Panimula (Naks! Tagalog)

33 0 0
                                    

          Naniniwala ka ba na ang lahat ng bagay kapag sobra ay nakakasama?--Marahil Oo. Eh! naniniwala ka ba na hindi lahat ng negative ay masama?,at hindi lahat ng positive ay maabuti?--Parang alangan.

          Minsan ba kino-compare mo ang sarili mo sa isang kaibigan o sa ibang tao? Pagkatapos mong gawin 'yon, ano ang nakukuha mo? Ano ang nare-realize mo? Nakakakuha ka ba ng mga technics kung paano mas magiging maayos ang buhay mo? 

          Naka-encounter ka na ba ng emosyon na 'di mo maipaliwanag kung bakit mo nararamdaman? Naka-encounter ka na rin ba ng mga taong 'di mo rin maipaliwanag kung bakit ganoon siya? 

          "Pag-usapan naman natin ang mga Birds and Trees"--'yan ang sinasabi ko 'pag bored na ko sa kausap ko. 

          Pero parang gusto ko naman pag-usapan 'yung iba't-ibang emosyon at ugali ng tao, na 'pag nasobrahan eh! pwede magdulot either positive or negative. Sige, sama na rin natin ang neutral kung meron ngang Neutral Result sa mga pangyayari. 

          Paano nga pala tayo mag-uusap?, Nagbabasa ka lang at 'di ko maririnig ang mga sagot mo sa mga tanong ko. 

          Lagi nating naririnig na--"Pag sobra na ang isang bagay ay masama na ito." Kapag sobrang busog ka sumasakit ang tiyan mo at 'di ka maka-kilos ng maayos. Ganon din, 'pag sobrang gutom ka na sumasakit din ang tiyan mo at 'di ka rin maka-kilos ng maayos. Walang pagpipilian sa dalawang 'to. Parehas silang negative. 

          Ang gusto ko talagang pag-usapan sa "sobra thing" na ito ay ang sobrang pagmamahal ng tao. Kung sinagot mo kanina na--"Oo, nakakasama ang sobra. . ."

"INVENTO"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon