahil may dinaanan pa sila sa office nung principal namin. Kaya nauna na ako. Pero hindi ko naman inaasahang aabangan ako nung grupo ni tabachoy sa labas ng school. Isa siya sa mga bully at nangongotong sa loob ng school. At isa ako sa mga binubully niya pero hindi siya nananalo sakin. Ilang beses ko nasiyang tinakot pero hindi yata nadadala. Kaya ayun nung minsang pagtripan niya ako, nawalan ako ng pasensya. Pinatulog ko lang naman ang walang hiya.

At alam kung yun ang dahilan kaya inabangan nila ako sa labas ng school kanina. At talagang may back-up pa si tabachoy. Kaya ayun wala akong choice kundi depensahan ang sarili ko kundi ako ang bubugbugin nila. Ako lang magisa laban sa kanilang lahat. Lahat sila napatumba ko bago pa man dumating ang tatlong kulugo na 'to.

At malas lang dahil nagkabangas ako. Paniguradong lagot ako neto pag-uwi ko.

" Eh kung bugbugin kaya kita diyan?! "

Singhal ko na ikinatigil nila. Mga bwisit. Padabog akong naunang maglakad sa kanila.

"Woah. Relax lang. Ang init naman agad ng ulo mo. Hahaha."

Sinamaan ko lang ng tingin sila na ikinataas nila pare-pareho ng dalawang kamay. Mga gagong to.

"Pero Nash, pano yan? Siguradong yari ka kay Nanang pag nakitang ganyan ang itsura mo. Siguradong hahabulin ka na naman nun ng stick."

Dinig kong sabi ni Quin sa tabi ko. Sandali ko siyang nilingon saka nakataas noong sumagot. Bahagya pang nakataas ng kilay.

"Sus. Yun lang? Hindi naman ako natatakot eh. Hindi naman masakit ang palo ni Nanang."

Mayabang kong sabi pero biglang lumitaw sa isip ko ang galit na galit na mukha ni Nanang. Bigla akong napangiwi. Sa totoo lang takot ako kay Nanang at masakit talaga ang palo niya. Yun ang lagi niyang ipinanghahabol sakin kapag may nagawa akong kasalanan. Mabait ang lola ko pero parang leon kapag nagalit. Pati nga si tatang takot sa kanya eh. Amazona kasi si Nanang.

"Ows. Talaga? Kaya pala ganyan ang mukha mo. Mukhang natatae. Hahahahaha."

Umusok ang ilong ko sa sinabi ni Pal. Lahat naman sila nagtawanan. Tumigil ako sa paglalakad at maangas na pumunta sa harap niya.

"Ah talaga? Eh kung pa-land-ingin ko 'tong kamao ko dyan sa mukha mong unggoy ka ha?"

Natigil sila sa pagtawa at napalayo sakin. Napasimangot naman siya dahil sa sinabi ko. Iniinis talaga ako nitong mga bwisit nato. Psh.

"Sinong unggoy?! Napakasama niyang bibig mo Nash. Gwapo ako, gwapo. Hindi unggoy."

Nanunulis ang ngusong sabi niya. Tinampal ni Steve ang bibig niya saka nandidiring tinignan siya. Ngumisi lang ako.

"Hindi ka gwapo. Unggoy ka. Baklang unggoy."

Nakangising pang-aasar ko sakanya. Umasim naman ang mukha niya na ikinatawa ng dalawa.
Sinamaan niya ako ng tingin at bahagyang lumapit sakin.

"Kung halikan kaya kita dyan? Bakla pala ha? Halika dito."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nandidiring tinignan ko siya at saka dinuro. Siya naman ngayon ang nakangisi. Kadiri ang lalaking to.

My Tombits GirlWhere stories live. Discover now