Check this cases:
Pelikula: Isang lalake ang nang-holdap sa bangko. Nang tanungin kung bakit niya ito ginawa, sinabi niyang may sakit ang anak niya at kaylangan nitong magpa-gamot sa ibang bansa. 'Pag magaling na ito pwede na siyang magpakulong. Sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya, gumawa na siya ng masama.
Advertisement: (Death Insurance) "If you loved them, be prepared!". Ayos! parang kinonsensya ka pa na 'pag hindi mo kinuhanan ng death insurance ang mga mahal mo sa buhay, ibig sabihin hindi mo sila mahal.
News: Sinaksak ng Boyfriend ang kanyang Girlfriend hanggang sa mamatay ito. Nang imbestigahan ang dahilan--"Selos", sobrang pagmamahal. Ayaw mapunta sa iba kaya pinadala na lang sa heaven. Kunng doon nga makakarating. Biruin mo, pati pagmamahal na pinaka-positive na atang magagawa ng tao sa kapwa niya ay nagiging negative ang resulta kapag naging sobra. Pwede rin namang sabihin na hindi pagmamahal ang tawag sa mga maling bagay na ginawa mo. Dinahilan mo lang na sobrang mahal mo siya pero ang totoo naging sakim ka.
Check this cases (again):
Pelikula: Mahal na mahal ng babae ang asawa niya. Kahit siya ang nagta-trabaho at nangangaliwa pa ang mister niya, 'di niya ito kayang iwan.
Advertisement: (Fabric Conditioner) "It helps repel mosquitoes on clothes. . ." Hindi mo sure kung totoo pero dahil mahal mo ang mga anak mo, ayaw mo silang madapuan ng lamok. Kaya naging mabenta 'yung product.
News: Battered wife na rescue. 3 yrs. na siya ginagawang punching bag ng asawa niya. Nang tanungin kung bakit 'di siya umaalis sa poder ng asawa niya ay dahil mahal daw niya ito. O kaya nag-e-enjoy lang siya sa pambubugbog ng asawa niya, at gusto pa niyang dagdagan ng another 3 yrs. ang maganda nilang pagsasama. 'Pag nakakapanood ka ng ganitong balita, sinasabihan mo bang "tanga" 'yung babae dahil pumayag siyang bugbugin ng asawa niya? At dinadagdagan mo pa ng "Kung ako yan, nilayasan ko na yan!", "Ang dami-daming lalake sa mundo eh!" o vice versa, "Ang dami-daming babae sa mundo."
Bakit nga ba nagiging tanga, hindi lang 'yung mga nasa ganong sitwasyon, kundi ang marami sa atin pagdating sa love? Uyyy. . .senti ang topic.
"Love is not blind. It sees. . .but it doesn't mind"--Mc Paul
Tanga. Negative. Kapag sinabihan ka ng ganyang salita talaga namang masakit at nakaka-insulto. Aawayin mo pa ang taong magsasabi sayo niyan, at gagantihan siya ng "Tanga ka rin!". Pero balewala ang salitang 'yan kapag sa taong inlove mo sinabi. Hindi gagana ang power ng salitang "tanga". Hindi niya ite-take na insulto o masama ang salitang ito, kaya pwede mo sabihin sa kanya unlimited.
Kapag may bagay kang ginawa na hindi naintindihan ng ibang tao sasabihan ka nilang "tanga". At maiinis sila sayo dahil 'di ka sumasabay sa agos, sumasalungat ka sa ihip ng hangin, lumalangoy ka sa lupa, umiinom ka ng tubig sa tasa at ayaw mong matulog 'pag gabi.
May bagay na kahit ikaw 'di mo maintindihan kung bakit mo ginagawa, nagawa, o gagawin pa lang. Partikular pagdating sa pag-ibig.
Sabi ng isang kaibigan--"Corny at Weird ang Pag-ibig, kaya ok lang kung nakakagawa ka ng mga corny at weird na bagay para dito".
Elementary Student (may crush): Para malaman kung compatible sila "FLAMES" ang solusyon.
High School Student (may crush): Nakitang naglalakad pauwi ang crush niya. Para lang magpapansin, maglalakad na rin siya pauwi kahit malayo ang bahay niya sa school.
College Student (may crush): Nandyan ang crush. Deadma. Wala lang. Ma-pride, ayaw ipahalata na may feelings.
Anu-anong corny at weird things na ang nagawa mo para sa taong gusto mo? Kung 'di ka pa na-i-inlove hindi ka makaka-relate dito.

BINABASA MO ANG
"INVENTO"
HumorSino ka dito? Ano ugali mo 'pag na-iinlove ka? Saang mood ka nabibilang? Anong category mo bilang tao? Tara aral tayo kung sino mas mabait sa 'ting dalawa. . .pero sure ako, ako ang mananalo.