Chapter 2:
Kasama ko sila Quin dito sa likod ng building sa school. Dito kami tumambay dahil wala ang mga teacher dahil may meeting daw. Hindi pa pwedeng umuwi kaya dito muna kami nagpalipas ng oras. Kesa naman dun sa classroom. Ang init sa loob at nakakairita ang ingay ng mga kaklase ko. Psh.
Magkaklase tong tatlo samantalang ako nagiisa. Pare-pareho kaming nasa Grade 11. Pero magkakaiba ang strand namin.
Nandito ako sa taas ng puno habang ang tatlo naman ay nasa baba. Gusto ko sanang umidlip kaso ang iingay ng mga kupal. Bwisit. Inis ko silang tiningnan sa baba.
Nagpapayabangan lang naman ang mga kupal.
"Hahahaha!! Nakita mo yung nangyari kanina pre? Mas madaming chicks ang lumalapit sakin. Ibig sabihin lang nun mas gwapo ako sayo!"
Rinig kong sabi ni Pal na nakikipagtalo kay Steve. Tumaas ang kilay ko sa narinig.
"Mas marami pa ring chicks ang lumapit sakin kesa sayo. Nakita mo yun kanina? Pati mga binabae nagkakagusto sakin. So ako parin ang mas gwapo sating dalawa!"
Hindi rin papatalong sagot ni Steve na tumawa pa. Ang yayabang ng mga kupal na to.
Pero seryoso? Nagtatalo pa sila sa lagay na yan? Eh parehas naman silang hindi gwapo.
Ang lalakas ng amats ng mga to. Mas pogi pa yata yung aso namin sakanila eh.Tiningnan ko ulit sila sa baba. Nasa lilim sila nitong punong inakyatan ko. Yung dalawang kupal nagyayabangan parin at kunti na lang mukhang magsasabong na. Yung isang kupal na si Quin, ayon sa isang puno. Idlip na idlip at nakanganga pa ang ulupong.
"Yung mga bakla lang naman ang mga humahabol sayo, uy! Mas bentang-benta sa kanila ang mukha mo. I-try mo kaya yung wampipti?"
Muntik na akong matawa sa sinabi ni Pal. Nakahawak kasi siya sa baba niya habang kunwaring nag-iisip. Akala mo talaga may isip.
Lukot naman ang mukha ni Steve na halatang asar na asar na talaga. Hahaha. Tingnan mo mukha ng gagong to. Pikon na pikon. Hahahaha!
Kanina pa sila ganyan at nagyayabangan tungkol sa kung ano-ano. Si Steve yung nagsimula pero kita mo naman siya rin ang pikon sa huli. Pfft.
Pero napaisip ako dun sa sinabi ni Pal. Ano kaya ang magiging itsura ni Steve kapag pinatulan niya yung wampipti?
Pfft. Ngayon pa lang naiimagine ko na yung mukha niya kung sakaling i-try nya yun. Hahaha. Epic na epic ang mukha.
"Gago. Eh kung ibugaw kaya kita dun sa mga mukhang pusit at balyenang baliw na baliw sayo? Sabagay, kahapon ka pa hinahanap ng mga yun. Ano kaya kung ibenta kita sa mga yun? Wampipti pala ha."
Kita ko naman ang pagputla ni Pal ng sabihin yun ni Steve. Pfft. Sa sinabi nyang yun, naalala ko yung mukhang pusit na laging nakasunod kay Pal at yung isang balyenang muntik ng siyang daganan noon. Ang dalawang yun ang baliw na baliw sakanya. Kaya nga parang kriminal kung magtago 'tong si Pal eh. Dahil literal na baliw at mukhang obsessed na obsessed sakanya ang mga yun.
Hanggang ngayon nga kinikilabutan ako kapag naiisip ko kung ano ang gagawin nila kay Pal.
Geez. Putsa. Napapangiwi na lang ako sa kilabot.
"Hoy! Gago! Wag mong susubukan! Malilintikan ako kapag nakita ako ng mga walang hiyang yun! Shet! Wag mo na ngang banggitin ang mga bwisit na yun. Kinikilabutan lang ako."
Tawang-tawa naman si Steve sa mukha ni Pal na hanggang ngayon bakas ang pagkaputla at halatang kinikilabutan. Yinakap pa ng kupal ang sarili habang sinasamaan ng tingin si Steve at ako na natatawa rin sa mukha niya. Amputs. Kabang-kaba ang gago.
Tumalon na ako pababa ng puno. Lumapit ako sa pwesto ni Quin at naghanap ng mauupuan. Sumalampak ako sa gilid niya.
Tiningnan ko ang gago. Tulog na tulog at ang lakas pang humilik. Hindi man lang nagising sa ingay ng dalawang kupal.
"Hahahaha! Panalo ako! Tingnan mo mukha mo. Ang panget mo talaga. Aminin mo na kasi na mas gwapo ako kesa sayo, Palito Pito!"
"Anak ng! Tigilan mo nga ako, Ladong!"
"Gago! Wag mo kong tawaging Ladong, Palito!"
"Tigilan mo rin ako sa kaka-Palito mo! Sisipain kita, tamo!"
Lintik na dalawang to. Ang iingay. Parang mga bakla. Kumuha ako ng dalawang bato na kasing laki ng bunganga ni Pal at ibinato yun diretsyo sa paa ng dalawa na mukhang magsusuntukan na. Ang lapit-lapit na ng mga mukha, nagsisigawan pa. Mga bwisit na to.
"Ano ha?! Suntu–!"
Napatigil sila ng lumanding sa mga paa nila ang mga bato. At kasunod nun ang mga maliliit na bato na tumatama sa katawan nila.
Naiirita na ako sa ingay na mga hinayupak nato samantalang itong katabi ko tulog na tulog.
"Aray! Aray! Putsa–! Ano ba–! Aray!"
"Hoyy! Aw! Tigilan mo nga ang–Aray! Kakabato! Shit! Hoy Nashing–Aruy!!"
Pfft. Pinagbabato ko ang dalawa at hindi tinigilan. Kanina pa ako naiingayan sa dalawang to.
Patuloy lang sila sa pag-ilag at pagdaing sa tuwing may tumatama sakanila. Sinubukan nilang lumapit sa pwesto ko pero lumayo ako sakanila.
Nagpipigil ako ng tawa habang minamasdan si Pal na nadulas para lang iwasan ang batong tatama sa kanya. Pfft. Hahaha. Unang bumagsak ang mukha niya.
"Ah shet. Yung mukha ko!"
"Pfft. Bwahahahahahahaha!!! Mas lalo kang pumanget, pre!! Hahahahahahaha!!!"
Tumigil na ako sa pagbabato sa kanila at bumalik sa dating pwesto ko. Gising na si Quin at mukhang nakita ang nangyari kay Pal dahil humalakhak rin ang kupal habang tinuturo ang mukha nito na lukot na lukot na.
Hindi ko rin mapigilang tumawa habang tinitingnan ang mukha niyang may mga dumi na. Nakasimagot ang loko habang tinititigan ako ng masama.
Tinawanan ko lang siya. Yung isang kupal naman, tawang-tawa ng malakas na mukhang umaabot na yata sa kabilang ibayo. Tuwang-tuwa ang gago. Kanina pa niya inaasar si Pal na halatang pikon na pikon na.
"K-kingina! Tumigil ka na nga, Ladong! Palunukin kita ng bato diyan eh!"
Hindi pa rin tumitigil si Steve sa kakatawa habang kami naman ni Quin natatawa parin.
"Tamo ka, Nash. Ang sakit nun ah." Aniya habang masama parin tingin at nakangiwing hinawakan ang mukha. Pfft.
"Wag kang mag-aalala, Pal. Sigurado naman akong magugustuhan ka parin ng dalawang–." Pinutol niya agad si Quin ng makuha niya kung anong sasabihin nito.
Pffft. Kitang-kita ko ang pagbakas ng kaba at pagputla ulit ng mukha niya.
"Wag kang magkakamaling banggitin ang mga–."
Naputol ulit ang sasabihin ni Pal ng may mga dumating na unggoy.
"Oh. Kita mo naman ang pagkakataon. Kung sinusuwerte nga naman. Nandito ka lang palang tomboy ka. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sakin kahapon! Lintik lang ang walang ganti!"
+++++
Please bear with my wrong typos and kindly comment your thoughts in this chapter.
- MysticMiniMe
YOU ARE READING
My Tombits Girl
RandomNash Esquivelle. Isang probinsyanang tomboy. Maangas at parang lalaki kung kumilos at magsalita. Walang kinakatakutan maliban sa lola niya. Palaging nasasangkot sa gulo lalo na sa school na pinapasukan niya at dahil dito pinadala siya nito sa tita n...