Tapos Agad!!!

21 0 0
                                    

Kung may taong komo-kompleto ng araw mo, mayroon ding sumisira nito. 'Di mo maintindihan ang sarili mo na sa tuwing nakikita mo siya'y lagi kang naiinis kahit wala naman siyang kasalanan sayo. Mabigat ang loob mo sa kanya pero sumasagi rin sa isip mo na gusto mo siya maging kaibigan. 

May taong kahit non-sense ang sinasabi nagiging mabenta ito. Depende kasi ito sa tono, kahit walang kwenta ang joke mo kung magaling kang mag deliver matutuwa pa rin sila sayo. May taong seryoso ang sinasabi pero parang walang nakakaintindi sa kanya. Sawa na kasi ang tao sa problema, kung lagi mo na lang siya ku-kwentuhan ng mga problema magsasawa na siya. Gusto ng tao sumaya kahit sa kwentuhan lang. 

May oras para mag-seryoso at may oras para sa pagbibiro. Dapat alam mo lang kung kailan ang tamang oras para gawin 'yon, nang sa ganon 'di ka ma out-of-place. Kung alam mo ang sitwasyon, alam mo rin ang tamang approach. 

Ano ang basehan mo sa tuwing sinasabi mong--"Ang sama ng ugali niya". Ano ang ideya mo ng pagiging masama? 

Masama ba siya dahil iba ang ugali niya sayo? Masama ba siya dahil 'di niya masabayan ang mga trip mo? o Masama ba siya dahil 'di mo siya gusto? 

Kung piliin mo ang sa tingin mo ay tama ngunit mali para sa iba, masama ka na ba? 

Kung nag-desisyon ka ng para sa sarili mo at 'di para sa iba, masama ka na ba? 

Kung kumaliwa ka sa isang kanto na ang bahay mo'y nasa kanang kanto, masama ka na ba? 

'Di masamang maligaw, 'di masamang mag-desisyon at piliin ang gusto mo. 

Ang masama ay 'yung hindi pagiging responsable sa mga pinili mong gawin. 

'Di masamang magkamali. Ang masama ay 'yung nalaman mo na ngang nagkamali ka'y hinayaan mo pang ma-stock ka sa pagkakamali mo. Ni hindi ka man lang nag-effort kahit 1% para maitama iyon. 

'Pag nagkamali ka pwede ka pang magbago pero kung sinasadya mo ang magkamali 'yon ay choice mo. 

'Di masamang mag-comment. Nagiging masama lang ito kung ang layunin mo ay para manghiya ng iba. 

Paano mo sasabihin ang totoo kung alam mong makakasakit ito? Ang magsabi nga ng totoo'y nakakasakit, ano pa kung kasinungalingan na? 

Kung sasabihin mong ayaw mo sa ugali niya, sa kilos niya sa mukha niya. . .o may nagawa siyang 'di-maganda sayo at gusto mo itong ipaalam sa kanya, dapat mong sabihin ng personal. Hindi sa layuning mag-sorry siya sayo kundi para maging maayos ang pagsasama niyo. Huwag mo siyang ipahiya sa iba. Ang pagku-kwento sa mga taong walang kinalaman ay 'di makakatulong. Sisiraan mo lang siya at lalaki ang gulo. Kung hihingi ka ng payo sa iba para malutas ang problema, siguraduhin na walang dagdag-bawas sa mga pangyayaring naganap at mapagkakatiwalaan ang taong hinihingan mo nga advice. Dapat open minded at marunong mag analyze ng sitwasyon, hindi 'yung hyper na papayuhan ka na i-ambush 'yung taong kinukwento mo. 

Kung pipiliin mo maging mapanghusga, mapag-mataas, at sasadyain mong magkamali't maging masama. Huwag kang magtaka kung biglang isang araw may gumanti sayo ng katulad ng gagawin mo. 

Huwag ka magtanong na sa kabila ng maayos mong buhay, magandang trabaho, at propesyon ay magkaroon ka ng problema na 'di mo kayang lutasin at walang tutulong sa iyo. Kung mangyari sayo ito huwag mong sisihin ang ibang tao o ang Diyos, dahil sa una pa lang na pinili mo na kung magiging sino ka ay pinili mo na rin ang magiging resulta. 

Kung mangyari nga sayo ito at nanisi ka pa rin, bilib ako sayo dahil pinanindigan mo pa rin ang pinili mo kahit alam mo nang mali ito. 

Huwag mong idahilan na mahirap ang magbago, na sa simula ng ipinanganak ka ay ganyan ka na at sanay ka na sa ginusto mo. Kung mahirap ang magbago sana ay nanatili kang sanggol. Bakit ka naging kinder, elementary, high school at college? Kung nasa bahay ka na nasusunog. 'di ka ba lalabas?. . .dahil dito ka na lumaki at nasanay umuwi, kumain, matulog, at manood ng T.V.? 

Nagagalit ka 'pag ginawan ka ng masama pero kapag ikaw naman ang gumawa ng 'di-maganda ay dine-depensahan mo ang iyong sarili. 

Tandaan na madalas nangyayari ang mga kwento sa Fairy-Tales. May happy ending at laging talo ang villian. 

Kung pinansin mo 'yung "V" sa pamagat at nagtaka ka kung bakit hindi "B" ang ginamit ko. . .gusto kong malaman kung ano ang naging reaksyon mo. Ikaw na ang bahala kung sa tingin mo ay mali o bobo ako. Alam mo na kung ano ang pinili mo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"INVENTO"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon